Curt's POV
Wala ako sa sarili ko ngayon habang naglalakad dito sa ground floor ng campus. Iniisip ko pa rin kasi ang lesson plan na kailangan kong tapusin within this week. Eleven ang subject ko at tatlo sakanila ay nagpapagawa ng detailed lesson plan.
Siguro, halos lahat ng mga future educators reklamo na nila 'yan dahil mahirap mag-isip ng mga motivation na daoat related sa topic tapos yung tatlong objectives. Sa objectives talaga ako nahihirapan kahit na alam ko yung gagawin ko, dyan talaga ako nag-tatagal.
Lakad-lakad ako ngayon dito sa ground ng campus at talagang naka-focus lang ako sa room na pupuntahan ko. May elevator naman kaya ayos na ayos lang kahit 4th floor pa ang room namin.
" Aray! " Sigaw ko matapos tumama sa'kin yung bola ng mga naglalaro ng volleyball. Tumama sa pisnge ko.
" Pasensya na, sorry! " Giit ng player. Nagpanggap nalang ako na hindi ako nasaktan pero ang sakit talaga. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang hawak ko ang mukha ko sa kanan ko naman ay ang juice na binili ko sa labas.
" Hoy Franco, anong nangyari sa'yo? " Tanong sa'kin ni Stella na kaibigan ko ata kaklase simula first year college tsaka niya kinuha ang baso na hawak ko at uminom ito ng juice ko.
" Natamaan ako ng bola. " Naiinis pa rin ako at nasasaktan dahil sa lakas ng tama ng bola sa mukha ko.
" Nagpunta kana sa clinic? Ayos ka lang? " Tumango nalang ako bilang sagot.
Tumingin ako sa black board at iniisip ko kung ano na naman ang ipapagawa ng subject namin ngayon. This subject is all about gender and society kaya sobrang interesting din.
" Tara! " Nagulat ako dahil bigla akong hinila ni Stella habang busy ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay dito. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero mukhang dito lang rin kami sa hallway.
" Do you think I will accept this gay stuff? " Tsaka binitawan ng gwapong lalaki ang box of cookies na hawak niya.
" Inihanda ko 'yan para sayo. " Giit ng lalaki. I mean, gay.
" I don't accept anything from anyone especially to gay people. " Tsaka nagtawanan ang mga kaklase nito. Bakit niya nagagawa ang mga bagay na 'to? Hindi ba dapat nire-report ng nga students ang mga bagay 'to?
" Curt baka makisali kapa dyan, hayaan mona si Rob dyan. " Hell, no!
" Excuse me straight guy, aware ka ba sa ginagawa mo? " Biglang giit ko kaya napatingin ang mga estudyante saakin.
" Here comes the other gay. Bakit ang dami niyo? " Hindi ako sumagot at tinignan lang siya. Lumapit ako sakanya at ganon rin siya. Nagtitigan kami ng matagal pero mas lumapit oa siya kaya parang 3 centimeters na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
" Tigilan mo ang ginagawa mo. This is bullying! Hindi ka ba natatakot na i-report kita sa guidance? " Tumawa lang siya. Napapansin ko rin na tumitingin ito sa labi ko at sa mga mata ko. Si Rob pala 'to, ang kaklase namin na walang ginawa kung hindi tumawa sa room. Mukhang nakalimutan niya na nag-aaral siya dito para maging mabuting guro sa mga future students niya.
" You can report me if you want to, but I'm telling you hindi rin sila makikinig sayo. Baka nakakalimutan mo- " itinaas ko ang palad ko senyales na pinapahinto ko siya sa pag-sasalita. Alam kong pag-aari nila ang campus na ito at ngayon kolang rin naalala na kahit mag-sumbong ako ay hindi rin ako papakinggan.
This time ibinaba kona ang kamay ko. " You should understand na kahit pag-aari niyo ang campus na ito, you are not allowed to bully someone. Ang homophobic mo. Maangas ka lang pero hindi ako magpapatalo sayo. " Seryoso kong sabi sakanya kaya pati ang mga ibang estudyante ay nanahimik na kanina ay nagsisigawan.
" Wala ka pala tol e. " Tsaka tumawa ang mga kaibigan niya na nasa likuran niya.
