Chapter 24:

693 19 2
                                    

Warning: Not appropriate for young readers or those with delicate minds. For mature readers only; contains explicit language, graphic sex scenes, and mature content.

Curt Gino's POV

It's been five months simula noong birthday ni Stella at sariwa pa rin saakin ang nangyari doon. Tumatak pa rin ang mga mukha ng mga lalaki na bumastos at nanakit saakin.

Idagdag mopa si Rob at Stella na na-tagpuan ko na magka-yakap pero to be honest hindi pa rin ako kumbinsido dahil tila ba nag-tatalo sila.

Sa loob nang five months nagiging regular talaga ang pag-sundo ni Rob saakin sa bahay at regular din ang pag-bisita niya kahit walang pasok. Bumisita rin ang mga kaklase ko kasama si Stella kasi gusto daw nilang siguraduhin na nasa tamang lagay kami. Mukha naman daw safe sa lugar namin dahil sinabi ko naman na may curfew dito at nag-iikot sila hanggang ala-singko nang madaling araw.

Si Stella naman, nagiging pala-absent nitong nakaraan na linggo tapos parang hindi siya nag-aayos ngayon. Kapag kasi pumapasok 'yon hindi niya nakakalimutan mag-make up

Itong si Dale naman, hindi na niya ako ganoon kadalas kausapin. Kapag tinitignan ko siya naaalala ko yung pagtatanggol niya saakin sa party ni Stella pati yung sa mall.

Previous months was challenging, may iilan kaming misunderstanding ni Rob dahil sa random action na ginagawa niya towards Stella. Halos hindi nga mag-usap ang dalawa na 'yan before.

Lahat naman ng misunderstanding namin ni Rob ay napag-uusapan dahil ayaw niyang natutulog na nag-tatalo kami. Talagang pupunta pa siya sa bahay for him to explain and apologize.

Hindi ko alam bakit dinala ako ng mga paa ko sa harap ng bahay ni Rob. Heto ako ngayon at pinipindot ang door bell sa pinto nila Rob.

Napagtanto ko na ito na yung araw na dapat na akong mag-desisyon at kausapin si Rob tungkol sa desisyon na pipiliin ko.

Pinag-buksan ako ng kasambahay ng gate at pina-pasok ako. Kilala na kasi ako ng mga tao dito maliban sa Mama ni Rob. Madalas ko nga syang tanungin kung kailan namin kakausapin ang Mama niya about sa kung anong bagay na mayroon kami pero hindi pa daw niya kaya dahil alam nyang magagalit lang ito dahil sa Daddy ni Rob. Naisip ko lang, kung hindi nag-loko ang daddy ni Rob, maayos siguro namin naipahayag ang sarili namin sa mga magulang niya.

Pala-isipan pa rin saakin kung sino ang karelasyon ng Daddy ni Rob, napa-chismoso ko talaga.

" Sir puntahan niyo nalang po sa kwarto dahil nag-vivideo po 'yon sa project niyo sa school. " Pinilit kong ngumiti at tumango nalang bilang sagot.

Nag-lakad ako nang dahan-dahan at pinihit ang pinto ng kwarto ni Rob. Hindi na ako kumatok.

" Baby, what are you doing here? Napa-pasyal ka? Did you miss me? " Mabilis na tumakbo si Rob papalapit saakin at pina-ulanan niya ako ng halik at niyakap ako nito. Hindi ko sinagot ang mga halik niya at hindi ko rin siya niyakap pabalik para maramdaman niya na hindi ako intresado sa ginagawa niya.

" Baby? May problema ba? You can talk to me. " Hinawakan ni Rob ang magkabilang kamay ko at tumingin ng diretsyo sa mga mata ko.

" You should stop courting me. Tigilan mona ang pagliligaw. " Walang emosyon kong saad sakanya.

Para itong napako sa kinatatayuan niya ngayon at nararamdaman kong nanginginig ang kamay niya at nanlamig ang balat nito.

" Bakit ako hihinto? May nagawa ba ako? Pwede naman natin pag-usapan Curt. " For the first time nag-tagalog siya ng diretsyo.

" Wala naman. Napag-isipan ko lang na dapat nang itigil ang panliligaw. " Muli kong sagot sakanya na ikina-kunot niya ng noo. Mapungay ang mga mata ni Rob at alam kong nasasaktan ito at nalulungkot. Hindi man siya magsalita pero ramdam na ramdam ko 'yon dahil sa pag-pisil niya sa kamay ko at sa mga mata niya na parang kinakausap ako.

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon