Chapter 33:

1.4K 24 2
                                        

Curt Gino's POV

Makalipas ang dalawang taon, nakapag-tapos nakami ni Rob at nakapag-take na rin ng board exam kaya pwedeng-pwede nakaming mag-turo sa mga public school.

Maraming challenge ang naranasan namin after makulong ni Dale at Stella, ilang beses rin kami nag-away ni Rob pero napag-uusapan namin.

" Sigurado ka kaya mong pumunta, baby? " Tanong ni Rob saakin habang tinutulungan niya ako mag-bihis.

" Kaya ko naman lalo na ngayon ko lang makikita ang mommy mo, puro nalang kami sa videocall nag-uusap. " Mabagal na giit ko kay Rob.

" Tulungan na kita sa benda mo sa ulo. " Itinaas ko ang hand mirror na hawak ko habang inaayos ni Rob ang benda sa ulo ko na nag-sisilbing panakit.

" Rob, gusto mo pa rin ba ako kahit ganito na ang itsura ko? Tignan mo nalalagas ang buhok ko dahil sa sakit ko. " Mabilis na naipon ang luha sa gilid ng mata ko nang hawakan ni Rob ang kamay ko.

" Why are you asking that? Of course I like you. I love you so much, Curt. " Seryosong turan ni Rob habang pinupunasan niya ang luha sa mata ko gamit ang daliri niya.

" Kahit tuluyan na akong ma-kalbo? Rob, hindi ka ba napapagod dahil ikaw ang nag-sisilbing kamay at paa ko? Halos isang taon na akong naka-upo sa wheelchair na 'to dahil sa leukemia na 'yan. Rob, gagaling pa ba ako? " Humihikbi kong tanong kay Rob habang patuloy lang si Rob sa pag-punas ng mga luha ko na nag-uunahan sa pag-tulo.

" Curt, huwag mong isipin na napapagod ako. Hindi ako mapapagod na tulungan ka, alagahan ka at hindi ako mapapagod na paulit-ulit na i-remind ka mahal kita. Kaya tumahan kana. " Hinalikan ako ni Rob sa labi.

Bumalik sa likuran ko si Rob at muling inayos ang benda sa ulo ko. Simula noong dumating ang sakit na ito, bumagsak ang katawan ko at pumayat ako. Bumabagal din ang pag-kilos ko at nagiging sakitin.

Mahirap tanggapin na isang taon lang ako nakapag-turo tapos hindi na nasundan dahil sa sakit na ito.

Gabi-gabi akong pinapahirapan ng sakit ko, pero ayokong maabala si Rob dahil nakikita ko sa mga mata niya na pagod na siya.

Kapag pala nagka-sakit ka parang dadami ang mga bagay na maiisip mo, parang feeling mo anytime malalagutan ka ng hininga.

" Ayos na ba 'yan, Curt? " Tinignan ko sa salamin ang inayos na benda ni Rob at pilit akong ngumiti sakanya. Hinila ko ang kamay niya kaya hinayaan niya na hilahin ko siya. Niyakap ko si Rob.

" Rob, alam kong pagod na pagod kana pero huwag kang mapapagod saakin, ah? Palakasin mo ang loob ko dahil natatakot akong tuluyan na hindi maka-kilos at baka hindi na kayanin ng katawan ko. " Muli akong humagulgol habang yakap ko si Rob.

" Huwag mong isipin na napapagod ako sayo, I'm your boyfriend kaya it is my responsibility na alagahan ka and to protect you. Huwag mong isipin ang bagay na nakakapag-lungkot sayo, ayokong malunod ka sa mga bagay na naiisip mo. Sayo nalang din ako kumuha ng lakas, pero paano ako kukuha ng lakas sayo kung nakikita ko na mahina ka? " Namula ang mata ni Rob. Alam kong pinipigilan niya an maluha.

" Magpagaling ka Curt, dahil gusto kitang makita sa susunod pa na taon hanggang sa tumanda tayo. Puputi ang buhok natin ng sabay. " Muli akong hinalikan ni Rob at niyakap ko ito ng mahigpit.

" Are you ready? " Tanong ni Rob saakin kaya tumango ako. Ngumiti si Rob at sinimulan nyang itulak ang wheel chair kung saan ako naka-upo. Nag-hihintay na rin si Mama sa labas. Hindi na naman nakauwi si Tatay dahil busy na naman siya sa trabaho niya.

" Anak, maganda ba ang suot ko? " Masayang tanong ni Mama habang inaayos ang damit niya kahit maayos naman ito.

" Oo Ma, bagay sayo. " Ngumiti si Mama at niyakap ako. Kinuha niya ang wheelchair kay Rob dahil ilalabas ni Rob ang sasakyan.

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon