Curt's POV
Pag-pasok namin sa bahay ni Rob na mala-event place, nagsimula na ang lahat sa pag-luluto. Si Meshe at Nervin ay sweet na sweet sa pagluto ng barbeque habang si Hazel at Cristela ay inaayos ang mesa kung saan nandoon ang alak, softdrinks, snacks, cake at Pizza. May iilan din na bumili pa ng cake kaya ang ending may tatlong cake kami dito. Agad hinanap ni Cristela ang ice cream na talagang pinaalala niya saakin kanina nang paulit-ulit.
" Adhley! Sabi ko sayo hugasan mo yung lettuce, eh. Puro ka mirror shot dyan tapos kapag pi-nost mo sa socmed, iilan lang naman ang dag-re-react. " Dahilan para ibaba ni Adhley ang phone niya na naka-angle na kanina. Kaya gusto kong maging leader si Jelly Ann dahil nai-po-portion niya ang mga trabaho nang pantay-pantay.
" Tapos yung isang reactor niya, tita pa niya. " Dagdag ni Justin kaya nagtawanan ang lahat.
" Heto nanga po. Init talaga ng ulo mo sa'kin Jelly Ann! " Tsaka tumawa si Adhley habang papunta sa mesa kung saan naka-lagay ang naka-plastic na lettuce.
" Curt! " Narinig ko ang boses ni Stella at nakalubog na pala siya sa swimming pool kasama si Dale at si Hazel. Panigurado nakapag-picture na itong si Stella at Hazel bago pa sila mabasa. Lalo na maraming reactor si Stella dahil nakilala siya sa social media dahil sa vlogging idagdag mopa na kilala din ang parents niya sa larangan ng business gaya nang kay Rob.
Stella is good at Table tennis and Dale is good at playing chess. Rob is good at swimming. Ako naman ay pumasok lang sa Physical Education major kasi weakness ko ito.
Si Nervin, Justin, Cristela, Jelly Ann, Hazel, Meshe ay member sila ng cheerdance. Tapos si Adhley naman na basketball player na napaka-gwapo din.
" Curt, ang lalim naman ng iniisip mo. Tara na! " Giit ni Dale na walang damit ngayon kaya kitang-kita ang katawan niya. Itong si Stella at Hazel naka-swimsuit.
" Mamaya nalang, tutulungan ko muna si Rob sa pagluto ng ulam sa loob. Babalik ako. " Iniwan kona sila doon at pumasok ako sa kusina. Nag-set lang kasi kami ng mesa dito malapit sa pool at nagtayo lang kami ng griller sa bandang damuhan. Para talagang event venue ito dahil may shower area at comfort rooms sa labas.
" Patapos kana pala Rob. Ako nalang magliligpit ng mga ginamit mo at mag-huhugas. "
" No, the maids will do that. Let's go outside. " Giit ni Rob kaya bumungong hininga ako.
" Rob, huwag mona silang gisingin. It's too late for them to wake up and clean. Ako na ang bahala dito. " Tsaka ako ngumiti.
" Wife material. "
" Ano 'yon Rob? " Minsan hindi ko alam bigla akong nabibingi.
" Labas na muna ako, ihahatid ko lang ito. I'll be back. Sure ka ba talaga na hindi mo kailangan ng tulong ko? " Tsaka ako tumango at nagsimula na sa pag-lilinis dito sa kusina. Hindi naman gaano madumi ang kusina kaya for sure mabilis ko itong matatapos.
" Kayang-kaya kona 'to Rob. "
Maya-maya narinig kong may pumasok pero hindi ko ito tinitignan dahil nakatalikod ako sa main door.
" Nakabalik kana pala Rob. "
" This is Dale. Ang sipag mo naman, " tsaka tumawa itong si Dale.
" Ikaw pala, congrats pala dahil nai-tawid mo ang demonstration. " Naka-ngiti kong giit sakanya.
" Well, that's because of you. Ang galing mo kasi mag-cheer kaya lumakas ang loob ko. " Naka-ngiti ito. Hindi ko namamalayan na hawak na pala niya yung mga plato na nasabunan kona.
" Isa kapa, ako nalang. Kaya ko naman Dale. Parang ikaw si Rob, gusto pa niya ako tulungan, eh napaka-konti lang naman ng mga 'to. " Giit ko.
" Sige na, para agad matapos. " Wala na akong nagawa pa at hinayaan ko nalang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/366653522-288-k631124.jpg)
BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Novela JuvenilBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...