Curt's POV
" Anak anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang? " Sigaw ni Mama at mabilis na lumabas mula sa ni-re-rentahan namin na bahay.
" Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit may band-aid ka? Bakit nanghihina ka? " Sunod-sunod ang tanong ni Mama at hindi kona napigilan ang sarili ko na yakapin siya at umiyak.
" Good afternoon po, galing po kami sa Zambales at kapitan po ako sa baranggay namin. Inihatid po namin si Curt dito dahil natagpuan po itong walang malay sa tabi ng dagat. I-kuwento po niya ang lahat at may nga pulis napo ang nagta-trabaho sa nangyari. Pasensya napo dahil ngayon lang namin siya naihatid dahil hinang-hina po siya at hindi magawang tumayo at magsalita. Mabuti nalang at nagising po siya kaninang umaga. " Paliwanag ng kapitan at umalis na sila. Nagpasalamat ako at pumasok na sa bahay dahil nanghihina pa rin ako dahil sa sinapit ko.
" Mama, " Humihikbi ako at hirap na hirap sa pag-sasalita.
" Ano anak? Anong ginawa sayo bakit nasa tabi ka ng dapat? " Ini-inspeksyon ni Mama ang buong katawan ko.
" Binaboy nila ako, Ma. Sinaktan nila ako. Itinapon nila ako sa dapat. " Tulala pa rin ako habang nakatingin lang sa bukas na tindahan namin.
" Sino? Paano? "
" Hindi ko alam kung sino ang gumawa saakin non, Ma. Nandidiri ako sa katawan ko, feeling ko ang dumi ko. " Muling tumulo ang mainit kong luha sa mukha ko at ganoon rin si Mama.
" Si Rob, " agad akong lumingon kay Mama nang marinig ko ang pangalan ng taong hinahanap ko.
" Araw-araw na nandito dahil hindi mo daw sinipot sa date niyo. Grabe din ang pag-aalala niya dahil one week kang nawawala anak. " Giit ni Mama na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari saakin.
" Kailangan ko syang puntahan, Ma. Kailangan ko syang kausapin. "
" Huwag na anak, magpahinga kana muna. Nahihirapan kapa sa paglalakad dahil sa pasa sa mga paa mo. Huwag ka munang aalis. " Giit ni Mama saakin pero hindi ako nag-salita.
Hindi na ako nagpalit pa ng damit at agad na tumawag ng tricycle. Hirap na hirap akong umupo sa tricycle at inabangan ko itong huminto sa tapat ng campus. Parang wala ako sa sarili ko, wala akong pakielam kung anong ayos ko basta gusto kong makausap si Rob dahil alam kong naalala niya 'yon saakin. Alam kong hinahanap na niya ako.
Mabilis kaming nakarating sa campus at halos makalimutan ko oang magbayad dahil sa pag-mamadali ko.
Alam kong kapag nakita ako ni Rob ay magugulat 'yon dahil hinihintay niya ako. Marami akong dapat isumbong sakanya dahil alam kong hahanapin niya ang mga tao na 'yon at hindi sila makakapag-tago kapag si Rob na ang kumilos.
Hindi ako madalas gumamit ng elevator pero this time, sumakay ako para mapabilis. Kung sinuswerte pa at naka-sabay ko si Dale sa elevator na gulat na gulat rin bakit ngayon lang daw ako.
" Anong nangyari sayo Curt? Ano 'yang nasa katawan mo? Nagulpi kaba? " Tanong niya.
" Binaboy ako Dale. Muntik na akong mamatay dahil sinaktan nila ako at itinapon sa dagat. " Hindi ko napigilan ang sarili ko at humikbi sa harap ni Dale. Hindi ito nag-hesitate na lapitan ako at yakapin.
" Putangina! Kilala mo ba sila? Ituro mo saakin. Uubusin ko ang ngipin nila. " Muli kong nakita ang galit ni Dale nang ipagtanggol niya ako sa birthday party ni Stell at sa Mall doon ss cashier na lalaki.
" Hindi ko sila kilala. " Hinaplos-haplos ni Dale ang ulo ko kaya parang gumagaan ang pakiramdam ko. Bakit sa tuwing nasasaktan ako laging si Dale ang nakikita ko?
Bumukas ang elevator at lumabas kami, napansin ni Dale na hirap ako sa pag-lalakad kaya walang ano-ano binuhat niya at napa-yakap ako sa leeg niya.
Deretsyo lang ang tingin nito habang naglalakad. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil hindi ko pa rin matanggap ang nangyari saakin. Gusto kong isumbong abg lahat ng iyon kay Rob.

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Genç KurguBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...