14

5 0 0
                                    

Warning: R-18

Hindi ako nagsalita at naghintay nalang na matapos ang paglo-loading ng kanta. Dahil nakabukas ang sliding door, siguradong ang mga tao sa labas ay maririnig ang boses ko... ang pagkanta ko, pero wala akong pakialam.

Bakit ba ako'y laging ganito

Lagi akong 'di mo pinapansin

Para na lang akong laging

Sumusunod sa gusto mo

Kahit 'di mo ako pinapansin

Honey my love so sweet

Ang malamig at malambing kong boses ang agad kong narinig nang magsimula akong kumanta ng first verse. May ibinulong si AJ kay Dexter, pero dahil nasa labas ito, hindi iyon narinig ng lalaki. Maya maya, napansin kong tumayo si AJ bitbit ang isang mic, pero nagpatuloy ako sa pagkanta.

Kahit ako'y 'di mo pinapansin

Hindi ako nagagalit sa 'yo

Pagka't alam ko na ang iyong

Damdamin para sa akin

Hindi mo lang ang aking nadarama 'pag kapiling ka

Honey my love so sweet

Napalingon ako sa labas at kaagad kumalabog ang puso ko nang makita kong naglalakad palapit sakin si Mizuki. Hawak niya ang mic habang kinakanta ang chorus ng kanta.

Kahit sino ka pa basta't kapiling ka

Lagi na akong sumusunod sa 'yo

Mahal kita at 'yan ay totoo

Honey my love so sweet

Nakangisi si AJ at Dexter habang isinasarado ang sliding door at pumupwesto sa medyo may kalayuan sa amin. Umupo sa tabi ko si Mizuki at ngumiti ng matamis sakin.

Nagbatuhan kami ng linya ni Mizuki. Nakatitig kami sa isa't isa habang kumakalabog ang puso ko sa tuwa at sa kilig. Nagduet kami noong lyrics na hanggang sa huling linya kahit na para na akong tatakasan ng kaluluwa ko.

Walang ibang mahal kundi ikaw lamang

Sabihin mo sa akin ako'y mahal mo rin oh

O giliw ko ako ay pakinggan mo

Honey my love so sweet

Honey my love so sweet

Honey my love so sweet

Narinig namin ang palakpakan ng dalawa sa likod namin. Namula ang pisngi ko at napaiwas ng tingin. Napasalin ako ng Alfonso sa baso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.

Kinakabahan ba ako dahil galit si Mizuki o kinakabahan ako dahil nandito siya?

"Honey my love so sweet..." Pag uulit nya ng liriko ng kanta. Inisahang inom ko ang alak sa baso ko, kaya narinig ko ang pagngisi ni Mizuki. "You're so sweet, baby. I can even kiss you right in font of them if you want," nakangising aniya, walang pakialam kung naririnig kami ng mga pinsan niya. Pinanlisikan ko siya ng mga mata, pero kaagad rin akong nagbaba ng tingin nang magsalita ang dalawa sa likod namin.

"Sample nga! Do it, Hansuke!" Hamon ni AJ sa pinsan.

"Sige nga! Kung matapang ka, kiss her!" Ani naman ni Dexter, halatang nang aasar sa amin.

"Heard them? Can I have my kiss?" Nakangising tanong niya sakin nang hawakan niya ang pisngi ko at maingat na pinantay ang mga mata namin.

I blinked my eyes and gulped. Napahalakhak naman siya at nagsalin ng alak sa baso niya. Napailing siya habang nakangisi.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now