Chapter 7:

1.1K 44 5
                                    

Curt's POV

" Lalabas ka ba dyan o papasukan kita? " Oo nga pala nasa loob pa ako ng sasakyan. Dali-dali naman akong bumaba pero bago kopa magawa 'yon pinag-buksan na ako ng pinto ni Rob tsaka ni Inilahad ang kamay niya saakin.

Bago ako kumapit sa kamay ni Rob, hindi ko alam pero biglang bumilis anh tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na i-aassist niya ako sa paglabas.

" Mahal na prinsesa dahan-dahan po at baka madapa kayo. " Sarkastikong sabi niya saakin tsaka niya ibinagsak ang pagsara ng pinto sa sasakyan niya.

At some point, ang gentleman ni Rob pero may kasamang reklamo. Kinabahan talaga ako sakanya. Siya ang unang lalaki na humawak sa kamay ko bukod sa tatay ko.

Nagsimula nakaming maglakad papasok sa mall. Inaya muna niya akong bumili ng Dairy Queen na icecream tsaka kami bumili ng donuts. Ang eksena namin ngayon naglalakad habang kumakain. Para tuloy akong bata dahil pakiramdam ko may kalat na ang labi ko. Hindi ko naubos lahat ng donuts, kumuha lang ng isa si Rob tsaka na niya ibinigay lahat sa'kin ang lima. Sana bumili nalang siya ng per piece, pero ayos lang ibibigay ko nalang kay Mama at Tatay 'to.

Sinundan ko si Rob papasok sa grocery store. Kahit nalilito ako kung bakit nandito kami, sumama nalang ako sakanya. Huwag nyang sabihin na dito siya bibili ng pasalubong kila Mama?

" Do you think magugustuhan ni Tita ito? " Ini-angat niya ang isang microwave oven at tinuro niya ang katabing stand fan. Kailan pa naging pasalubong ang microwave? Kahit nga yung mga nanggagaling sa ibang bansa hindi magpapasalubong nyan, madalas sabon, chocolates at mga lotion.

" Rob, hindi mo kailangan bilhan sila Mama nyan. Ganyan ba talaga magbigay ng pasalubong ang mayayaman? Kahit ibili molang ng tinapay o turon si Mama matutuwa na 'yon. " Hindi siya nagsalita pero inilagay niya sa cart yung electric fan at microwave oven. Kumuha rin siya ng rice cooker at dalawang blender. Nababaliw naba ang lalaki na 'to? Para naman kaming nanalo sa eat bulaga nito.

" Rob, uulitin ko hindi mo kailangan bilhin ang mga bagay na 'yan. " Tinignan ako ng matagal ni Rob bago ito muling nagsalita.

" For sure magagamit niyo ang mga appliances na 'to. Actually, this things are not enough dahil sa kabaitan ng Mama mo sa'kin. Naalala mo yung towel na inilagay niya sa likod ko at nilagyan niya ng polbo? " Oo nga no, halos makalimutan kona 'yon. Yung araw kasi na umuwi ako galing sa sleepover sa bahay nila Rob, napansin ni Mama na basa ang likuran ni Rob kaya nilagyan niya ito ng polbo tsaka nilagyan ng towel. Si Mama napaka-sweet talaga at caring sa mga bisita ko kaya si Stella miss na miss talaga niya ang pag-punta sa bahay. Busy lang talaga sa mga activities. Hinayaan ko nanga yung detailed lesson plan ko e, kung iisipin kopa 'yon panigurado sasakit lang ang ulo ko.

Sa lalim ng iniisip ko, nasa kabilang row na pala si Rob ngayon kumukuha na naman siya ng kung anu-anong grocery items. Condiments, snacks, rice at gamit sa banyo. Ewan koba sa lalaki na ito ang OA naman niya sa pag-papasalamat sa Mama ko. Hindi ba ginawa ng Mama niya sakanya yung mga bagay na 'yon? Sabagay, kahit ako madalas gusto kong magpa-baby sa Mama ko dahil ang sarap sa feeling. Itong si Rob mukhang independent, mukhang siya ang kumikilos sa sarili niya simula bata pa. Ganon ang nakikita ko sakanya.

" Bading, anong kailangan mo? Kumuha kana ng pampaganda mo. You badly need it. " Hindi nanga ako nagsasalita dito at talagang inasar pa ako.

" Wala akong kailangan. Baka ikaw, ayan oh kumuha ka ng dishwashing liquid para malinisan ang pagiging homophobic mo. " Tsaka ko nilitian ang mata ko. Tumawa lang ito ng bahagya at bumalik na sa pagiging seryoso.

Sumasakit ang ulo ko kay Rob dahil ang OA niya talaga magbigay ng appreciation token sa Mama ko, imagine nakapila ang tatlong cart ng grocery items tapos isang cart ng mga appliances.

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon