Curt Gino's POV
" Baby? Naka-tulog kana sa wheel chair mo. " Narinig kong boses ni Rob kaya iminulat ko ang mata ko. Pag-gising ko, napansin ko umiiyak si Rob.
" Ayos lang ba ang pakiramdam mo Curt? Bakit ang putla at ang dry ng labi mo? Dumadami ang pasa sa katawan mo, Curt. " Hinawakan ko ang labi ko at tama nga si Rob dahil namamalat ang labi ko. Tinignan ko rin ang pasa sa kamay ko. Ito ay dahil sa sakit ko. Bawal akong magka-sugat o magka-pasa.
" Anong masakit sayo? " Ngayon ko lang nakita si Rob na sobra ang iyak. " It is hard to see you like this, nasaan ang energy mo? " Muli akong naiyak dahil sa mga tanong ni Rob. Kahit ako mismo nanghihina.
" Hindi ako magsasawang paliguan ka, pakainin ka at samahan ka sa hospital para lang gumaling ka Curt. " Si Rob talaga ang nagpapalakas ng loob ko kahit hinang-hina na ako.
" Eh, paano Rob kung hindi kona kaya ang mga gamot na isinasaksak nila saakin? Alam moba na hirap-hirap ako dahil nanlalambot ako sa tuwing gagalaw ako kahit sarili ko hindi ko magawang linisan at hindi man lang kita maalagahan kapag ikaw yung nay sakit. " Humiling si Rob.
" I don't care kung hindi mo ako maalagahan basta okay ka, okay na ako. Kaya please, Curt I'm begging you, magpa-galing ka. Tulungan mo ang sarili mo. Paano nalang ako kapag iniwan mo ako Curt? Paano ako kililos kung ang lakas ko ay mawawala pa sa'kin? " Niyakap ko si Rob dahil grabe ang pag-iyak niya maging ako.
" You know what, I have a plan. Would you like to go to the park? " Napa-ngiti ako sa plano ni Rob kaya mabilis akong tumango.
Ipinasuot niya saakin ang jacket ko at maging siya ay naka-jacket. Tinulungan din niya akong ayusin ang benda sa ulo ko.
" Ibibili kita ng gusto mo. Basta magsabi ka. " Naka-ngiting giit ni Rob at sinimulan ang pag-tulak sa wheel chair ko.
Tulad nang laging ginagawa ni Rob, binuhat niya ako papasok sa sasakyan tapos ilalagay niya sa compartment ang wheel chair ko.
Yung park na sinasabi ni Rob parang 15 minutes na byahe lang lalo na naka-kotse naman kaya mabilis lang.
Nakapag-paalam narin kami kay Mama na lalabas lang kami saglit at sa Mama ni Rob na naka-stay ngayon sa bahay ni Rob pero aalis na rin sa linggo dahil may business trip pa ito sa Canada.
" What's on your mind? Huwag kang mag-isip ng masama. Magpaka-saya tayo ngayon. Kakain tayo ng kahit anong gusto mo! " Masigla na giit ni Rob pero alam kong nanghihina na rin siya minsan dahil nawawalam ako ng pag-asa.
" Game! Mabuti nalang sabado na bukas kaya kahit hindi ka agad matulog ayos lang kasi wala kang klase na papasukan. " Saad ko at naka-ngiti lang si Rob.
" As long as I can make you happy, I will agree to go out kahit may class pa ako at kulang ang tulog ko. Basta ikaw, Curt. " Giit ni Rob kaya napa-ngiti ako. Napaka-swerte ko talaga kay Rob. " We're here, hintayin mo'ko kukunin ko lang ang wheel chair mo at good to go na tayo. " Tumango ako.
" Dahan-dahan. " Binuhat ako ni Rob at ini-upo sa wheel chair. Kinuha niya ang tote bag na dala-dala ko at isinuot niya 'yon. Nandoon ang gamot ko, cellphone ko at ang wallet ko. Si Rob madalas ang mag-lagay ng laman ng wallet ko pero hindi ko naman nagagalaw 'yon dahil nandoon na lahat ng pangangailangan namin ni Rob.
Sabi nga ni Rob saakin na ituring kong bahay ang bahay niya dahil saamin daw 'yon. Minsan may team building sila ng mga co-teachers niya pero hindi siya nakakasama dahil ako daw ang uunahin niya. Ganyan mag-mahal si Rob.
Kapag talaga nahulog ka sa isang tao, kahit ano ipagpapalit mo.
Sinimulan ni Rob ang pag-tulak sa wheel chair hanggang sa makarating kami sa damuhan kung saan may play ground, christmas lights sa halaman at mga magka-relasyon na nag-mo-moment din. Mayroon din mga rides at play booths.
