"Anak, lumabas ka na dyan, please. Si Mama ito," pagkatok ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.
Nakakulong ako sa kwarto ilang araw na pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin ni Mizuki at Sakura. Hiyang hiya ako sa sarili ko dahil sa nangyari.
Pinatunayan ko lang kung gaano akl ka-low class na babae.
"Anak, please. Nag aalala na kami ng Papa mo sayo," pakiusap na sabi ni Mama.
"Ma, what's happening?" Rinig kong tanong ni ate sa labas. Kakauwi nya lang kahapon mula sa ibang bansa para sunduin si Tiffany, pero nang malaman nya ang nangyari, nag stay sila dito dahil sa kalagayan ko.
"Ang kapatid mo, hindi parin lumalabas ng kwarto," sagot ni Mama kay ate.
"Ako na pong bahala, Ma. Kakausapin ko po siya," rinig kong sabi ni ate.
"Sige, anak. Salamat," ani ni Mama bago ko marinig ang yabag na paalis. Ang akala ko ay wala na sila sa labas ng kwarto ko, pero nakarinig ako ng katok mula sa labas. Napabuntong hininga ako at tumalikod mula sa pintuan nang biglang bumukas ang pinto. Niyakap ko ang mahaba kong unan habang nakatalikod parin sa gawi ng pintuan.
"Daichi, si ate ito," malambing na aniya. Napabuntong hininga ako at kasabay noon ay ang panlalabo ng mga mata ko. "I know, you're not feeling well because of what happened. I understand you, don't worry."
Napahigpit ang pagyakap ko sa unan ko habang nakasubsob ang mukha ko sa unan nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
"Paupo ako sa kama mo, ah?" Pagpapaalam nya bago ko naramdaman ang paglubog ng kama ko sa gilid ko. "Si ate ito. Ayaw mo bang makita si ate?"
Naramdaman kong nahiga siya sa kama ko at napapiksi ako nang haplusin nya ang braso ko, marahan iyon at punong puno ng lambing.
"Minsan talaga sa buhay natin, makakagawa tayo ng mga pagkakamali. Hindi naman maiiwasan sa buhay iyon. Minsan na rin akong nagkamali dati, pero tignan mo kung nasaan ako ngayon. I'm now happily married with one kid," she soothingly said. Doon lalong bumuhos ang luha ko nang yakapin nya ako at ipatong nya ang mukha nya sa balikat ko. "Miss na miss na kita, kayo nina Mama at Papa. Kaya ako umuwi kasi gusto ko na kayong makasama, lalo ka na, pero alam mo ba nalungkot ako kasi nalaman ko ang nangyari sayo. I'm sorry kung wala si ate," napahagulgol ako nang mabasag ang boses nya. "Kailangan kasing magtrabaho ni ate sa ibang bansa kasi may pamilya ako at kailangan ko ring tulungan kayo nina Mama at Papa dahil alam kong mahirap ang buhay dito sa Pilipinas. Miss na miss ko na kayo, pero bakit hindi ka tumawag sakin?"
I badly want to apologize to her. Gustong gusto kong humingi ng tawad na ako ang naging kapatid nya. Ikinakahiya ko ang sarili ko. Hiyang hiya ako sa kanya, sa kanila nila Mama at Papa dahil sa mga ginagawa ko, pero hindi ko magawa.
"Nag aalala ako sainyo nila Mama at Papa dahil baka may problema kayo na hindi nyo sinasabi sakin. Nandito na si ate. Sorry bunso, kung hindi kita nakamusta manlang dahil marami ring iniisip si ate. 'Wag kang mag alala, nandito na ako. May inaasikaso lang ako tapos dito na kami titira," dagdag pa nya.
Humarap ako sa kanya at umiiyak na sinalubong ang mga mata nyang umiiyak na rin. Malungkot siyang ngumiti at pinalis ang luha ko.
"Sabi ko sayo si ate ang bahala sayo, bakit hindi ka manlang tumawag sakin? Miss na miss ko na ang bunso namin," pumipiyok ang boses na aniya habang pinapalis ang luha na pumapatak sa mga mata ko.
"A-Ate..." umiiyak na tawag ko sa kanya. Kinagat nya ang pang ibabang labi, pinipigilan ang pag iyak, pero kusang tumulo ang mga luha sa mga mata nya. Hinawakan nya ang pisngi ko at hinaplos iyon na punong puno ng pag iingat habang nakatitig sa mga mata ko.
YOU ARE READING
This I Promise You
RandomHikari Daichi Pelagio is being known as a kind and nonchalant woman. Everyone admires her. She admires her parents relationship that it became her standard. What will happen when her childhood that she really hate confessed his feelings for her when...