Curt's POV
Nakauwi na ako sa bahay galing sa campus at nagka-ayahan mga kaklase ko na uminom daw kasama si Rob, Dale at Stella maging ang iba kopang kaklase na ngayon at nakakausap kona kahit may sarili kaming mga mundo sa loob ng classroom. Tinanong ako ni Stella kung sasama ako sabi ko hindi ako sigurado. Kapag daw hindi ako sumama siya susundo sa'kin. May choice paba ako kung hindi sumama?
Mamayang ala-sais pa naman 'yon kaya makakaligo pa ako dahil sobrang init ng panahon. Iinom daw sa bahay nila Dale. Nag o-offer pa nga si Dale na sunduin daw ako but I declined it. Rob offered it as well, but I didn't say anything. Hindi ko rin alam bakit wala akong sinagot basta susunduin nalang daw niya ako.
Nalilito na ako sa ginagawa ni Rob at ni Dale or baka talagang mabait lang sila saakin.
" Ma, late ako makakauwi mamaya dahil nag-aaya uminom ang nga kaklase ko dahil sa week na ito na sobrang nakakapagod. "
" Walang problema 'nak, sige lang. Para namam bumalik ang nga energy niyo. Dahan-dahan nalang 'nak. Kung sakali pahatid ka nalang kay Rob o kay Dale. Ikamusta mo nalang ako sakanya pati kay Stella. Kasama ba siya? " Tumango ako.
" Opo Ma, siya po talaga ang pumilit sa'kin. " Giit ko.
" Sige na mag-iingat ka mamaya. " Niyakap ko si Mama. Sobramg gusto ko ang attitude ni Mama ko na naiintindihan niya lahat. Hindi siya nagagalit agad, iniintindi muna niya.
Pumasok na ako sa banyo at nagsimula na akong maligo dahil aalis pa ako ayokong ma-late.
---
" Good afternoon po tita, si Curt po? " Narinig kona ang boses ni Rob kaya lumabas na ako sa kwarto namin na gawa sa kawayan.
" Wala si Mama, ready na ako. " Giit ko. " Gusto mong uminom o kumain? " Nag-offer ako sakanya baka sabihin niya masama akong tao.
" Water. " He nonchalantly responses to me.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng baso at nilagyan ng tubig, mabuti nalang may yelo sa water jug namin nakabili si Mama bago siya umalis para mag-grocery.
" Heto, oh. " Tsaka niya kinuha. Ininom naman niya ito. Tsaka agad ibinalik saakin.
" Let's go? " Tumango ako. Lumabas nakami at isinara ko ng mabuti ang pinto. Pag-tapat namin sa sasakyan pinag-buksan niya ako ng pinto.
Pagpasok ko sa kotse, ngayon ko lang napansin ang suot ni Rob. He's wearing white t-shirt and Khaki pants. Tsaka niya pinart-neran ng relo. Sa simpleng suot ni Rob, hindi ko maipag-kakahila na sobrang lakas ng dating niya. Isabay mopa ang pabango niya na talagang naamoy sa sasakyan.
" I like your outfit. " Ako ba kausap niya? Syempre, ako lang naman nandito sa kotse. Nagagandahan siya sa outfit ko? Nag-suot ako ng white shorts and pink crew neck.
" Salamat, ikaw rin ang ganda ng suot mo. Ang gwapo mo. " Sinabi ko ba talaga na gwapo siya? Nakita ko naman na napangiti ito ng bahagya.
" Do I? I appreciate it. " Totoo naman kasi ang gwapo niya idagdag mopa ang pabango niya na ngayon kolang din naamoy. Panigurado branded ang pabango maging ang suot niya.
" Iinom ka ba? " Tanong ko dito, feeling ko kasi nahihiya kami pareho for what happened sa bahay namin. Yung pagyakap niya saakin na hindi ko maintindihan.
" Yes, para mabawasan ang iniisip ko. " Tumango-tango ako.
" Pwede kang mag-share sa'kin, hindi kita i-ja-judge. " Ngumiti ako para maging komportable siya.
" As much as I love to tell it to you, I can't. This is just an argument between my heart and mind. Nag-aaway sila. " Nag-aaway ang isip at puso niya? Maybe he is deciding something tapos nag-tatalo ang sinasabi ng puso at isip niya.

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...