Curt's POV
" Since I took your first kiss, let me take your second kiss too. "
Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Rob kahapon at talagang sinabi ko kay Mama ang nangyari. Si Mama naman tumawa lang tapos si Tatay walang reaksyon.
" Iniisip mo paba ang nangyari kahapon? " Tanong ni Stella. Inikutan ko naman siya ng mata.
" Sabi na e. " Tsaka tumawa si Stella. Isa rin 'tong malakas mang-asar. Lagi pa naman ako tinutulak kay Rob.
Itong si Rob naman kung hindi tulog sa klase, tumatawa naman siya kasama ang mokong n'yang kaibigan na si Dale na walang ginawa kung hindi rin tumawa.
" Sarap naman ng libre mo Curt. Mabuti pala at naisipan mo akong i-treat anong meron? " Napa-ngiti naman ako sa tanong ni Stella.
" Bukod sa madami akong pa-order ng milkshake ko, may isang bagay ako na gustong gawin at kailangan ko ng tulong mo. "
" Eh, ano naman 'yon? " Hinila ko si Stella papunta sa parking lot dito sa campus. Kahit mainit at nakakapagod tumakbo, hindi ko binitawan si Stella dahil maarte ito at baka kung anong magawa ko sakanya kaoag inartehan pa ako.
" Here, " iniabot ko sakanya ang red and black market. " Tulungan mo akong sulatan ang kotse ni Rob. Hindi ako papayag na kuhanin niya ang first and second kiss ko. Bwesit na homophobic 'yon! " Naguguluhan man si Stella pero tinulungan niya 'ko. Ano-anong bagay ang sinulat namin doon. Inilagay ko rin na ibalik niya ang first kiss ko at ngayon kolang rin napag-tanto na malalaman niya na ako ang nag-sulat ng mga salita na 'yon. Wrong move Curt.
" Mas maganda palang gawin drawing book ang kotse no? " Natatawa na turan ni Stella. Mali man ang ginagawa namin pero hindi talaga ako papayag na hindi ako gumanti. Mababaw man ang dahilan pero hindi dapat basta-basta kinukuha ang first kiss. Perspective ko lang naman 'yan, hindi ko alam kung maraming tulad ko na ang main goal ay ibigay ang first kiss sa taong makakasama mo talaga sa buhay at hindi sa matangkad na homophobic na tulad ni Rob.
" Is this enough? Lagot tayo nito kapag nalaman niya. " Tumawa ulit si Stella. Baliw talaga na Stella 'to, talagang tinulungan ako. Mas marami pa syang nai-drawing kumpara sa'kin.
" Tara na, pasok na tayo sa second subject baka ma-late tayo. " Tumango naman si Stella kaya tinapon na namin ang mga marker na ginamit namin sa trash bin na malapit sa sasakyan ni homophobic.
Pag-pasok namin agad akong umupo sa seating arrangement na ibinigay ng proffesor namin na nagpa-movie analysis. Syempre, katabi ko na naman ang pinaka-ayaw kong tao ss buong mundo. Actually, hinihintay ko s'yang pumasok at gusto kong makita ang reaction niya sa nangyari sa sasakyan niya.
Pag-pasok ni Rob, hindi ko inaasahan ang reaction niya. Bakit naka-ngiti siya? Hindi pa ba niya nakikita ang sasakyan niya?
" Nakita ko ang ginawa niyo ni Stella. Kung iisipin mo na magagalit ako, it's a big no. Marami ako nyan. " Tsaka siya ngumisi saakin. Bwesit na Rob na 'to, akala ko makakabawi na ako sakanya.
" Ferrer? "
" Present sir! "
" Franco? " Pag-dinig ko sa last name ko, sasabihin kona sana na " present " pero hindi ko 'yon nagawa dahil tinakpan ni Rob ang bibig ko dahilan para magtawanan ang mga kaklase ko maging ang professor ko.
" Sir present po ako, sorry po. " Hinampas ko ng malakas si Rob dahilan para mapasigaw siya. Tinignan lang siya ni Sir at mukhang nagpipigil ng tawa ang mga kaklase ko. Baliw talaga ang lalaki na 'to.
" Okay, last time nagpa-movie analysis ako sainyo at nabasa kona ang mga gawa niyo. Na-amaze ako no, kasi ang gagaling niyo mag-observe. Now, you need to make an Icebreaker. We all know na bago ang discussion, may motivational part. Same partner and no changing of partners. " Hindi na ako natutuwa dahil hindi kona gusto ang ka-partner ko plus hindi kopa alam ang gagawin. Hindi ako magaling sa computer kaya mukhang hindi ako makakatulong sa activity na 'to.

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...