Curt Gino's POV
" Rob buksan mo ang pinto! Rob! Rob! " Malalakas ang bawat hampas ko sa gate nila Rob. Nandito ako ngayon oara ipakita ang bagay na natanggap ko. Ang kakapal talaga ng mukha nila.
" What? Mamaya pa tayo magkikita, ah? " Giit ni Rob na mukhang iritable.
" Tignan mo 'to. Ito yung gabi na hinahanap kita bakit bigla kang nawala sa kwarto natin sa party ni Stella. " Puno ng sakit ang bawat salitang sinasabi ko kay Rob. Nalilito man siya pero kinuha niya pa rin ang cellphone na hawak ko.
Pin-lay ni Rob 'yon at doon ako nag-simulang umiyak dahil sa naririnig kong ungol na nanggagaling sakanya at kay Stella. Yung video na ito ay sinend saakin kanina. Napanood kona ito pero hindi ko natapos dahil napaka-sakit. Bawat ungol ni Stella at Rob para akong sinasaksak sa dibdib.
" Saan mo galing 'to? " Tanong ni Rob.
" It doesn't matter kung saan galing ito, mas napatunayan mo lang na mali ang desisyon ko na patulan ang isang tulad mo. Paano niyo nagawa ito no Stella? Paano niyo nagagawang saktan ang taong walang ibang ginawa kung hindi isipin ikakabuti niyo? Paano niyo nagagawang saktan ang mga taong puro ang intensyon sainyo? " Makahulugan kong giit habang nasa tapat kami ng gate ng bahay nila.
" Curt, I was raped with three people tapos habang nahihirapan ako hindi mo man lang pala ako hinahanap. Para din akong na-rape dahil sa sinabi mo na planado itong kunwaring nararamdaman mo saakin. Ibinigay ko ang sarili ko sayo without knowing na hindi pala totoo ang nararamdaman mo. Para na rin ako na-rape dahil wala kang nararamdaman saakin. Pinapatulog pa ba kayo ng konsensiya niyo? " At this point of time, sobrang hirap na ako sa pagsasalita at hirap na hirap na ako ss paghinga.
" Curt, I thought I can protect you by following Stella's order. " Tinignan ko ang mata ni Rob. Umiiyak din siya pero tahimik lang 'yon. Tinignan niya ako, nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisisi.
" Stella told me na kapag pinag-patuloy ko ang relationship ko sayo, mag-susumbong siya kay Mommy at ayon ang bagay na kinakatakutan ko baka ilayo ako sayo ni Mommy. Sinabi rin saakin na sasaktan ka niya kapag hindi ako lumayo. Yes, Ex ko si Stella pero matagal na 'yon. Dati pa siya humahabol pero wala na akong kahit anong nararamdaman dahil ikaw ang mahal ko. " Huminga ito nang malalim.
" Alam mo ba kung gaana ako na-apektuhan nang makita ko kayo ni Dale? Kasalanan ko naman. Nag-sinungaling ako sayo, sumunod ako kay Stella na akala ko susundan niya ang ipinangako niya pero hindi. Noong pumasok ka sa classroom, halos manlambot din ang tuhod ko dahil sa mga sugat mo, sa mga pasa mo at hirap na hirap ka sa pag-lakad. " Ngayon lang ako nakakita na umiiyak na lalaki sa harapan ko.
" Si Stella ang may pakana nito? "
" Yes, dahil gusto nyang makipag-balikan saakin but I have you at wala na akong maramdaman na kahit ano sakanya. Sinubukan kitang hanapin pero ang akala ko nagpakalayo-layo ka lang dahil baka may sinabi na sayo si Stella pero noong malaman ko ang nangyari na pagkatapos ka, gahasahin, saktan at pahirapan, itinapon ka nila sa dagat. Narinig ko lahat ng 'yan sa kausap ni Stella sa phone niya. Halos mapatay kona si Stella noong marinig ko yung mga bagay na 'yon. "
Dahil gusto lang makipag-balikan ni Stella kay Rob nagawa niya akong ipa-bugbog at halos ipa-patay.
" So please Curt, let me go back to you. Let me hold you for the second time. "
" Yung sa video? "
" That's Stella plan too, pero pagkatapos noon akala ko okay na na ganon nalang 'yon pero sinundan pa niya. Doon niya ako tinakot na sasaktan ka niya at sisiguraduhin daw nyang malalaman ni Mommy ang relasyon natin kaya ginawa ko ang best ko para hindi niya gawin 'yon, to protect you. " Sumabay ang langit dahil biglang umulan nang malakas, kahit maaga pa, pero madilim na ang langit.
Nilapitan ko si Rob at niyakap ko siya.
