Chapter 35:

615 19 11
                                    

Curt Gino's POV

Maaga akong nagising ngayon at pinilit ko talagang maka-upo sa wheel chair ko ng mag-isa dahil tulog pa si Rob. Ayokong ma-istorbo siya. Ginulong ko ang wheel chair ko papunta sa garden ng bahay ni Rob at pinanood ko ang madilim na kalawakan at dinamdam ko ang lamig ng panahon.

Feeling ko nga u-ulan anytime dahil sa hangin. Napansin kong gising na rin ang mga kasama namin sa bahay at busy sa pagluluto ng almusal pero hindi nila ako napansin na gising na.

Inagahan ko talaga ngayon dahil feeling ko sayang ang oras kung itutulog ko pa. Ganito ba talaga kapag may sakit at ano-ano ang pumapasok sa isip?

Naalala ko na nag-picture pala kami sa ferris wheel ni Rob kaya kinuha ko ang cellphone sa tote bag ko na palaging naka-sabit sa tulakan ng wheel chair.

" Napakasaya naman namin dito. Parang wala akong sakit kung maka-ngiti. " Para akong naiiyak nang mapansin ko ang kamay ni Rob na naka-hawak saakin sa picture. Napa-tapang ni Rob 'no? Hindi ka talaga niya bibitawan.

Naalala ko noong bata kami, gumagapang kami papunta sa mataas na puno para lang abangan ang eroplano kasi ang paniniwala namin nandoon palagi ang Daddy niya.

Tinignan ko ang susunod na picture na nasa cellphone ko at nakita doon ang picture na galing kay Stella noon dahil pina-send ko sakanya. Yung picture namin noong uminom kami ng mga kaklase ko. Ito yung unang beses kong nakasama ang mga kaklase ko. Napaka-saya din namin dito. Kumusta na kaya ang mga taong kasama ko dito sa picture? Siguro, nagtuturo na rin sila gaya ni Rob. May mga nagtuturo na siguro sa private at public schools, baka mayroon na rin sa ibang bansa.

" Good morning, Baby. " Niyakap ako mula sa likod ni Rob kaya napa-tingin ako sakanya. Hinalikan din niya ang labi ko.

" Uminom kanaba ng gamot mo? Bakit ang aga mo? " Naka-kunot noo na tanong ni Rob habang hawak ang tasa ng kape sa kabilang kamay nito.

" Hindi pa ako uminom, after nalang natin mag-almusal. Oo maaga ako, kasi feeling ko nauubusan na ako ng oras kaya I'm taking this time para pagmasdan ang paligid. Natatakot ako na baka dumating ang araw na hindi kona ito makikita. " Umupo si Rob sa harap ko para pantayan ako.

" Don't say that, alam kong makikita mo pa rin 'yan. Alam kong gagaling ka, Curt. " Humiling kaagad ako.

" Pakiramdam ko hindi na Rob. " Kinuha ko ang kabilang kamay niya at hinawakan 'yon. " Alam mo ba kung ano ang kinakatakutan ko? Baka dumating ang araw na hindi kona mahawakan ang kamay mo na nagsisilbing kamay ko ngayon dahil sa pag-tulong mo sa'kin. "

" Tahan na. Hindi mangyayari 'yang iniisip mo dahil magpapagaling ka. Tutulungan kita at si Mommy, tutulong siya. " Pinunasan ni Rob ang luha na pumapatak sa mukha ko.

" Ewan ko ba Rob, pakiramdam ko talaga kulang na ako sa time kaya lahat ng gusto ko ginagawa ko. " Hindi makasagot si Rob basta napa-tingin lang siya sa malayo.

" Naalala mo ba noon Rob, kapag gagapang tayo papa-akyat sa puno? Kapag a-abangan natin yung eroplano na lumilipad papunta sa direksyon niya?" Tumango ito.

" Rob, just like the airplanes please let me fly. Nahihirapan na ako sa sakit ko. "  

" No Curt, you may rest at my terminal forever but don't fly away. " Tumulo ang luha ni Rob at para itong nagmamakaawa na lakasan ko ang loob ko. " Imagine, you are the pilot and I'm the airplane. The airplane can't operate without you. Paano ako Curt kung aalis ka? "

" Hindi ko alam Rob kung hanggang kailan ko matitiis yung nararamdaman ko at hindi ko alam kung hanggang kailan ko malulunok ang gamot. Nanghihina na ako, bagsak na bagsak na ang katawan ko. Gusto kong mag-stay, pero paano ko gagawin 'yon kung pagod na ang katawan ko? "

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon