BAD EDUCATOR
Mr. Rob John Owenturner
( BL story )
Aboutfictionx
Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Palaisipan pa rin saakin kung paano inilagay ni Rob ang card na ito sa bag ko nang hindi ko man lang napapansin. Nakita ko nalang ito habang inaayos ko ang mga gamit ko sa bag. Mukhang matagal na ito sa bag ko at ngayon ko lang napansin, hindi kasi ako madalas kumuha ng gamit sa bag kahit nasa school ako dahil pi-ni-picturan ko ang mga mga lectures.
This card is an invitation for a date.
I don't know what kind of date it is pero paghahandaan ko since wala naman yung subject teacher ko ngayon tapos walang pasok bukas dahil sabado na.
First time kong a-attend sa date kaya kinakabahan ako at hindi ko alam kung anong susuotin ko. Lumapit ako sa maliit kong drawer na lagayan nang napaka-dami kong damit. Nag-hanap ako ng pwede kong suotin at nakita ko nanga ang mint green na polo shirt at khaki pants, i-ta-tuck in ko nalang at white shoes na nabili ko sa ukay-ukay. Tumayo ako at naghanda na sa pag-ligo ko.
Pagkatapos ko maligo, nag-bihis na ako at ti-next ko si Rob na huwag na ako susunduin dahil ako nalang mismo ang pupunta doon.
Nag-apply ako ng sunscreen sa mukha ko dahil medyo mainit pa rin kahit 5:30 na ng hapon.
" Mag-iingat kayo ni Rob 'nak, ah. "
" Oo naman 'ma, kasama ko naman po si Rob kaya huwag po kayong mag-alala ni Tatay. " Tsaka na ako nag-mano sa mga magulang ko at lumabas na. Nag-offer pa si Tatay na ihatid ako tumanggi ako dahil grabe ang init.
Tumawag ako ng tricycle at agad naman itong lumapit kaya sumakay na ako. Kinakabahan ako dahil parang napaka-formal naman ng date na 'to. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Rob pero I'll take the risk.
Mabuti nalang talaga at hindi traffic at nakarating ako sa tapat ng restaurant nila Rob sa loob ng 30 minutes. Grabe ang laki ng restaurant nila, hindi ko alam na sakanila ito. Matagal kona itong nakikita pero hindi pa ako nakaka-pasok o kain dito alam no may Owenturner's restaurant din sa mga mall dito.
Nag-bayad ako ng 70 pesos sa driver at nag-pasalamat. Pumasok na ako at hindi na akong nag-abala pa na hanapin ang seat dahil may lumaoit saakin at itinanong ang pangalan ko.
Umupo ako at naging komportable ako sa upuan ko habang hinihintay ko si Rob. Maya-maya may tumunog na music mula sa speaker ng restaurant na mukhang nasa kisame.
Habang palinga-linga ako sa paligid bigla nalang akong kinilig dahil parang tila ba may kuryenteng dumaloy saakin noong makita ko siya na papalapit saakin. Awtomatiko akong napatayo at lumapit siya saakin para bumeso.
Amoy na amoy ko ang pabango na nakakadagdag sa kagwapuhan niya. He's wearing white long sleeve at naka-tuck in ito sa black pants niya. Semi-formal ang suot niya at pinarisan niya ito ng relo.
" You look stunning. " Bulong niya saakin dahilan para mapa-ngiti ako. Naamoy ko rin ang bibig niya na amoy mouth wash.