7

3 0 0
                                    

Pag uwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko. Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang dalawang palad dahil sa frustration na nararamdaman ko.

Pakiramdam ko, ang daming nangyari ngayong araw. Masyadong magulo at mabigat.

Pumasok ako sa last two subject namin, lalo na sa P.E. Nalate nga lang kami ni Yuki dahil sa haba ng pag uusap namin. Ang awkward pa dahil magkapartner kami ni Mizuki. Gusto ko siyang iwasan, pero parang universe na ang nagsasabing hindi tama iyon at mag usap kami, pero hindi ko pa kaya. Masyadong mabigat pag usapan. Wala pa ako sa sarili, kaya baka mag away lang kami kung pipilitin kong kausapin siya.

Natigil ako sa pag iisip nang may narinig akong kumakatok sa labas ng pinto ng kwarto ko. Tumayo ako at inayos ang sarili.

Naglakad ako papunta sa pinto at pinihit ang doorknob ng pintuan. Bumungad sakin ang nakangiting si Mama habang may dala-dalang box ng brownies at dalawang malaking bote ng chocolate drink.

"Merienda tayo?" Nakangiting alok niya sakin. Gumilid ako sa pinto at pinagbuksan siya ng pintuan. Nakangiti naman siyang pumasok sa loob ng kwarto ko. Mabilis ko namang isinara ang pintuan ng kwarto ko at sumunod sa kaniya.

Naupo kami sa carpeted na sahig ng kama ko. Inilapag nya roon ang mga brownies at chocolate drink na hawak nya. Marami iyon.

"Kamusta ang school? Pagod ka ba?" Nakangiting tanong ni Mama habang nagsisimula na kaming kumain.

"Maayos naman po, Ma. Medyo busy lang po dahil malapit na po ang exam week," sagot ko sa kaniya habang kumakain ng brownies. Nakangiti siyang tumango, mukhang masaya dahil sa sinabi ko.

"Don't pressure yourself, ah? Kung hanggang saan lang ang kaya mo, 'wag mong pilitin. Naging estudyante rin kami, kaya alam at naiintindihan namin ang struggles bilang isang estudyante. Hindi palaging madali at hindi rin laging mahirap," pagpapaliwanag nya. Nakaramdam naman ako ng ginhawa dahil sa sinabi niya.

Ang ibang magulang kasi ng mga kaklase at blockmates ko ay pinepressure ng mga magulang nila, samantalang ako na anak ng may ari ng campus, sinasabihan ng mga nakakagaan sa pakiramdam na mga salita. Mga salitang palagi kong naririnig sa mga magulang ko simula ng bata pa ako.

"Ma, noong kaedad ko po ba kayo, marami po kayong manliligaw?" Biglaan kong tanong sa kaniya, dahilan para medyo kumunot ang noo niya.

"Simula bata pa ako. Mga elementary, ganoon. Pero highschool ako nagka-boyfriend," sagot naman niya. Tumango tango naman ako.

"Paano po kayo nagkakilala ni Papa?" Curious na tanong ko. Sa tanong ko palang, napansin ko na kaagad ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Mama, dahilan para maliit akong mapangisi.

"Magkaklase kami ng Papa mo sa PR2. Naikwento na yata ng Papa mo 'to sa 'yo, eh," aniya, dahilan para mabilis akong umiling.

"Syempre 'yung version mo naman po, Ma."

"Sige na nga!" Napapakamot sa ulo nyang anas. "Ayun na nga, magkaklase kami ng Papa mo noong Grade twelve kami. Noong una, hindi ko siya kilala dahil late akong nakapasok. Online class pa kami noon dahil may pandemic. Nagkaroon kasi ng virus na kung tawagin ay Covid-19."

Napakunot ang noo ko, pero hindi ako nagtanong. Baka maputol pa ang pagkukwento ni Mama at hindi na siya magkwento ulit. Ganito kasi siya. Minsan tinatamad siyang magkwento.

"Isa siya sa mga kaklase kong nakakapagpainit ng dugo ko. Inaagawan nya kasi ako ng recitation at kahit ako ang nagtataas ng kamay, siya ang tinatawag," napangisi siya habang nagkukwento. "Naiinis ako sa kanya sa maraming dahilan. Shiniship nya rin ako dati sa kaklase namin na naging kagrupo namin sa PR2. Basta nakakainis siya!"

This I Promise YouWhere stories live. Discover now