Curt's POV
Masaya pa rin ako hanggang ngayon dahil nagiging mabuti ang usapan namin ni Rob at masaya rin ako sa mga manyika na ibinigay niya saakin last week. Inilagay ko talaga yung mga kahon-kahon na manyika and I displayed them.
" Did you enjoy the breakfast? " Tanong ni Rob habang nag-lalakad kami dito sa hallway papasok sa classroom.
" I did, salamat Rob. Ikaw ba? "
" Yes, because I'm with you. " Tsaka ito ngumiti, napa-ngiti rin ako.
" Binola mo pa ako. Tara na! " Pumasok na kami sa classroom at hindi mawawala ang tinginan ng mga kaklase ko dahil mukhang nagulat sila at magkasama kami ni Rob.
" Hindi ba mag-kaaway ang dalawa na 'yan? "
" Rob and the gay?! "
" I can't understand. "
Ayan ang iilan na bulungan na naririnig ko pero binalewala ko sila.
" Saan ka uupo? " Tanong ni Rob tsaka ko hinanap si Stella kasi kung nasaan siya doon ako. Noong makita ko si Stella she was talking to Dale seriously at mukhang nagtatalo pa sila. Ang napansin ko ay parang sinisikap nila na walang makakarinig sa pinag-uusapan nila.
Never ko pa nakitang kausapin ni Stella si Dale and something is bothering me. Parang lumakas ang tibok ng puso ko. Maging si Rob hindi naman niya kinakausap si Stella, pero si Stella pilit na kinakausap si Rob. Sa katunayan nga, madalas mag-tanong saakin si Stella kung anong meron saamin ni Rob ngayon pero hindi ako makasagot dahil hindi ko alam. Ang alam ko lang masaya ako masama siya.
Minsan rin naitanong ni Stella saakin kung hindi ko ba daw gusto si Dale kahit kaunti, sabi ko hindi dahil nababaitan lang ako dito. Noong sinagot ko siya ng ganoon parang narinig ko siya huminga ng malalim at nakita kong inikutan niya ako ng mata na hindi ko rin maintindihan kung bakit.
May naririnig din akong mga kwento galing sa mga kaklase ko na may hindi magandang ugali si Stella pero never kopa naman na-experience dahil hindi pa kami nag-away ni Stella at hindi pa kami nagkaroon ng misunderstanding.
" Mukhang may katabi na si Stella, would you like to seat on me? I mean, seat beside me? "
" Sige tatabi ako sayo, kasi may katabi na si Stella. Batiin natin si Stella, tara! " Naka-ngiti kong turan kay Rob pero tila ba na-istatwa siya at hesistant pa na samahan ako pero maya-maya sumunod rin saakin.
" Stella! " Nakita kong napalitan ng gulat ang kaninang seryosong mukha ni Stella.
" Curt, what are you doing here? " Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ako sanay na ganito si Stella para syang nagulat at tila ba hindi niya inaasahan ang pagdating ko. " I'm sorry, stress lang ako sa lesson plan ko kaya nagtatanong ako kay Dale. Saan ka uupo? "
" Sa tabi nalang ni Rob para mapag-usapan niyo ni Dale ng maayos 'yan. " Kumaway at ngumiti ako kay Dale at ganoon rin ang ginawa ni Rob kay Stella at pansin kong hindi makatingin ng maayos si Rob kay Stella.
Napaisip ako kung bakit ganito ang galaw ni Rob towards Stella, hindi ba makatingin ng maayos si Rob dahil sa sinasabi niya saakin before? Panigurado galit rin si Stella kay Rob.
" Rob, yung sinasabi mo noon saakin wala na 'yon saakin and Stella kalimutan mo nalang yung ginawa ni Rob you can friends. " Hindi sumang-ayon si Stella siya.
" Friendship? After all the things he does? Hindi pwedeng kalimutan ang mga bagay na 'yon. " Alam kong kahit anong oras iiyak si Stella.
" I'm so sorry Stella pero hindi ko matitis ang ugali mo. Mabuti nga't nagbago kana. " Seryosong sagot ni Rob.

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Fiksi RemajaBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...