Curt's POV
Nakapag-paalam na ako kay Mama about sa activity na kasama ko si Rob. Sinabi ko rin na gagabihin ako kaya ayos lang daw 'yon ang importante ginagawa ko ang best ko sa pag-aaral.
" Anak may naghahanap sayo labas kaklase mo daw. Hindi moba boyfriend 'yon 'nak? " Nang-aasar na tanong ni Mama. " Biro lang anak, pinag-paalam ka rin sa'kin na gagabihin ka. Nagmano pa nga. "
" Himala. Mabuti sayo Ma may respeto 'yan sa mga professor namin nakakalimutan niya. Ayan yung nai-kwento ko sayo no'ng isang araw na galit sa mga bading. " Tumango-tango si Mama.
" Ang gwapo ng kaklase mo, ang linis ng kutis at mukhang mayaman dahil may sasakyan. Tignan mo yung balat niya parang singkamas. Eh, pinapapasok konga pero ayaw naman niya. " Totoo naman ang sinasabi ni Mama. Maputi at maganda ang kutis ni Rob. Mas maputi siya saakin. Walang sugat siguro yung redness sa mukha niya kapag tumatawa siya.
" Ma, anong gagawin ko sa gwapo kung homophobic naman. Sige na, aalis na po kami dahil marami pa ang gagawin namin. " Tsaka na ako kumaway kay Mama.
" Why are you? " Ano daw? Late? Two minutes palang akong late.
" Two minutes lang, huwag kanang magreklamo dahil marami tayong gagawin. "
" Sakay " utos niya kaya wala akong nagawa kung hindi sundan 'yon dahil wala akong balak maglakad ngayon kahit sanay ako.
Pagsakay ko pinagmasdan ko ang buong sasakyan ni Rob John, talagang mayaman nga ito. Tsaka ko rin pinagmasdan ang suot niya ngayon. He's wearing white shirt and neon-green na beach short tsaka simpleng tsinelas pero parang nag go-glow siya sa suot niya. Mahahalata mo talaga na mayaman dahil ang neat niya tignan.
Sa totoo lang, it doesn't matter kung makapartner ko man siya sa lahat ng activities na ibinabato sa campus as long as nakiki-cooperate siya. Na-miss ko tuloy si Stella na talagang maraming suggestion at minsan siya pa ang tatapos nang activity basta kaya niya at naiintindihan.
" May I order to you? " Nabasag ang katihimik nang magsalita ang homophobic na gwapo. Lumingon ako sakanya at hindi man lang ito tumingin sa'kin dahil siguro nagmamaneho.
Ang tangos naman ng ilong nito.
" Oo naman. Anong flavor? " Tanong ko dito.
" Dalawang rocky road. Ibigay mo ang isa kay Dale. " Wow, ang bait naman pala niya. Naalala pa niya ang kaibigan niya.
" 30 each, bale 60 pesos lahat. "
" I will give it to you tomorrow. " Hindi na ako nagsalita pa at nanahimik nalang ako sa buong byahe at ganon rin ang ginawa ni Rob.
Naalala ko gusto ko palang malaman kung ilang oras ang mga movies na kailangan panoorin dahil sa movie analysis na 'yon. Gusto ko kasing makauwi nang maaga dahil pagod na pagod ako ngayong araw.
Maya-maya naramdaman ko na huminto kami. Nakapikit kasi ako dahil medyo inantok ako dahil ang lamig sa loob ng sasakyan. Nandito na pala kami. Pagtingin ko sa bintana napanganga ako dahil sa laki at ganda ng bahay nila Rob. Pagdating talaga sa kayamanan hindi nagpapatalo ang mga Owenturner na katulad nila Rob. Teka, so parents ni Rob yung dalawang business owners na ini-interview sa TV?
" Do you want me to carry you before you go inside? " Pwede ba? Biro lang. Seryoso itong nakatingin saakin kaya bago niya mataga ang ulo ko sisimulan kona ang paglakad.
" Ang ganda kasi ng bahay niyo. Heto na papasok na. " Pumasok ako at pinagmasdan ang bawat sulok ng bahay nila. Pagpasok ko malaking garahe ang bubungad sayo at sa left side naman ay ang malaking swimming pool na ang katapat nito ay garden.
Grabe ang laki ng bahay nila Rob. Kahit sa garahe lang ako titira ayos na ako kumpara naman sa bahay namin na lupa pa rin kaya sa papag kami natutulog. Pero hindi ako nagrereklamo sa bagay na 'yon dahil ayon lang ang kaya ng mga magulang ko at malaki ang pasasalamat ko dahil may natutulugan pa rin ako kahit papaano.
