13

2 0 0
                                    

“Hikari, tara board games tayo,” nakangiting yaya sakin ni Aeleigh. Kasama ko ngayon ang mga pinsan ni Mizuki habang nandito kami sa bahay nila.

Nagkaayos na kami ni Aeleigh at mabilis kaming nagclick.

“Sa akin sasama si Hikari, Aeleigh. I will teach her how to make up!” Ani naman ni AJ. Nandito kami sa sala ngayon habang sila ay nag aagawan sakin.

Gabi na ngayon. Mag i-sleep over ako sa kanila dahil mamayang madaling araw ay umpisa na ng simbang gabi. Noong isang araw, kakatapos lang ng Christmas Party namin. Magkasama kaming mga magkakaklase. Ipinalaam ko na rin kay Yuki at Miracle ang balita. Masayang masaya sila para sakin.

Wala si Mizuki ngayon dahil kasama niya ang dalawa niyang lalaking pinsan. Si Marky naman ay nasa taas. Si Morphy at tulog na. Si LJ naman ay hindi ko masyadong close. Mukha siyang nonchalant, kaya mahirap lapitan. Kanina ay may nagpadala ng bulaklak sa kaniya. Inaasahan ko nang siya ang aasarin, pero sakin napunta ang pang aasar nila.

“Si LJ ang isama mo! Sakin si Hikari!” Rebat naman ni Aeleigh. Tumaas ang kilay ni AJ at inabot ang braso ko. Napatayo naman ako dahil sa ginawa niya. Nakita naman ni Aeleigh ang ginawa ng pinsan, kaya hinawakan niya rin ang kabilang braso ko. “Let her go!”

“No!” Paglaban ni AJ. “You should let go!”

“No! I want her! Go, find your other cousins!”

“No! Abusado ka na! Give her to me!”

“I won’t!”

“What’s happening here, girls?”

Natigilan sila nang marinig ang tinig ng pinsan. Nang lingunin namin ang nasa hamba ng pintuan na kakapasok lang habang may dalang bola ng basketball at pawis na pawis, sabay silang napaluwag ang pagkapit sa magkabilang braso ko.

Bumungad sa amin ang tatlong lalaki. Nasa gitna si Mizuki, habang katabi nito sa kaliwa si Dexter at sa kanan naman ay si Mark Jay. Pawis na pawis silang tatlo.

Pumasok silang tatlo ng bahay at naupo sa mahabang couch. Nagdribble si Mizuki ng bola at ipinasa iyon kay Dexter na nasa tabi nito. Napanguso naman ako at naupo na ulit sa couch na kinauupuan ko kanina na nasa likod ko.

“Pinag aagawan nyo ang girlfriend ni Mizuki? Well, that’s bad!” Nakangising ani ni Mark Jay sa dalawang babaeng naupo na sa tabi ko. Sumalampak sila sa tabi ko at piangkrus ang dalawang braso sa taas ng kanilang dibdib. Sabay pa nila iyon na ginawa.

“I wanna hang out with her, but Aeleigh also wants her!” Pagsusumbong ni AJ sa mga lalaki. Nakangising uling uling si Mark Jay, habang sina Dexter at Mizuki at pinagpasa-pasahan ang bola.

“But I asked her first! It was supposed to be me, but you butt in!” Ani naman ni Aeleigh kay AJ. Inirapan siya ni AJ at humalukipkip.

“Whatever! Dummy!” Ani naman ni AJ sa pinsan.

“Stop now, kids. Ako nalang ang sasama kay Aeleleigh if you really want to bond with Hikari, AJ,” ani ni Mizuki, dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

“Really? You’ll come with me?” Gulat na ani ni Aeleigh. Tumango naman ang lalaki, kaya parang nalaglag ang puso ko. “Yay! You can now have her, AJ. I have Hansuke with me!” Aniya kay AJ.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Nakangising tumayo si Mark at umakyat sa hagdan. Si Aeleigh naman ay tumayo at lumipat sa tabi ni Mizuki. Hinayaan lang siya ng lalaki. Si AJ naman ay kumapit sa braso ko at may ipinapakita sa akin sa cellphone niya, pero ang atensyon ko ay hindi maalis sa nag uusap at tumatawang sina Mizuki at Aeleigh.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong unti unting pinapatay ng sakit sa dibdib ko.

“AJ,” pagtawag ko sa babaeng katabi ko. Nakangiti niya naman akong nilingon.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now