" I'm so sorry Curt, wala akong nagawa noong araw na sinasaktan ka nila. Noong araw na muntik kana nilang mapatay. " Bulong ni Rob habang umiiyak.
" Sorry din Rob kasi hindi ko alam. Akala ko ako lang ang nahihirapan pero nahihirapan ka rin pala sa part mo. " Turan ko sakanya.
" I'm really sorry Curt, akala ko ayon ang maganda gawin to protect you. Pagsisisihan ni Stella 'to. Hindi na ako natatakot ngayon kahit mag-sumbong pa siya kay Mommy. I will fight for you, Curt. "
Kapwa kaming basa sa lakas ng ulan. Hinayaan namin ang sarili namin sa ganitong posisyon. Alam kong masakit din para kay Rob ito dahil naman 'yon sa makasariling desisyon ni Stella.
" I'll introduce you to my mother as soon as I can. Kapag nakauwi siya, kakausapin natin siya. " Matapang na sagot ni Rob saakin.
" Curt, hindi ko alam kung magtitiwala kapa saakin dahil sa nangyari pero gagawin ko ang lahat para mai-balik ko ang tiwala mo. " Tumango ako.
" Anyway, si Dale? " Makahulugan na tanong ni Rob.
" Siya yung naging sandalan ko habang wala ka at kasama mo si Stella. Siya yung naging doctor ko, I owe Dale a lot. " Sambit ko.
" Lilinisin ko rin ang pangalan ko kay Rob dahil hindi naman ganoon talaga ang intensyon ko sayo. However, napapa-isip pa rin ako bakit ganoon kalala ang ginawa sayo ni Stella? May pinag-awayan ba kayo noon? " Tanong ni Rob.
" Wala naman. Never kaming nag-away ni Stella. Pero grabe pala ang pwedeng gawin niya saakin in the name of love kahit ako na kaibigan niya nagawa niya akong saktan at halos ipapatay. " Hinakbayan ako ni Rob papasok sa bahay nila at binigyan niya ako ng twalya.
" Anong balak mo kay Stella? Ipapakulong mo ba siya dahil sa ginawa niya? " Mabilis akong humiling.
" Hindi ko magagawa 'yon Rob. Hindi ako tumitingin sa iisang pagkakamali, mas tumitingin pa rin ako sa nagawa nitong mabuti saakin. Pero kung hihingi man siya ng tawad sa ginawa niya, hindi ko 'yon maibibigay agad dahil traumatic ang ginawa niya. Imagine, naka-survive ako sa ginawa niya, paano kung hindi? " Muli akong naiyak dahil broken-hearted ako sa kaibigan ko. Para kong pinipilit kong magalit sa kaibigan ko pero hindi ko magawa. Yung pag-tulak ko sakanya sa mall, pinag-sisihan ko yung bagay na 'yon. Babae pa rin siya at madaling masaktan kahit simpleng tulak lang 'yon.
" Anyway, Curt. Heto pala yung gift ko sayo noong monthsary natin. " Ibinigay ni Rob ang isang box at nang buksan ko ito mayroon itong laman na maraming chocolates at projector.
" Salamat Rob, yung mga regalo ko sayo na inihanda ko mukhang naiwan sa sasakyan noong dinukot ako. Sayang lang at hindi ko nagawang naibigay sayo 'yon. "
" Kahit hindi ko natanggap 'yon I still appreciate it kahit nag-abala kapa. Curt, huwag kanang lalayo saakin, ha? Kung pwede lang na dito ka nalang o doon nalang ako sa bahay niyo mas better para mas mabantayan kita. Paniguro hahanapin ako ni Stella at hahanapin ka niya. Hindi 'yon titigil hanggang hindi ka niya nasasaktan. I know her, hindi 'yon sumusuko hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya. She's freaking crazy! " Hirap na hirap akong magalit kay Stella pero this time hindi kona hahayaan na masaktan pa ako ni Stella dahil wala naman akong ginawa sakanya.
" Rob, natatakot ako na baka ipadukot niya ako. Hindi kona kakayanin pa siguro dahil duming-dumi na ako sa sarili ko. "
" Hindi ko hahayaan na makalapit sayo si Stella. Hindi ko hahayaan na saktan ka niya ulit. Makakalimutan ko sigiurong babae siya kapag lumapit siya sayo. " Hinalikan ni Rob ang noo ko kaya kahit papaano napa-ngiti ako.
" I love you, Curt. I will protect kahit kanino pa 'yan. Kahit sa mommy ko pa. "
" Mahal na mahal din kita Rob, alam kong alam mo 'yan. "

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Fiksi RemajaBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...