" Yaya, please prepare the laptop and the projector. " Utos ni Rob pagpasok namin sa loob ng bahay nila. Grabe white, silver at mga green na halaman lang ang nakikita ko. Ang linis tignan ng bahay. Marami rin ang paintings na nakasabit sa pader. Mukhang mahilig ang pamilya ni Rob sa paintings.
Nakita ko naman ang Yaya na bumaba galing sa taas dala-dala ang laptop at projector.
" Yaya sorry, i-set up mo nalang 'yan sa kwarto ko. " Bakit dito sa bahay nila at labas ng campus may respeto siya? Bakit sa mga professor wala? Nakakapag-apology siya dito sa campus hindi.
" And you, dinner muna tayo bago magsimula. " Gusto kong humindi dahil busog ako pero mukhang pililitin lang din naman niya ako. Ayokong kinukukit ako lalo na kapag si homophobic ang kaharap ko.
Ang sasarap naman ng mga food na naka-serve, mukhang nag-order pa si Rob sa labas.
" I ordered food for you, baka hindi mo magustuhan ang pagkain dito sa bahay. " Humiling ako ng mabilis.
" Hindi ako maarte sa pagkain Rob. Kahit anong i-serve mo sa'kin kakainin ko naman. " Paliwanag ko dito.
" Really? Are you fine with this food? Since you appear particular about food and other things, I'll give you the opportunity to turn down any offers I make. "
" Yes, sure ako na good lang ako sa mga pagkain na 'yan. Hindi ako picky sa food and other stuffs, mukha lang pero hindi. " Paliwanag mo dito tsaka ito umupo sa tapat ko tsaka niya nilagyan ng pagkain ang plato ko. Ginawa pa akong gutom na gutom, ang dami ng nilagay niya. Pwede bang i-take out 'to?
Nagsimula na si Rob sa pagkain maging ako nagsimula na rin sa pagkain. Napagtanto ko naman na nakatingin pala ako kay Rob na seryoso sa pagkain. Nakakalito ang ugali ng lalaki na 'to, iba ang pinapakita niya sa campus at sa labas.
Ang observant niya at pinakikiramdaman niya ang mga bagay-bagay. Hindi ko rin siya nakikitang ngumingiti dito pero sa campus kapag kasama niya yung isang homophobic ay nakakangiti naman siya. Hindi kaya baliw talaga itong si Rob at ang kaibigan niya na si Dale?
Patapos kona ang kinakain ko kaya mas binilisan ko ang pagkain dahil gustong-gusto konang simulan ang activity dahil lalabanan ko ang antok. Parang movie marathon ang datingan nito.
" Let's go? " Pagkatapos kong uminom. Sumama na ako kay homophobic dahil mukhang hindi kami dito sa baba gagawa nang activity.
" Come in. Dito tayo gagawa nang activity. You may now play the movie. Mag-take note nalang tayo. " Tumango ako at naghanda. " You can sit sa bed ko. Be comfortable. " Umupo na ako sa kama niya habang siya may kinakalikot sa laptop niya. Maya-maya pa nag-play na ang movie hudyat na kailangan kong makinig at magbasa nang sub-title dahil baka hindi ko maintindihan ang ibang salita. Tumabi si Rob sa'kin at mukhang nakikinig rin siya sa pinapanood namin.
Nakakaramdam ako ng antok at hindi ko mapigilan na haplusin ang kama ni Rob dahil ang lambot nito idagdag mopa ang napakalamig na kwarto niya.
" You can use the blanket. "
" Thank you, Rob. "
" Alam mo pala ang pangalan ko pero hindi ko alam ang pangalan mo. " Hindi ko alam kung matatawa ako o ano.
" Curt Gino Franco. " Saad ko kaya tumango nalang ito.
Sa labis na pagod at antok hindi ko napigilan ang sarili ko. Nanghingi ako nang 30 minutes na nap kay Rob at pumayag naman ito. In-offer rin niya na matulog na muna raw ako sa kama niya. Ang bait talaga ng lalaki na ito. Hiniram din niya ang cellphone ko at hindi ko alam ang dahilan. Basta ang alam ko ngayon ay inaantok ako.
" Promise 30 minutes lang pagkatapos tutulong na ako. " Kinapalan kona ang mukha ko dahil hindi kona talaga kaya. Naiinis man ako kay Rob madalas dahil homophobic siya, mabait naman siya kung pakikiusapan. I don't know kung anong meron sakanya, but he's really kind and considerate kahit hindi maganda ang unang pagkikita namin.
I really appreciate you, Rob!
![](https://img.wattpad.com/cover/366653522-288-k631124.jpg)
BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
TienerfictieBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...