Curt's POV
Maya-maya nag-vibrate ang phone ko at agad ko itong kinuha sa bulsa ko.
" Where are you? " Rob texted me.
" Curt sino 'yan? " Bahagya itong tumawa. " Para kang nagulat. " Tuloy niya.
" Si Homophobic nag-text. Nagtatanong kung nasaan daw ako. " Mukhang nagtataka naman si Dale kung sinong homophobic ang sinasabi ko.
" Dale ang kaibigan mo, si Rob. " Tsaka ako natawa. Para kaming baliw na nagtatawanan dito.
" Bakit ka naman niya hinahanap? " Sa totoo lang hindi ko rin alam. Wala naman kaming project o dapat gawin na school related.
" Wala akong idea. " Matipid na sagot ko kay Dale. Tahimik kaming nagbyahe papunta sa bahay. Pagbaba niya agad rin itong nagpaalam at bumeso pa. Pa-ulit-ulit rin ang pasasalamat niya.
Papasok na sana ko sa bahay nang mapansin kong may kotse na nasa tapat ng bahay namin. Hindi ito ang ginamit ni Rob noong nag-mall kami.
Pag-pasok ko naka-upo si Rob jabang kausap si Mama. Lumapit ako at nag-mano kay Mama. Tahimik lang si Rob at wala akong emosyon na nakikita sa mukha niya. May kakaiba sa aura ni Rob na hindi ko maipaliwanag.
" Bumeso pa talaga hays. " Sapat lang 'yon para marinig ko mula kay Rob.
" Ano? " Kunwari hindi ko narinig dahil hindi ko alam kung ano isasagot ko sa sinabi niya.
" Wala. " He responded nonchalantly.
" Ma, anong ginagawa ni Homophobic dito? Pina-kain niyo na po ba 'yan? " Tumango si Mama.
" Oo 'nak. Nag-kwento rin siya na ikaw nag-alaga sakanya noong nagka-sakit siya. Pinagnasahan mo pa daw ang katawan niya. " Tsaka malakas na tumawa si Mama.
" Mama naman, e. Huwag kayong maniwala kay Rob. Ma, ano nga ang ginagawa ng lalaki na 'yan dito? " Hindi sa ayaw ko siya na nandito pero wala syang dahilan para magpunta dito. Mabuti siguro na tanungin ko siya. Hindi kona hinintay sumagot si Mama at binalikan si Rob sa mesa namin. Nagagawa talagang tiisin ng lalaki na 'to ang lupa namin na sahig mabuti at hindi niya tinanggal ang sapatos niya.
" Rob, magaling kana ba? Anong ginawa mo dito? "
" Makikitulog ako. "
" Ano? Bakit? " Sunod-sunod na tanong ko sakanya.
" May sakit pa din daw siya 'nak kaya dito matutulog. " Pagkatapos sabihin ni Mama 'yan agad ko hinawakan ang leeg ni Rob at sinakal. Mali, hinawakan ko ang leeg niya at noo para pakiramdaman kung mainit ba ito.
" Oh, malamig ka naman. Lamig nga ng balat mo, e. Gusto mobang magpa-check up dahil wala ka naman lagnat pero feeling mo meron ka para matignan ka rin ng mga doctor. Magagaling ang mga 'yon. " Humiling ito na parang bata. May pagka-childish rin pala ang homophobic na 'to. Ang laking tao pero kapag nagkakasakit parang bata naman na kailangan ng nanay sa tabi niya. " Ayaw moba talaga magpatingin sa doctor? " Habol na tanong ko.
" Nope, a nurse like is superior to a doctor. I like the way you care. " Seryosong sagot niya at talagang binola pa ako.
" Sige na papayag na ako. Sure ka ba na gusto mong matulog dito? " Tumango ito. " Puputulan ng pagkalalaki ang mag-iinarte, ah? " Pananakot ko dito pero nagbibiro lang naman ako.
" That's fine. Hahaba pa naman 'to. " Inikutan ko siya ng mata dahil sa green joke niya. Baliw talaga 'to.
" Ma pahiram ako ng mga damit ni Tatay dahil hindi kakasya ang mga damit ko kay Rob. " Tumango si Mama na busy sa pagluluto ng hapunan.

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...