Curt's POV
Nakauwi na ako sa bahay at sobrang pawis na pawis ako dahil sa init ng panahon ngayon. Pag-uwi ko agad rin akong naligo dahil hindi kona matiiis ang ganitong panahon. Maya-maya pa ay may narinig ako busina sa labas.
Nandito na ako hinihintay ko.
" Ma, nandyan na yung kaklase ko, alis napo kami! "
" Sige 'nak, mag-iingat kayo. " Tsaka kona isinara ang pinto at dali-dali aking lumabas.
" Ang gand- I mean, ang cute mo naman sa outfit mo. " Eh? Anong meron sa outfit ko? Naka-maong jeans lamg naman ako na semi-fitted at naka-white t-shirt ako. " Kita tuloy ang sexy mong katawan. " Patuloy niya tsaka kapwa kami nagtawanan.
" Baliw ka talaga. Oh, akala koba mag-momotor tayo? Bakit naka-kotse ka? " Tanong ko dito habang tinitignan ang kotse niya na kumikintab. Kulay midnight black ito.
" It's hot. The sun might burn our skin. Isa pa, baka mainitan ka lalo na ako ang nag-aya sayo. " Naka-ngiti ito. Tila ba nagpapa-gwapo siya. May something sakanya na parang nagpapa-good shot.
" Ayos lang naman din ako sa motor. Pero salamat dahil naisip mo'ko. Mainit nga naman talaga. " Tumango ito tsaka na ito lumapit ng bahagya sa kotse niya at pinag-buksan ako nito.
" Salamat Dale. "
" You're always welcome! " Nang maka-upo ako, isinara din niya agad ito.
Pag-pasok niya, agad nyang pina-andar ang sasakyan. Hindi niya pala ito pinatay. Habang nasa byahe kami maraming naku-kwento itong si Dale lalo na kay homophobic na dati hindi naman daw talaga ganoon 'yon at nabanggi niya rin na naging kaibigan niya si Stella pero hindi daw niya alam bakit bigla nalang sila nag-hiwalay o hindi nag-usap.
" So, saan mo gustong pumunta? " Hindi ko maiwasan ang pag-ngiti ni Dale dahil sobrang perfect ng mga ngipin niya para pa itong perlas na kumikislas.
" Hindi ko rin alam pero baka gusto mo i-try yung coffee shop sa mall tapos may photobooth doon. Bibigyan tayo ng soft and hard copies. " Parang nag-bright ang mata ni Dale dahil sa sinabi ko.
" Sure sige! Pero bago tayo pumunta sa coffee shop, tulungan mo ako sa ka-meet ko ngayon may ibibigay lang ako. " Tumango ako bilang sagot.
Maya-maya nakarating nakami sa mall. Nahirapan kami sa pag-hahanap ng parking kaya medyo malayo ang entrance ng mall sa pinag-parking-an namin.
Pinag-buksan ako ng pinto ni Dale tsaka ni ipinatong yung palad niya sa ulo ko para hindi ako mauntog. Ang gwapo naman ng lalaki na 'to, gentleman pa. Pag-sara ng pinto, nagsimula na kaming mag-lakad ni Dale. Grabe ang bilis niya mag-lakad. Parang nasa one yard yung layo namin. Huminto siya at tila ba hinahanap ako.
" Sorry Curt mabilis talaga ako maglakad. Gusto mo bang kumapit? " Hindi pa ako nakaka-sagot agad nyang kinuha ang kamay ko at ipinaikot sa braso niya. Hindi sapat ang palad ko para maka-kapit ng maayos sa braso niya. Ang laki ba naman ng braso tapos maputi rin kagaya ni Rob.
" Aside for walking fast, may hinahabol kasi ako baka mainip at umalis. Kailangan ko syang maabutan. " Huminto kami malapit sa entrance ng mall at nagsimula si Dale sa pag-hahanap. Malilikot ang mata niya at hindi ito naka-ngiti ngayon. Naka-ngiti man siya o nakasimangot gwapo pa rin naman.
" Got you! " Saad nito at napatingin ako sa tinitignan niya. Pero maraming tao sa tapat ng mall kaya hindi ko alam sino ang ka-meet niya, basta nalang ako sumama sakanya.
Pag-lapit namin laking gulat ko dahil si Lola ang hinahanap niya. Yung inabutan namin ni Rob ng kaunting tulong.
" Sorry Lola medyo na-late po ako. Ito po tanggapin niyo. " Tsaka may ibinigay si Dale na naka-sobre. Tinanggap ni Lola tsaka niya inilabas ang laman nito. Isa lang ang masasabi ko, hindi maliit na halaga 'yon dahil makapal at malaking halaga 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/366653522-288-k631124.jpg)
BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...