12

3 0 0
                                    

Days passed hanggang sa dumating ang birthday ni Papa. December 4 ang birthday nya, kaya naman umabsent kami ni Mizuki para maghanda ng surprise kay Papa.

Nagpareserve kami ng isang buong restaurant. Ang sabi ni Mama ay magrerenta siya ng isa sa paboritong banda ni Papa. Kami ni Mizuki ang naging abala sa venue habang si Mama naman ay kinakausap ang banda na tutugtog mamaya.

Simula ng sagutin ko si Mizuki, kaagad namin iyon na sinabi sa mga magulang namin. Tuwang tuwa sila at talagang todo support para sa amin.

“Naku! Kapag naghiwalay kayo, pag uuntugin ko kayo!” Ani ni Tita CJ, dahilan para matawa kami.

“Tayo nalang ang mag untugan,” nakangising sabi ni Tito Cy kay Tita CJ. Kaagad naman siyang nilingon ni Tita CJ at pinandilatan.

“Tama ka na nga! Matanda ka na!” Asik ni Tita CJ sa asawa, dahilan para lalo kaming mapuno ng tawanan. Nandito kami sa bahay namin dahil dito kami sabay sabay na magdi-dinner.

“Maka matanda ka naman dyan. Kaya pa nga nating sundan si Helzy,” nakangising ani ni Tito, tukoy niya sa bunsong kapatid ni Mizuki. Naka-condo siya, kaya naman hindi siya nakatira rito sa compound.

“May mga bata!” Sabay hampas ni Tita sa balikat ni Tito. Napaigik naman si Tito at hindi na nakaimik.

Ganoon sila kakulit noong araw na iyon, habang kami ni Mizuki ay sinusulit ang pagtatabi at magkasiklop na mga kamay namin habang nakikinig sa biruan ng pamilya namin. Hindi ko maimagine kung gaano kasaya ang pakiramdam ko dahil finally, naamin ko na rin sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko para kay Mizuki.

Busy kami sa preparation para sa mamayang hapon na celebration. Half day si Papa sa work, kaya naman oras pa kami para mag asikaso. Kailangan naming makabalik sa bahay bago umuwi si Papa para hindi siya maghinala.

Hindi natuloy ang plano ni Papa na pag surprise kay Mama noong 25th wedding anniversary nila dahil nalaman ni Mama ang tungkol roon. Nagkaroon lang kami ng simple celebration. Nagpadeliver lang si Papa ng pagkain at noong gabi naman ay nagdate sila at inumaga na sa pag uwi.

Papa were obviously smitten to Mama. Mahal na mahal niya ito para gawin ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kaniya. Her happiness was his happiness, too. The unconditional love. My parents' love for each other never changed even if they had me and ate Hachi. Nagging standard rin ni ate ang pagmamahalan ni Mama at Papa. Sinwerte siya sa kanyang napangasawa. Sana ay ako rin.

“Baby, are you okay? Baka pagod ka na, ah? Just tell me. You have anemic and I’m worried about you,” paalala niya sakin na para bang alalang alala siya sakin. Napangiti ako at kinurot siya sa kanyang pisngi.

“I’m totally fine! Don’t worry about me,” nakangiting paninigurado ko sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatitig sakin.

“Namumutla ka. Maupo ka muna.” Napanguso ako nang alalayan niya ako sa pag upo sa isang monoblock na upuan roon na kulay blue at kinuhanan pa ako ng tubig. Kinapa niya pa kung malamig iyon.

Nang iabot niya sakin ang isang baso ng tubig, nag angat ako ng tingin sa kaniya at tinanong siya.

“Malamig ‘to?” Nakangiting tanong ko sa kanya, kinikilig sa simpleng gestures niya. Tumango siya habang titig na titig sakin.

“Hindi ka nakakainom ng tubig kapag hindi malamig. I told you, I know you too well.”

Napanguso ako at ininom na ang tubig. Napapikit ako nang maramdaman ko ang lamig no’n at ang namumuong yelo roon, pero hindi ko iyon inalintana at mas natuwa pa ako dahil ganito ang gusto ko. Malamig at may yeio yelo.

Naubos ko iyon at inilahad ko ang baso kay Mizuki na nakatayo lang sa harap ko habang binabantayan ang pag inom ko ng tubig. Kinuha niya naman kaagad iyon at inilapag na pabalik sa table.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now