Curt's POV
Ka-araw-an ngayon ni Stella at lahat kami ay invited. Maging ang magulang ko ay invited pero hindi na daw sila sasama dahil maraming gamit pa ang dapat ayusin dahil ka-ka-lipat lang namin. Idagdag mopa ang mga appliances na pinadala ni Stella tulad ng ipinangako niya. Nagbigay rin si Dale ng malaking TV na parang kalahati ng black board.
Panigurado inaayos din ni Mama yung mga grocery ni ipinamili ni Rob. Bumili rin ng limang sako ng bigas para daw may gamitin kami at idagdag daw sa sari-sari store namin.
Yung pera naman na galing kay Rob at sa mga kaklase ko, ipinatabi ko kay Mama dahil hindi naman namin magagastos ito dahi halos ibinili na nina Rob, Dale at Stella.
Napaka-laki nang pasasalamat ko sa mga taong tumulong saakin. Hindi ko 'yon inaasahan lalo na sa mga kaklase ko. Alam niyo naman siguro na hindi ko ramdam ang mga kaklase ko noon at hindi ko rin sila masyadong nakakausap.
Ma-laki-laki rin ang na rentahan namin na bahay tapos may pintura ito na sky blue. Napaka-mura nito at talagang komportable kami.
Oo nga pala, nanggaling din si Rochelle at Junelle dito kahapon. Nagulat nga ako dahil may dala-dala silang foam at drawer.
Kahapon halos lumuhod ako sa flooring dahil nanlambot ang mga tuhod ko. Alam mo 'yon, yung mga tao na akala mo tahimik lang pero kapag pala nangailangan ka handa sila na mag-bigay.
" That's all for this afternoon class. Please review your lesson dahil may quiz tayo next meeting. " Anunsyo ng professor ko dahilan para maisampal ko ang palad ko sa noo ko.
" Are you all right? Parang wala ka sa sarili mo, baby. " Tinignan ko ng masama si Rob dahil sa callsign na ginagamit niya.
" Ayos lang ako. Nagulat lang ako dahil tapos na pala ang klase. Ang dami kasing nangyari last week, eh. "
" Alam mo tama ka baby, because of everything that transpired last week, I know you are exhausted as well. However, today is Stella's birthday, we ought to enjoy and celebrate! " Mahabang lintanya ni Rob habang naka-ngiti saakin. Nandito kasi kami ngayon sa comfort room ng campus.
" Ngumiti kana baby Curt. Hindi bagay sayo ang naka-simangot. You, know what, I can make you smile. Close your eyes real quick. " Giit ni Rob. Tulad nang utos ni Rob kaagad akong pumikit.
Naramdaman kong may malambot na bagay ang dumikit sa labi ko at nang imulat ko ang bata ko, si Rob hinahalikan ako.
Kaagad akong lumayo nang bahagya at nakatanggap ito ng hampas.
" Sana sinali niyo ako. " Saad ni Justin kaya nabatukan ito kay Rob.
" Aray ko naman! Hindi ko naman aagawin, eh! " Reklamo ni Justin.
" Curt is mine. Saakin lang ang baby ko. " Si Rob parang nagiging cute na bata kapag sa ganitong pagkakataon.
" Tama na 'yan. Rob panalo kana napa-ngiti mona ako. "
" Yes! " Malakas na sigaw ni Rob at nakipag-apir pa kay Justin na kanina lang ay nag-tatalo.
" Guys, may mga rooms daw sa venue ng birthday celebration ni Stella. Doon nalang daw tayo mag-ayos. " Anunsyo ni Meshe habang patuloy na naglalakad papasok sa comfort room ng mga lalaki.
" Hoy Meshe! Baka nakakalimutan mo nasa banyo ka ng mga lalaki. " Bulyaw ni Adhley.
" I don't care. Wala naman akong makikita sainyo dahil mas malaki pa ang daliri ko. " Maarte at mapang-asar na saad ni Meshe.
" Are you saying na maliit ang kay Nervin? " Tanong ni Jelly Ann na kakatapos lang din sa banyo.
" Stop it! " Sigaw ni Meshe.

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...