Chapter 17:

790 23 6
                                    

Curt's POV

" Congratulation, Curt! We made it! " Malakas na sigaw ni Stella nang makalabas ang professor namin dahil tapos na ang demonstration namin. Natapos kaming mag-demo ni Stella ngayon kasabay si Rob at Dale.

Natapos na rin ang grupo nila Adhley na sina Jelly Ann at Hazel. Ang ganda rin ng demonstration nila.

" Thank you Stella, congrats din! Alam ko naman na matatapos tayo ng maayos kaya binili kita nito. " Kinuha ko mula sa bag ang Tote bag, peanut birttle at key chains na galing sa baguio dahil hindi ko naibigay kasi busy talaga.

" Ang swerte ko naman sayo. " Parang maluluha na si Stella kaya niyakap ko siya. " Naalala ko yung kaibigan ko dati hindi na nila ako kinakausap tapos hindi ako nakatanggap ng kahit ano sakanila. " Mas hinigpitan ko ang yakap ko kay Stella. Ito talagang kaibigan ko lumalambot ang puso bigyan mo lang ng kahit ano.

One week mula noong nakauwi kami ni Rob from Baguio at talagang nag-enjoy kami pero pagkatapos noon naging busy kami at walang tulog dahil sa biglaan na demonstration. Mabuti at nakagawa pa kami ng instructional materials. Dahil puro reklamo itong si Rob, noong matapos ko ang instructional materials ko, tinulungan kona siya dahil hindi daw niya alam paano niya sisimulan.

Itong si Dale nag-breakdown pa kanina bago siya magsimula kaya nilapitan namin siya para pakalmahin, bale nauna yung ibang kaklase ko na mag-present kahit siya yung una. Kinakabahan siguro.

Hinanap ko si Rob dahil nawala siya sa paningin ko at nahagip ko siya na papasok sa pinto, lumabas pala siya.

" Kain kana muna and drink a lot of water. " Ibinigay ni Rob ang dalawang bottled water at isang chicken sandwich na mukhang nabili ni sa canteen.

" Bakit may abutan dyan? " Pang-aasar ni Adhley at talaga pumagitna pa saamin.

" Huwag kayong mag-ligawan dito kung hindi niyo rin ako ibibili ng tubig. " Mataray na giit ni Hazel at mukha naman itong nagbibiro.

" Oo nga naman, pahingi ako. " Tsaka agad na kinuha ni Stella ang sandwich sa kamay ko at talagang kinain niya sa harap namin ni Rob. Mukhang nainis itong si Rob at tumingin sa ibang direksyon. Ngayon lang naman ni Stella ito kaya kahit ako nagtataka.

" Hoy, Stella gutom rin 'yang si Franco. Gutumin ka talaga! " Itong si Jelly Ann talaga hindi ako tinatawag sa pangalan ko, halos kami tinatawag niya sa last name.

" Bakit hindi kaya tayo mag-celebrate mamaya? " Malakas na tanong ni Dale kaya agad kaming napatingin sakanya. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko dahil kanina lang para syang mahihimatay.

" Good idea! May naitulong ka rin! Sana pati sa group project natin diba? " Muling nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Hazel.

" Pero tama si Dale, this is the best time to celebrate. Kung gusto niyo sa bahay nalang namin? " Suggestion ni Jelly Ann.

" Malayo ang bahay niyo Ann, what if kila Rob tayo? " Tanong ni Adhley at nagtinginan sila. Hindi pa siguro sila nakapunta sa bahay nila Rob.

" Sure, sa bahay nalang. " Dahilan para magsigawan ang mga kaklase ko na parang nanalo sa raffle. Tama nga ako dahil hindi pa daw sila nakakapunta sa bahay nila Rob as per Jelly Ann. Hindi raw kasi ito nakiki-halubilo pero tumutulong daw ito sa mga group activities.

Pagkatapos kulitin ng mga kaklase ko si Rob kung sigurado ba daw siya, nag-alisan narin sila para daw makabili pa sila ng susuotin nila para mamayang gabi. Iba talaga kapag mayayaman, kailangan bago ang outfit. Sabagay kahit ako naman ang may pera panigurado bibili din ako ng damit kapag may lakad ako.

Nagpaalam na si Dale dahil may lakad pa daw siya at susunod nalang daw ito. Muli kong naamoy ang pabango niya noong dumaan siya sa harapan ko. Umalis na rin si Stella dahil kasama niya ang mga kaklase kong babae mamimili daw sila ng swim suit. Oo nga pala may swimming pool sa bahay nila Rob.

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon