Natapos ang araw ng nakasimangot ako dahil sa P.E namin. Nauna na akong umuwi dahil varsity si Mizuki ng basketball.
Nang makarating ako sa bahay, nagulat ako nang bumungad sa akin si lola, sa mother's side ko. Nakaupo siya sa sofa habang halatang may hinihintay.
Pumasok ako sa loob at nagmano. Pansin kong hindi maganda ang timpla niya sa hindi ko malamang dahilan.
"Saan ka galing? Dapat ay nagpasundo ka sa Mama mo ng may silbi naman siya," iritableng aniya, dahilan para makaramdam ako ng inis.
"Mawalang galang na po, lola, pero 'wag nyo namang pagsalitaan ng ganyan ang Mama ko," pigil na inis na sabi ko, dahilan para mapansin kong nainis siya sa sinabi ko.
"Aba, Daichi, 'wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan. Gusto mo bang bugbugin kita?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ganito si lola, pero pakiramdam ko ay alam ko na kung bakit.
"Ma, 'wag mo ngang pagsalitaan ng ganyan ang anak ko. Wala kang karapatan. Hindi mo siya anak!" Galit na singit ni Mama. Pababa na siya ng hagdan habang palapit sa amin. Hinawakan ni Mama ang braso ko at inilagay ako sa likod niya.
Tumayo si lola at galit na galit na tumingin kay Mama.
"Wala kang kwenta! Dapat pala ay hindi na kita binili dati sa nanay mong malandi! Malandi ka! Pokpok! Mana ka sa nanay mo!"
Hindi na ako nakapagtimpi at umalis ako sa likod ni Mama. Sinampal ko si lola, dahilan para mapahawak siya sa pisngi niya at nanlilisik ang mga matang tumingin sakin.
Napasinghap sila sa gulat. Si Papa ay kakapasok lang ng bahay at halatang galing sa trabaho dahil sa suot nyang formal attire.
"Wala po kayong karapatan na pagsalitaan ng ganyan si Mama! Kaya pala siya may depression ay dahil sa walang kwentang magulang na katulad nyo! Hindi na ako magtataka kung binubugbog nyo si Mama dahil demonyo kayo! Ang tanda-tanda nyo na, ganyan pa ang ugali nyo! Sana pala matagal na namin kayong pinabayaan tutal wala naman kayong kwentang alagaan!" Galit na sigaw ko kay lola.
Nanginginig ako sa galit dahil sa pang iinsulto nya kay Mama. Walang pwedeng bumastos ng ganyan sa mga magulang ko!
"Anak, Daichi, bakit mo sinampal ang lola mo?" Tanong ni Papa sakin. Lumapit siya sakin at seryosong tinitigan ako. Pero matalim ang tingin ko kay lola na galit na rin na nakatingin sakin.
"Bastos 'yang anak nyo! Manang mana sayo, Dove! Sabi sayo at magagaya ang anak mo sayo! Wala kang kwentang ina!" Sigaw ni lola kay Mama.
"Ma, mawalang galang na po, pero 'wag nyong pagsalitaan ng ganyan ang mag ina ko. Wala kaming ginawang masama sa inyo kundi ang igalang at alagaan kayo, lalo na po ang asawa ko," seryoso ani ni Papa kay lola.
Nagulat ako nang sampalin ni lola si Mama. Pagkatapos ay nanlilisik na mata nya kaming tinignan bago siya maglakad paalis.
Pero bago siya tuluyang makalabas, naglakad ako palapit sa kanya at mabilis na tumigil ako sa harap nya. Sinampal ko siya bilang ganti dahil sa pagsampal nya kay Mama. Nanlisik ang mata nya nang tignan nya ako at muling napahawak sa pisngi nya.
"How dare you?!" Galit na sigaw nya sakin.
"How dare you slapping my mother?" Balik na sigaw ko sa kanya.
Tinuro nya ako at nanginginig ang kamay nya habang galit na galit na nakatingin sakin.
"You! Kagaya ka nga ng Mama mo! Parehas kayong walang kwenta!" Sigaw nya sakin.
"Ikaw ang walang kwenta! Wala kang karapatang pagsalitaan si Mama ng ganyan. Nanay ka lang nya, pero wala kang karapatan na magsalita ng ganyan!" Gigil na sigaw ko sa kanya. "Lola lang kita, pero mahal ko ang Mama at Papa ko! Bastusin mo pa sila ulit ng ganyan, hindi ko na alam kung anong magagawa ko sayo."
YOU ARE READING
This I Promise You
LosoweHikari Daichi Pelagio is being known as a kind and nonchalant woman. Everyone admires her. She admires her parents relationship that it became her standard. What will happen when her childhood that she really hate confessed his feelings for her when...