Curt's POV
" Curt hindi ba nag-usap na tayo na dapat wala tayong isi-sikreto sa isa't-isa? " Tumango ako kay Stella. Dahil kinikulit parin niya ako sa pag-walk out ko sa inuman noong friday.
" So, anong nangyari bakit nag-walk out ka? Is there something that I should know? " Mahinang tanong ni Stella habang busy kami sa panonood ng mga naglalaro ng volleyball dito dahil malapit na ang Physical Education day kaya maraming nag-eensayo.
Kinwento ko lahat ng ginagawa mi Rob simula noong makatulog ako sakanila, nilagnat siya at matulog siya saamin.
" Kaya naguguluhan ako kung ano yung ipinapakita ni Rob. Kaya ako nag-walk out kagabi parang may parte saakin na nasaktan dahil sa pag-halik niya sayo. " Sinisikap kong mahina ang boses ko dahil ayokong marinig ako ng kung sino man ang dadaan.
" Did I hurt you? I'm so sorry Curt. Hindi ko alam, kasi ngayon kalang naman nagsasabi sa'kin, eh. " Seryosong giit ni Stella pero sinuklian kolang ito ng ngiti. As much as possible gusto ko open ako lagi kay Stella, mabuti nalang hindi noya minasama yung naging action ko last friday night.
" I would like to ask hindi ba nanliligaw si Rob sayo? " Bigla akong nabulunan sa kinakain namin na cheese stick kaya mabilis akong lumagok ng milkshake ko.
" Stella kilala mo naman ang lalaki na 'yon, tuwid na tuwid kaya imposibleng manligaw siya sa'kin. Hindi ako magugustuhan ni Rob. It will never be dahil straight siya. " Natawa naman ng bahagya si Stella at mukhang sumasang-ayon naman siya dahil matagal na nyang kakilala kasi magka-village sila at kaklase niya since elementary.
" Malay mo magustuhan ka niya. Kasi sa nakikita ko parang may something kay Rob. Napapansin ko kung gaano ka niya titigan, nakita ko rin yung pagtulong niya sayo sa mga milkshake orders mo noong ibinaba niya sa kotse mo at balita ko siya ang nagsundo sayo sa bahay niyo noong nag-inuman tayo. " Tama naman si Stella, magaling talaga ang kaibigan ko dahil akala ko wala lang sakanya pero ino-obserbahan pala niya ang galaw ni Rob at ang nangyayari.
" Hindi kona talaga alam Stella. Basta noong friday nasaktan nalang ako bigla sa nangyari. " Giit ko.
" Ganyan talaga, isa pa dapat sinabi mo kaagad sa'kin para iniwasan ko. Kung alam ko lang na may parang namamagitan sainyo, umiwas na ako sa pag-halik niya sa'kin. May nasabi na ba sayo si Rob?" Alam kong nagsasabi ng totoo si Stella at alam kong pure na intention niya na hindi ako masaktan.
Uminom muli ako ng milkshake ko tsaka ko siya sinagot. " Ang natatandaan ko, ang sabi niya nasaktan rin daw siya kasi 'di ba hinabol niya ako noong nag-walk out ako. " Tumango-tango si Stella.
" Ikaw ba, may gusto ka ba kay Rob? " Huminga ako ng malalim sa itinanong saakin ni Stella dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
" Hindi ko alam. Basta nasaktan ako. "
" Alam kong alam mo ang sagot mo dyan, hindi mo lang sinasagot dahil natatakot ka na baka mali ang iniisip natin. " Tama si Stella. Natumbo niya.
" Oo nga pala, nag-text nga si Rob ngayon na simula daw ngayon siya ang maghahatid at mag-susundo saakin. Pero kanina hindi ako nagpa-sundo dahil feeling ko kailangan ko ng personal space dahil sa nangyari no'ng friday. "
" Ayon naman pala, sumabay ka nalang sakanya basta huwag kang mahuhulog.
" Noted po, Ma'am Stella. " Tsaka kami nagtawanan.
Maya-maya nag-vibrate ang phone at agad ko naman tinignan kung sino ang nag-text.
" Tapos ka na? Patapos na ako dito sa gym. " Nag-text si Rob kasi nagsabi ako sakanya na mag-uusap kami ni Stella bago umuwi at nag-paalam naman ito na mag-gym muna daw habang naghihintay.
BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Novela JuvenilBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...