Curt's POV
Flashback...
" RJ sigurado na ba kayo na aalis na? Hindi na kita makakalaro. " Malungkot na giit ko sa batang kalaro ko dito sa probinsya.
" Yes Gino, sabi kasi ni Mama ayaw na niya dito dahil malas daw. Lagi sila nag-aaway ni Daddy, eh. " Sagot ni RJ at halata rin sakanya na malungkot ito.
" Wala na akong kalaro nyan, ikaw lang kasi ang hindi nagagalit kapag naglalaro ako ng barbie, eh. " Paiyak na giit ni Gino kay RJ.
" Don't be sad little Gino, hindi kita kakalimutan. I saw something on internet. Nagpapa-paint sila sa skin nila. Kapag big na ako ipapalagay ko ang pangalan mo sa katawan ko para hindi kita makalimutan. " Naka-ngiti na giit ni RJ para tumahan ako.
" Talaga? Gagawin mo 'yon? "
" Oo naman. "
" Promise mo 'yan ha? Oo nga pala may ibibigay ako sayo. " Tsaka ko ibinigay ang isang tsinelas ko.
" Bakit tsinelas naman ang ibinigay mo sa'kin? Walang kang gagamitin nyan. " Saad ni RJ pero humiling lang ako.
" Hayaan mona. Itago mo 'yan ha? Kapag nagkita tayo kapag matangkad na tayo tulad ng Tatay ko hahanapin ko sayo 'yan. " Tumango naman si RJ tsaka niya ako nilapitan para yakapin ng mahigpit.
Maya-maya sumakay na si RJ sa kotse nila at kumaway na ito saakin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak.
End of flashback...
" Anak, hinihintay kana ng mga kaklase mo sa labas. " Sigaw ni Mama habang busy ako sa pag-susuot ng uniform ko. Pero teka, " mga kaklase? " Si Stella lang ang may alam ng bahay namin bakit naman ako pupuntahan naman mga kaklase ko?
Binilisan ko ang pagkilos ko para masagot ko ang sariling tanong ko. Binitbit ko ang bag ko tsaka sinabihan si Mama na hindi muna ako magtirinda ng shake ngayon sa school dahil busy kami sa campus. Sunod-sunod ang events at kailangan namin mag-attend sa mga 'yon.
Nagpaalam ako kay Mama at paglabas ko laking gulat ko dahil may dalawang kotse sa tapat ng bahay namin at naka-upo ang dalawang may-ari nito sa kani-kanilang sasakyan.
" Rob? Dale? Anong ginagawa niyo dito? "
" Curt tara sabay kana. " Masayang turan ni Dale dahilan para ngitian ko siya.
" Get inside Curt. " May diin ang bawat salita ang nanggagaling kay Rob. Tila ba nag-aaway ang dalawa at kung sasakay ako sa isa sakanila ay ayon ang panalo.
" Naguguluhan ako. Salamat pero ganito nalang, mauna na kayo sa school ako naman ay sasakay ng tricycle. " Nakita kong hinampas ni Rob amg manubela at halatang badtrip din itong si Dale. Baliw ba ang dalawang 'to? Nag-aaway ba sila? Hindi ko rin kasi talaga alam kung kanino ako sasabay dahil parehas silang nag-effort at ayoko rin ng unfair treatment.
" Curt mag-iingat ka! " Giit ni Dale bago ito umalis. Itong si Rob naman umalis nalang bigla kaya nakahinga ako ng maayos.
Naghanap na ako ng tricycle at mabuti nalang may mga tricycle na naka-pila sa kanto baka kasi ma-late pa ako. Nakakahiya kasi mapag nale-late ka tapos future educator ka.
Ngayon palang sinasanay kona ang sarili ko na maging role model sa mga magiging estudyante ko dahil pangarap ko talagang maging isang guro. Naalala ko noon, nag-aaral-aralan kami tapos kunwari ako ang teacher tapos ang mga estudyante ko ay mga pinsan ko at ibang kapit-bahay na hindi kona nakikita ngayon dahil wala na kami sa probinsya. Kamusta na maya ang mga kalaro ko doon? Kilala pa kaya nila ako? Nakaka-miss tuloy maging bata, puro laro lang tapos kahit anong oras pwede kang matulog. Kain, laro, ligo, at tulog dyan lang umiikot yung buong araw ko noong bata pa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/366653522-288-k631124.jpg)
BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...