Chapter 21:

946 24 0
                                    

Curt's POV

" Did you eat your breakfast, baby? " Tanong ni Rob habang hinihintay ang professor namin.

" Baby ka dyan. Oo kumain ako. Ikaw? " Tumango ito at kinuha ang bag niya.

" I want you to eat this, parang wala kang energy. " Tsaka niya inilapag sa arm chair ko ang isang box ng cupcakes at isang fruit drink.

" Ang dami naman nito, Rob. " Giit ko tsaka ko siya niyakap kaya biglang nag-hiyawan ang mga kaklase ko dahilan para humiwalay ako kay Rob.

" Ang aga-aga nyong sweet. Kung binigyan niyo ako ng cupcake matutuwa pa ako. " Saad ni Justin at hindi pa ako pumapayag kumuha na agad siya.

" Where is my wallet? " Halos mapuno ni Stella ang buong room dahil sa lakas ng sigaw niya.

Mukhang nawawala ang wallet niya.

Nakita kong dinukot ni Rob ang phone niya sa bulsa niya at may kinausap doon. Mukhang nag-tatanong kung itutuloy ba daw yung isang bagay na pinag-uusapan nila at sumasagot naman itong si Rob na ituloy daw.

Iniwan ko si Rob doon at pinuntahan ko si Stella.

" I don't need the money, basta ibalik ang mga ID ko. Kahit ibato niyo nalang sa seat ko. Just give it back to me! " Saad ni Stella. Sabagay, napaka-importante ng mga ID lalo na pahirapan ang pag-kuha nito.

Hindi kona kinibo pa si Stella at nag-simula akong pasadahan ng tingin ang bawat sulok ng room, nag-ba-baka-sakali na makikita ko doon.

" Nakita kong may pinulot si Rob kanina mapa-daan siya dyan but I'm not saying na siya ang kumuha, 'no? " Giit ni Meshe na busy sa pag-apply ng liptint.

" Napansin mo rin pala 'yon? Imposible naman kukunin ni Rob 'yon, eh kaya nyang triplihin ang laman non. " Saad ni Dale habang malalim na nag-iisip.

Huminga ako ng malalim dahil wala sa bag ni Stella.

" I don't freaking care kung kunin nila ang cash na nandoon, I want my ID's! " Mukhang frustrated na si Stella dahil hindi na niya na-maintain ang happy face niya.

" Nakapulot lang ako ng basura malapit sa seat ni Stella. I picked it and throw it to the trash bin. " Walang ganang sagot ni Rob na ngayon ay naka-tingin sa direksyon ni Dale.

Tumingin ako sa ilalim ng mga upuan pero hindi ko makita. Ayaw naman mag-check ng bag  ni Stella dahil personal na bagay daw nila 'yon.

" Stella, tulungan nalang kita kumuha ng mga ID's mo. " Alok ko kay Stella.

" We can do that, but it's really hard to get an ID's here. " Stress na stress na sabi ni Stella. " Let's just forget it. Wala na rin akong magagawa but I'll make sure na mag-ri-request ako ng CCTV footage. " Tumango-tango ang mga kaklase ko.

Maya-maya, naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Tinignan ko kung sinong tumatawag. Si Mama tumatawag. Ang random naman ni Mama, hindi siya tumatawag kapag alam nyang nasa campus ako.

" Hello, Ma? "

" Ano? Nasusunog ang bahay? " Naririnig ko ang pag-iyak ni Mama sa kabilang linya.

" Sige ma, papunta na ako dyan. " Agad kong ibinaba ang cellphone ko  at inilagay sa bulsa ko.

Nilapitan ko si Stella at sinabi na nasusunog ang bahay namin. Mukhang nagulat din siya. Nilapitan ko rin si Rob na nakikipag-biruan sa mga kaklase kong lalaki. Nawala rin ang ngiti sa mukha niya noong sinabi ko na nasusunog ang bahay namin.

" Let's go. Punta na tayo sa bahay niyo. "

" Sasama ako. " Saad ni Stella na nasa likuran ko.

" Ako nalang, may klase pa tayo. "

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon