Chapter 31:

588 18 1
                                    

Curt Gino's POV

" Anong meron at bigla kang nag-aya kumain sa labas? " Tanong ko habang sumasandok ng pagkain na naka-handa sa harap namin.

Kasama ko si Dale ngayon at binigyan niya ako ng bouquet of white and pink roses. Naitanong din niya kung okay na ba daw kami ni Rob and I said yes. Okay naman na kami dahil wala naman syang kasalanan. Kasalanan ni Stella ang lahat nang ito simula noong masunong ang bahay namin at madukot ako.

" I'm glad na okay na kayo ni Rob at masaya rin ako na hindi niya ginusto ang nangyari. Kahit ako nagulat dahil ganoon pala si Stella. War freak talaga ang babae na 'yon dati pa. " Kilalang-kilala niya pala si Stella.

" Anyway Dale, nabanggit ni Rob saakin na absent ka rin daw nang dalawang araw noong unang dalawang araw na nawawala ako. Anong nangyari sayo? " Tanong ko dito, gusto ko rin tanungin si Stella bakit nagiging pala-absent siya pero mukhang alam kona ang sago dahil busy siya sa mga plano niya.

" I was sick. Hirap ako sa pag-tayo dahil marami akong bugbog. " Bugbog? Saan niya galing 'yon?

" Excuse me Curt, banyo lang ako. " Tumango ako.

Binitawan ni Dale ang hawak nyang spoon and fork at tumayo. Dumaan ito sa gilid ko at nang maamoy ko ang pamilyar na amoy sakanya ay agad akong napalingon.

Kinabahan amo dahil ito ang naamoy ko noong panahon na nasa yate ako. Sigurado ako na ito 'yon. Ayokong mag-assume ng mga bagay-bagay pero bakit kapag si Dale ang kasama ko naaamoy ko palagi ang amoy na 'yon.

Pag-balik ni Dale. Parang nanginginig na ang tuhod ko dahil sa mga bagay na naiisip ko.

" Dale, may I request something from you? "

" Sure Curt, go ahead! " Sagot ni Dale at nag-handa sa pakikinig saakin.

" May panyo ka? Can try to cover your face? Yung mata mo lang ang makikita. " Walang ano-ano, ginawa 'yon ni Dale.

Nang makita ko ang mata na 'yon parang muling nag-flash sa isip ko ang paghihirap ko sa yate. Inobserbahan ko si Dale na nagpatuloy sa pagkain. Sa pagkakatanda ko, nagalusan ko yung lalaki na gumahasa saakin sa leeg noong pinipilit kong magpumiglas.

Tinignan ko ang leeg ni Dale at napa-takip ako ng bibig ng makita ko 'yon.

" Dale, nasaan ka noong nawawala ako? " Napahinto ito sa pagkain at sobrang tagal bago ito tumingin saakin.

" Dale...sumagot ka, nasaan ka noong araw na nawawala ako? " Sa oras na ito tumingin na siya pero malabo ang nakikita ko dahil sa humaharang na luha sa mga mata ko. Pasimple akong nag-text kay Rob na pumunta siya dito.

" May sakit nga ako. " Walang emosyon nyang sagot.

" Sabihin na natin na nagka-sakit ka, saan mo galing ang sariwang galos na nasa leeg mo? Hindi ko ba ginawa 'yan para makatakas sayo? " Nakita kong pawisan si Dale at napalunok.

Tumingin ito sa labas at maya-maya seryoso na tumingin saakin.

" You're blaming me sa bagay na alam mong hindi ko magagawa sayo. " Mahinahon nyang sagot pero hindi ako naniniwala.

" Ipaliwanag mo kung saan ka nanggaling noong panahon na nawawala ako at kung bakit may galos ka. Ito ba yung pinag-uusapan niyo ni Stella kapag nakikita ko kayong magka-usap kung saan-saan? " Tahimik akong umiiyak habang naka-upo ako sa harapan ni Dale. Ayokong gumawa ng kahit anong ingay dahil maraming tao dito.

" Fine. Oo ako ang kasama mo sa yate pero napag-utusan lang din ako ni Stella. Ang sabi niya papatayin niya ang pamilya ko japag hindi ko ginawa sayo 'yon. " Pagkasabi ni Dale nyan nakatanggap siya ng malakas na sampal mula saakin.

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon