EPILOGUE/LAST CHAPTER:

2.5K 35 43
                                        

Curt Gino's POV

After 5 years...

Mula sa bahay na tinutuluyan namin ng mga magulang ko. Nag-drive ako papunta sa bahay ni Rob dahil na-mimiss kona siya. Ilang months na rin kaming hindi nag-kita.

Last meeting namin, noong gumaling ako dahil napaka-galing ng mga doctor at nurses sa ibang bansa. Ngayon, oras na para makita ko siya.

Nakakainis pa yung traffic dahil lunch time na at labasan narin ng mga estudyante. Nakakatuwa lang dahil nakakapag-turo na rin ako ngayon.

Naalala ko noong birthday ko, akala ko matatapos na talaga ang buhay ko pero mabuti nalang magaling si Rob at pinagaling niya ako sa ibang bansa kasama ang mama niya.

Habang busy ako sa pag-mamaneho dahil natuto na rin ako dahil sa tulong ni Rob, may napansin akong bilihan ng bulaklak na talagang magugustuhan ni Rob. Hindi ko madalas bigyan ng bulaklak si Rob dahil dapat daw siya ang nagbibigay pero heto ako ngayon at ibinili ko siya.

Inamoy kopa ang mga ito at talagang napaka-bango ng mga ito. Muli akong sumakay sa sasakyan ko at bahagyang nag-suklay dahil kaunti nalang malapit na ako kay Rob.

Matagal-tagal kaming hindi nag-kita ni Rob dahil kakalaya ko lang din sa kulungan dahil sinisi nila ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. Pero maayos na 'yon dahil nakalaya na ako. Ang importante ngayon ay wala na ako sa kulungan at magaling na ako sa sakit ko.

Muli akong nag-maneho at maya-maya lamang nakarating ako. Ipi-nark ko ang sasakyan ko kung saan matatanaw ko ito.

Nag-simula akong naglakad papunta kay Rob at ngayon palang ramdam ko na ang pag-lambot ng mga tuhod ko. Napansin ko rin na humihikbi na pala ako.

Nang lumapit ako sakanya, naka-ngiti ito kaya mas lalo akong naiyak.

" Kamusta kana, Rob? " Niyakap ko ang pitire frame niya na nakapatong sa lapida niya na may pangalan.

" Noon akala ko, ako ang mang-iiwan sayo pero ikaw pala itong nang-iwan saakin. " Malakas ang hikbi ko at hindi ko talaga ito mapigilan.

Napakasakit dahil ang taong mahal na mahal ko ay nasa ilalim na ng lupa at masaya na sa langit.

" Alam kong mahal na mahal mo rin ako at nagawa mopang ibigay ang kahat ng pag-aari mo bago ako umalis. Rob, miss na miss na kita. Balik kana. " Halos mawasak ko ang frame na yakap-yakap ko dahil grabe ang pagsisisi ko wala man lang akong nagawa.

" Kasalanan ni Dale ang lahat ng ito. Kailangan nyang managot! " Maya-maya naramdaman ko na feeling ko may tao sa likuran ko kaya napatingin ako.

" Rob? Kinukuha mo na ba ako? Anong ginawa sayo ni Dale? Bakit ka pinatay ni Dale? " Tanong ko kay Rob noong makita ko siya na naka-tingin saaki na walang kahit emosyon.

" Hindi si Dale ang pumatay sa'kin. Its you! " Malakas na sigaw ni Rob kaya naguluhan ako sa sinasabi niya. Hindi ako ang pumatay sakanya, si Dale!

" Si Dale ang pumatay sayo, hindi ako! Natagpuan namin ang katawan mo sa ilog. " Hindi ito agad nag-salita at kinuha ko at inihanda ko ang frame dahil kung sasaktan ako ng kaluluwa ni Rob hindi ako mag-dadalawang isip na patulan siya.

" Dahil ikaw ang nagtapon sa'kin don. Ikaw rin ang nakapag-turo sakanila kung nasaan ang katawan ko kaya ka nga nakulong hindi ba? I can't imagine na dahil sa isang sa mga nakita mong picture at narinig mo sa call recording ay papatayin mo ako. " Umiiyak si Rob ngayon habang tinitignan ang mga mata ko.

