Curt's POV
" Your kindness towards the elderly surprised me. "
" Salamat Rob, ikaw rin napa-bait mo. " Tsaka ko siya nginitian. Habang nasa byahe kami nanatili kaming tahimik. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko si Lola na nakakaawa. Kung mayaman lang ako, talagang aampunin ko siya.
Nakaramdam ako ng antok kaya hinayaan ko ang sarili ko na kainin ako ng antok habang nasa byahe kami ni Rob. Nagpaalam naman ako sakanya at sinabihan ko siya na gisingin ako kapag malapit na kami.
---
Nakaramdam ako ng bahagyang pag-tapik sa braso ko tsaka ko nakita ang tapat ng bahay namin pag-mulat ng mata ko. Ginigising pala ako ni Rob.
" Tulog mantika. Ang hirap mo gisingin bading. " Mukhang badtrip na naman ang homophobic. Kinusot ko ang mata ko tsaka ko isinuot ang tote bag ko.
Pagbaba ko, tinulungan ko si Rob sa pagdala ng mga pinamili niya. Ang tanging nadala kolang ay ang isang plastic bag dahil payat ako kumpara naman sakanya na malaki ang katawan.
Pagpunta namin sa tapat ng pinto namin, kumatok si Rob at agad naman binuksan 'yon ni Tatay mukhang day off niya at si Mama namn busy sa pagluluto na makakain namin mamayang gabi.
Nakita ko naman na nagmano si Rob sa Tatay ko pagkatapos inilipag ang mga pinamili niya. Nilapitan niya rin si Mama para magmano, si Mama naman niyakap pa niya si Rob.
" Tita binilhan ko po kayo ng regalo, I hope magustuhan niyo po. " Wow, magalang sa mga magulang ko pero grabe maka-bully sa'kin. Pasalamat siya at hindi ako nagpapadala masyado sa pambubulas niya sa'kin.
" Anak Rob, bakit ang dami naman nito? Nakakahiya naman sa'yo. " Tinignan ni Mama si Rob at napansin ni Mama na wala itong tsinelas. Dahil lupa lang ang sahig namin kaya kailangan mag-tsinelas. Pero ang kalahati ng bahay namin gawa sa kawayan maging ang kwarto ko. Yung sa kusina namin lupa talaga ang sahig pero sa tinutulugan namin gawa sa kawayan. Kumbaga may maliit na hagdan bago maka-hakyat sa kwarto.
Binigyan ko naman ng tsinelas si Rob tulad ng utos ni Mama, baliw talaga ang lalaki na 'to hindi siguro niya napansin na lupa ang sahig namin. Nadumihan tuloy ang maputi at malinis nyang paa.
" Kumain na ba kayo? " Tanong ni Tatay na humihithit ng sigarilyo na madalas namin pagpatalunan dahil ayokong magkasakit siya dahil sa sigarilyo.
" Opo Tay, pinakain napo ako ni Rob sa mall. "
" Teka, manliligaw kaba ng anak ko? " Pabirong tanong ni Tatay kay Rob. Bahagya naman itong tumawa bago sumagot.
" Pwede po ba Tito? " Tsaka muli itong tumawa ng bahagya.
" Pwedeng-pwede basta ba pumayag ang anak ko diba Curt? " Humiling ako agad.
" Nako Tay, kung alam molang ang kabalastugan ng lalaki na 'yan sa school. " Tsaka ko inikutan ng mata si Rob na halatang nang-aasar ngayon. Parang nilason niya ang mga magulang ko dahil gustong gusto siya ng mga ito.
" Mabait po ako sa school Tito. Tinutulungan kopa po si Curt sa mga activities namin na hindi niya natatapos dahil busy po siya sa crush niya. " Gusto kong sigawan si Rob ngayon dahil kuhang-kuha niya ang inis ko. Asar na asar ako sakanya.
" Totoo ba 'yon anak? " Humiling ako dahilan para mas tumawa si Rob. Tumawa kalang dyan mamaya badtrip ka na naman lalaking baliw at homophobic.
" Anyway Tito and Tita, ipagpapaalam ko po sana si Curt, we're going to do our activity po sa bahay namin. Okay lang po ba? Ihahatid ko naman po si Curt dito. " Tumango agad si Mama.
" Basta ingatan mo ang anak namin. " Na-touch naman ako kay Tatay.
" Tay, Ma, hindi na po kami magtatagal dahil marami pa po kaming gagawin. Aalis na po kami. " Nagpaalam na rin si Rob tsaka siya muling niyakap ni Mama.

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...