Curt Gino's POV
Sobrang hirap pala kapag may sakit, 'no? Dati nakakapag-turo ako at sobrang excited pumasok araw-araw dahil may mga estidyanteng nag-hihintay sayo. Ngayon, wala akong magawa kung hindi titigan at haplusin ang uniform ko.
" Anak? " Napalingon kay Mama na kakapasok lang sa pinto at ngayon ay muli niya itong isinara.
" Anak mag-bihis ka, may pupuntahan tayo. Tutulungan kita. " Napakunot ang noo ko dahil biglaan ang pag-alis namin ni Mama.
" Halatang may lakad nga tayo mama dahil ang ganda ng ayos mo ngayon. Saan ba tayo pupunta? " Busy si Mama ngayon na naka-luhod sa sahig dahil inaayos niya ang 2 inches heels niya.
" Basta anak, sumama ka nalang. Teka, sayo ba 'to? " May kinuha si Mama sa baba ng kama ko. Kulay brown na box 'yon.
" Hindi saakin 'yan ma, pero baka kay Rob. Buksan natin. " Ibinibigay ni Mama ang box saakin at agad ko itong binuksan. May nabuong question mark sa isip ko dahil nagtataka ako kung bakit nandito ang family picture namin at ang family picture nila Rob. Nandito rin sa box ang picture ni Dale at Stella na may marka na ekis gamit ang red marker na nasa loob rin ng box.
Tumaas ang balahibo ko dahil hindi ko alam kung para saan ang mga kaya kaya ipinabalik ko agad kay Mama sa ibaba ng kama. Itatanong ko nalang kay Rob kung sakanya ba ang mga pictures na 'yon.
" Anak, tulungan na kita mag-bihis dahil may pupuntahan tayo. Tara na, " lumapit si Mama saakin at pina-suot niya ang damit ko at ang pantalon. Inayos din niya ang benda sa ulo ko.
" Salamat, ma. " Tsaka ito may kinapa sa bag niya at inilabas niya ang lipstick niya.
" Maputla masyado ang mukha mo 'nak, lalagyan kita nito para kahit paano hindi ganon kahalata ang sakit mo. " Sinimulan lagyan ni Mama at ngumiti naman ito.
Pumunta si Mama sa likuran ko at sinimulan niya ang pag-tulak sa wheelchair pero bago pa kami tuluyan na makalabas sa pinto, muling pumunta si Mama sa harapan ko para harapin ako.
" May gustong kumausap sayo, 'nak. " Binuksan ni Mama ang pinto at doon ko nakita si Tatay na naka-ngiti saakin.
" Tay! " Gusto kong tumayo pero nanghihina ako kaya mabilis na lumapit saakin si Tatay para yakapin ako.
" Anak pasensya na ngayon lang ako nakauwi, napaka-dami kasing gawain sa trabaho tapos ayaw pa akong ipag-off ng boss ko. Tumakas lang talaga ako ngayon. " Nakaupo si Tatay ngayon sa harapan ko para mapantayan ako.
" Naiintindihan ko Tay, pero heto na po ako ngayon tay, may leukemia po. " Muling tumulo ang luha ko kaya ganoon rin si Tatay.
" Alam mo ba anak, ganyan na ganyan ang Lolo mo at nasaksihan ko ang paghihirap niya noon. Kung pwede lang na hindi na ako mag-trabaho para dalawa kami ng mama mo na mag-bantay sayo, gagawin ko pero hindi tayo pwedeng umasa lang kay Rob na napa-bait na bata. "
" Oh, tama na 'yan may lakad pa tayo. " Wala akong ideya pero nagtulungan ang magulang ko para mailabas ako sa kwarto.
Pag-labas namin, binuhat ako ni Tatay papasok sa kotse na nakaparada sa labas. Mukhang pina-gamit ni Rob ang sasakyan niya kay Tatay pero alam na alam naman ni Tatay gamitin ito.
" Ma, nasaan pala si Rob? " Nag-tinginan si Mama at Tatay.
" May pupuntahan daw. Huwag mo munang isipin si Rob 'nak. " Hindi na ako naka-sagot pa kay Mama at tumingin nalang sa labas.
" Kung gusto mong matulog 'nak, matulog kana muna dahil malayo-layo pa ang byahe natin. " Giit ni Tatay. Tama nga, malayo ang byahe namin ngayon. Hindi kaya uuwi kami sa probinsya namin?
BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Novela JuvenilBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...