" I can't even imagine na magkaka-anak ka rin kay Stella. Alam mong hindi lang 'yan ang dahilan kung bakit kita pinatay! Nagmahal lang ako, ayokong niloloko ako! Hindi ako mamamatay tao! Dale was not the rapist at hindi rin si Stella ang nag-utos sa lahat. Ikaw ang gumawa nang lahat ng bagay na ikakadurog ko at ikakasakit ko dahil naghihiganti ka. It's not my fault kung bakit magka-relasyon ang Daddy mo at ang tatay ko at hindi ko kasalanan kung bakit kayo iniwan ng daddy mo. Ginawa mong bala sina Stella at Dale para hindi mabahiran ng dugo ang pangalan mo.  " Umiiyak ako ngayon sa harapan ni Dale dahil sa mga bagay na nalaman ko bago ko siya mapatay. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ying bagay na 'yon basta galit ang nararamdaman ko noon.

Si Tatay at ang Daddy ni Rob ay magkarelasyon at nag-hihiganti siya saakin dahil narinig ko ang lahat ng 'yon sa call recording. Narinig ko kung paano mag-makaawa sina Dale at Stella sakanya na huwag silang idadamay pero nagawa pa rin niya.

Isina-utak ko na si Dale ang may-gawa ng lahat ng ito kahit walang kinalaman si Dale. Ayokong may mga  bagay akong na naiisip dahil natatakot ako na baka tuluyan na akong mabaliw.

" Tito Curt? " Narinig ko ang boses ni Stacey na anak ni Stella at Rob. Paano siya naka-punta dito? Kanina pa ba siya nandito? Mukhang kakadating kang niya dahil bitbit pa niya ang bulaklak na nasa basket.

" Anong ginagawa mo dito? "

" Binibisita ko lang si Daddy at Mommy at biruin mo 'yon may malalaman pa ako. " Mataray na giit ni Stacey na ngayon ay nasa tamang gulang na. Aalis na sana ako nang muli niya akong tinawag.

" Tito Curt? " Pag-harap ko, nakita kong may hawak-hawak syang malaki at makapal na bakal at ipinalo niya 'yon sa ulo ko.

" Namatay si Mommy Stella because of you, hindi ka man lang nag-imbestiga kung si Mommy talaga ang gumawa non tapos malalaman ko ikaw rin pala ang pumatay sa Daddy ko. You're such a bad educator! You deserve that! " Muli nyang hinampas ang bakal sa ulo ko dahilan para magdilim ang paningin ko. " My mom died because of depression. Dahil ayaw mong maniwala sakanya! " Bulong niya sa'kin. Hindi ko inaakala na magagawa ni Stacey ito.

To the father of Rob, take good care of my father. He's a good man.

---

" Curt! " Kinusot ko ang mata ko dahil napaginipan ko na naman si Rob at ang mga kasalanan na ginawa niya. Patay na siya pero ginugulo pa rin niya ako. Sumali pa ang bwesit na anak nila. Nakulong na ako sa kasalanan ko pero ginugulo pa rin ako hanggang sa pag-tulog ko. Akala ko totoo na hinampas ako ni Stacey, panaginip lang pala 'yon.

Pero isa lang ang alam ko ngayon, oatay na si Rob dahil sinaktan niya ako. Lahat ng ipinakita niya ay hindi totoo, dahil naghihiganti siya. Simula noon na ma-rape ako sa yate ay kasalanan niya. Naging kamay niya sina Dale at Stella para hindi ko malaman ang gagawin niya.

Sana nga hindi nalang nahing successful ang operation kung ganoon lang din ang malalaman ko. Sa tagal namin nagsama, kasinungalingan lang pala ang lahat.

" Kanina pa kita ginigising, napasarap ang tulog, ah? " Tanong ni Dale saakin na masayang nakatingin saakin ngayon.

" Oo, eh. Nasaan sila Mama? "

" Nasa ibaba nag-aalmusal na. Tara na? " Bumaba ako habang hawak ang kamay ni Dale.

Pagbaba namin sa hagdan, nandoon ang mga magulang ko at ang mga kaibigan namin ni Dale.

" Curt, matagal ko nang binabalak ito at ngayon alam kong ready kana. Curt, magpapa-kasal tayo sa ibang bansa. Curt, will you marry me? "

" Yes Dale! " Hinalikan ako ni Dale sa labi at ganoon rin ako. Nag-hiyawan ang mga kaklase ko.

" Wait, mukhang nakalimutan niyo akong i-invite? " Narinig namin ang boses ng Mama ni Rob kaya nag-simulang lamigin ang buong katawan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

" Heto ang regalo ko sainyo. " May kinuha na isang bagay ang Mama ni Rob sa bag niya at mas lalo akong nawindang dahil sa hawak niya ngayon. May dala itong baril at itinapat niya ito saamin.

" Hindi ako papayag na maging masaya kayo dahil pinatay mo ang anak ko! Happy bloody wedding to both of you! "

- The End

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon