23

8 1 0
                                    

"What's happening here?"

Natigilan kami at napalingon sa kung saan nanggaling ang boses na iyon. Hindi ko inaasahang makikita ko si Sakura habang inosenteng nakatingin sa aming dalawa ni Ichad. Tumikhim ako at sinagot ang tanong nya.

"Were just talking, Sakura." Ipinagpasalamat ko na hindi ako nautal. Hindi rin ako pumiyok. "By the way, what are you doing here?"

Matamis siyang ngumiti sakin at bahagyang namula ang pisngi niya.

"Kailangan ko kasi ng tulong nyo, Daichi," nahihiyang aniya. Tumikhim ako nang maglakad pa siya palapit sa amin at hawakan ang kamay ko.

"W-What are you doing?" I asked her.

"Can you do me a favor?" She did the beautiful eyes that made me feel like I wanted to roll my eyes at her. "Please?"

"Ano ba iyon?" Tanong ko sa kaniay, dahilan para lumawak ang pagngiti niya.

**********************************

"Are you really sure about this?" Tanong sakin ni Miracle habang nag aayos kami sa venue na nirentahan ni Sakura para sa 2nd anniversary nila. She lowkey confirmed their relationship to me. Hindi naman ako nakaramdam ng kahit ano bukod sa pagkailang.

Just think of it... I'm helping her for their anniversary celebration with my ex.

"Bakit naman hindi? I'm just helping her with these. Hindi naman big deal sakin 'to. And besides, I'm very willing to do this," sagot ko sa kaniya, dahilan para tumaas ng kilay niya nang lingunin ko siya habang nag aayos na kami ng decorations.

"Really?" Naninigurong tanong niya sakin. Pinagkunutan ko siya ng noo.

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"You called me for this. Ilang taon tayong hindi nagkita, tapos tatawagan mo lang ako para gawin ito? Unbelievable!" Sarkastikong aniya.

Nanliit ang mata ko habang nakatitig sa kaniya.

"Wala namang masamang tumulong, diba?" Sagot ko sa kaniya, dahilan para mapairap siya.

"Hindi ko alam kung anong nasa isip mo, pero kailan ka pa naging kupida? Ikaw ba ang asawa ni kupido? Kung makaganap ka kasi, wagas!"

"Hoy, Miracle! Kanina ka pa, ah! Tutulungan mo ba ako o hindi?" Nauubusan ng pasensya na tanong ko sa kaniya.

"Tutulungan, malamang! Baka mamaya umiyak ka pa, eh!"

"Bakit naman ako iiyak? Kahit mamatay pa siya, hindi ako iiyak!"

"Talaga ba? Baka humagulgol ka, ah?"

"Miracle Hanabi Olivarez-Rereviere!" Buong pangalan na tawag ko sa kanya. Napangiwi naman siya at padabog na itinuloy ang ginagawa. Itinuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa matapos kami. Naglunch na rin kami roon na dala ni Sakura nang bumalik siya roon sa restaurant kung saan siya nagrenta habang may dalang pagkain.

Dahil sa lalim ng iniisip ko, bigla kong naalala ang bagay na nakapagpaalala sakin ng sakit na naramdaman ko noon.

I remember when it's our first anniversary. I also planned for dinner because it's our anniversary, but I didn't know that it'd be my biggest heartbreak. It was supposed to be romantic and happy, but it ended like I mourned because I cried and cried.

Kinabukasan, after our anniversary, I broke up with him. Wala akong sinabing dahilan. I just left him dumbfounded while my heart broke into pieces.

Wala siyang kaalam alam kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya. Hindi siya nagtanong, pero hindi nya rin ako hinabol. Ni hindi niya kinwestyon ang desisyon ko at hinayaan ako.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now