" Shut your freaking mouth! " Sigaw nito sa mga kaklase niya tsaka niya ako tinignan. Mas lumapit rin ito kumapara kanina.
" You should understand as well na hindi ako papatalo sa bading na kagaya mo. Sa liit mong 'yan ang tapang mo. " Ngumiti ako sakanya tsaka ko sinipa ang bagay na nasa pagitan ng dalawang legs niya kaya namilipit ito sa sakit at iniwan. Nag-hiyawan naman ang mga kaklase niya.
" You gay! Hindi pa tayo tapos! " Tumalikod na ako at pumasok sa room hindi kona hinanap pa si Stella at mukhang nawawala na naman ang babae na 'yon. Iniwan ba naman ako doon.
Saglit lang, anong oras na ba? Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. Halos manlamig ako dito sa hallway nang makita ko ang oras. Twenty minutes na akong late sa class ko. Binilisan kona ang lakad ko at tama nga ako. Late na ako.
" Kayong dalawa, bakit kayo late? " Ano? Anong dalawa? Tumingin ako sa likuran ko at nasa likuran ko pala si Rob na nakatingin pa rin saakin.
" Sorry sir, nagpunta lang ako sa clinic dahil may sumipa ng itlog ko. " Hindi ko napigilan at pasimple akong tumawa. Nagtawanan rin ang mga kaklase ko kaya tinignan sila ni Professor Salas senyales na sinusuway niya ang mga ito.
" How about you Mr. Franco? Bakit ka late? Everyone, future teachers po kayo ha? Hindi po tayo male-late. " Sir naman, talagang ipinag-sigawan pa niya.
" May nambubulas po kasi sir, kaya ayon nasipa ko ang itlog. Ang homophobic pa po sir. " Nagtawanan muli ang mga kaklase ko lalo na si Stella.
" Pumasok na kayo. Make sure na magsasalita kayo sa klase ko today. " Tumango kami parehas at nagtungo na sa upuan- teka, saan ako uupo? Bakit hindi kami magkatabi ni Stella? Mukhang nag seating arrangement na naman. Every week nagpapa-seating arrangement si Professor Salas para daw makausao namin ang ibang kaklase ko.
" Bading na naman. Wala nabang ibang upuan? " Bulong ni Rob sa sarili niya pero dinig na dinig ko naman siya. Mukhang ipinaparinig talaga niya sa'kin.
" Kung ayaw mo dito, edi maghanap ka ng ibang upuan mo kung may makikita kapa. " Tumingin siya sa buong room at wala na itong makita kaya umupo nalang ito.
Sobrang tagal konang kaklase ito pero hindi kopa siya nakakausap or nakaka-group man lang sa mga activity. Ewan ko ba, may sariling mundo ang mga college students ngayon. May mga kanya-kanyang circle of friends. Pero si Rob, never ko talagang nakausap. Pero kung ganyan pala ang ugali niya hindi ko nalang siya kakausapin ng buong year. Wala naman mawawala sa'kin.
" Hey, "
" Napano ka homophobic? " tanong ko dito habang busy ako sa pakikinig sa professor.
" I'm sorry for what happened. " Napatingin ako dito sa katabi ko kasi gusto kong malaman kung si Rob ba ang nagsalita. Hinayaan kolang syang magsalita. Napa-isip rin ako kung ano yung rason niya bakit niya ginagawa yung mga bagay na 'yon.
" I'm not comfortable with that gay. Feeling ko binabastos niya ako. She's stalking me, following me and she's active reactor to my social media accounts. Yung pagsunod niya saakin ang hindi ko kinakaya, may mga personal na bagay tayo na hindi natin gustong malaman ng ibang tao. " Paliwanag niya kaya tumango-tango nalang ako.
" I understand that you're concern sa privacy mo, pero hindi mo dapat ginawa 'yon. " Sagot ko kay Rob na ngayon ay mukhang nakatingin saakin. Nag-focus kasi ako sa discussion ng professor dahil lumalakas ang boses niya kapag may nakikita syang nag-uusap.
" Sorry na nga, e. "
" Apology accepted. "
" Where's your apology? " Tanong niya kaya natawa ako ng bahagya.
" Tsaka na ako mag so-sorry sa'yo kapag hindi mona inulit. "

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Ficção AdolescenteBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...