" Let's buy some icecream and tickets! " Bumili si Rob ng cookies and cream na icecream at ibinigay 'yon saakin. Sinubukan kong ubusin pero hindi ko kaya parang hinaharang ang pagkain ko kaya ibinigay ko naoang kay Rob ang natira.
" Kaya mong sumakay sa ferris wheel? Hindi naman mabilis ang ikot. " Tinignan ko muna ang ikot ng ferris wheel bago ako nag-oo kay Rob baka kasi mabilis ang ikot at mahilo ako.
Bago namin ibinigay ang ticket at sumakay, muling inayos ni Rob ang benda sa ulo ko dahil parang nalaglag daw ito. Pina-inom din niya ako ng tubig.
Pag-sakay namin sa ferris wheel, isinaldal ni Rob ang ulo ko sa balikat niya at hinawakan niya ang kamay ko.
" Alam moba Curt, I used to get really annoyed with tou when I saw you because I felt it was strange to see someone who was gay. Hanggang sa ipagtanggol mo yung tao na sinigawan ko. Ever since, it seems like someone disproves my theory that not all LGBT people are nasty. Until one day, I go into room and searching for you every time. I study hard because of you. Binago mo ang buhay ko, Curt. " Mahabang kwento ni Rob habang patuloy siya sa pag-hagod sa buhok ko.
" Talaga? Parehas tayo. Kapag nakikita kita noon, naiirita ako at dumating sa point na nagalit ako sayo dahil ikaw yung nag-CPR sa'kin. Galit ako sayo noon dahil kinuha mo ang first kiss ko. Ang saya ng college days natin 'no? " Bahagya kaming nag-tawanan ni Rob dahil sa kwento ko.
" Right and we had an amazing time in college, made even better by the fact that I got to know you. " Sagot ni Rob saakin.
Oo nga pala, kinuha ko ang cellphone ko sa tote bag ko at ibinigay kay Curt. Alam kong hindi siya mahilig mag-picture pero ang sabi ko mag-picture kami para day remembrance. Sa katunayan, marami na rin kaming litrato ni Rob, talagang pinapa-hard copy ko 'yon para mailagay sa mga frame.
" One, two, three, Smile! " Anunsyo ni Rob habang nakadikit ang mukha niya sa mukha ko. Parang tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ko ang facial hair niya kaya natawa ito.
Pinag-masdan ko ang picture at grabe talaga ang pinayat ko. Mapapansin mo talagang may sakit ako dahil maputla ako at walang kulay ang labi ko. Nangitim din ang paligid ng mata ko kaya muli akong naiyak dahil ang layo na ng mukha ko noon at ngayon.
" Ro-b, ma-hal mo pa rin ba a-ko, ka-hit ganito ang muk-ha ko? " Napa-hagulgol ako dahil hindi ko matanggap na binago ng sakit ko ang dating healthy ko na balat. Mabilis ang kamay ni Rob at agad nyang pinunasan ang mukha ko gamit ang daliri niya dahil nag-uunahan na naman sa pag-bagsak ang luha ko.
" Curt, there is nothing wrong with tour face. Remember that my love for you will last no matter what changes in your appearance. Your positive attitude was the reason, that why I adored you. Maganda ka at presentable ka. " Seryoso ang tingin ni Rob saakin at alam kong any time maiiyak din siya dahil nag-uumpisa na naman ako sa pag-iisip ng kahit ano.
" May tanong ako sayo Rob, paano kapag nawala ako, hahanap ka paba ng makakasama mo? "
" Hindi ako maghahanap dahil wala kang katulad at hindi ka mawawala Curt, gagaling ka, tutulungan tayo ni Mama, mag-dadasal tayo. Magpapagaling tayo sa ibang bansa basta pumayag ka lang. " Tama nga ako dahil nahulog na ang luha sa mata ni Rob.
" Gagaling pa ba ako, Rob? Sabi ng Doctor saakin, malabo na daw dahil malala na ang kalagayan ko. Rob, natatakot ako, natatakot ako na kapag nawala ako ay malulungkot si Mama. " Halos hindi na ako makapag-salita dahil sa iyak ko.
" Hindi malulungkot si Tita dahil hindi ka naman mawawala Curt. Huwag kang makinig sa Doctor na 'yon dahil hindi niya alam ang ginagawa niya. Listen Curt, gagaling ka dahil uubusin ko ang pera ko, mapagaling lang kita. " Umiiyak si Rob habang yakap-yakap niya ako.
Rob, pagod na pagod na ako. Napapagod na ang katawan ko, hirap na ako sa paghinga at pag-kilos.
" Rob, sumilip ka sa labas. Tignan mo ang mga bituin na kumikislap. Kapag nawala ako, lagi kang tumingala sa kalawakan at mag-hanap ka ng bituin, kausapin mo sila, mag-kwento ka sa mga bituin. Papanoorin kita at pakikinggan kita mula sa itaas. "

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...