Chapter 28:

678 23 3
                                    

Curt's POV

" May balak kabang magsabi kay Rob tungkol sa nangyari sayo sa yate? " Binasag ni Dale ang katahimikan habang nagba-byahe kami papunta sa mall. Tulad nang ioinangako ni Dale, ipapasyal daw niya ako sa mall.

" Hindi na muna. Tsaka walang dahilan para sabihin ko sakanya. Sapat na yung narinig ko at nakita ko. " Parang bahagyang bumasa ang gilid ng mata ko dahil pilit na pumapasok sa isip ko ang nangyari sa yate at sa yate kung saan ako sinaktan at binaboy. Hanggang ngayon wala pa rin makuha na kahit anong impormasyon ang mga pulis na nagta-trabaho da kaso ko.

" Are you na ayaw mong sabihin sakanya? I mean, nakita ko sa mga mata niya ang pagaalala. Alam kong kahit papaano iniisip niya ang nangyari sayo dahil kalunos-lunos ang itsura mo kahapon nang magpunta ka sa campus. " Tama naman si Dale pero wala talaga akong balak sabihin kay Dale.

" Sigurado ako Dale. Naisip ko lang din, kung natuloy ang date namin at hindi ako nadukot. Mangyayari ba yung ganito? Napaka-bilis kasi ng nangyari. Pero tulad nga ng sabi ni Rob, planado ito at utos 'yon ni Stella. Naguguluhan ako kung ano ang nagawa ko para gawin saakin ito ng kaibigan ko. " Nakikinig lang si Dale at patuloy lang sa pagmamaneho ng sasakyan.

Wala akong nakikitang dahilan para gawin saakin ni Stella ito. Anong nagawa ko? Tila ba biglang nag-flashback ang nangyari noong birthday celebration ni Stella. Naalala ko yung pag-bukas ko ng pinto yakap-yakap ni Rob si Stella habang umiiyak ito. May pakiramdam ako na hindi lanb basta about sa daddy ni Stella ang usapan nila. Para silang may pinagtatalunan.

Noong magising ako nang madaling araw, hinanap ko si Rob pero wala siya sa tabi ko. Sinubukan kong tignan ito sa banyo pero wala siya maging sa kusina pero wala talaga ito.

Nang gabi na 'yon, iba ang pakiramdam ko at grabe ang kabog ng puso ko hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa room na pinagtutulugan ni Stella. Hindi ko na binuksan pa ang pinto dahil baka mas masaktan ako dahil natagpuan ko ang tsinelas na gamit ni Rob sa labas ng pinto ibig sabihin nandito siya sa loob.

" Hindi moba talaga naramdaman na may tinatago sayo si Rob? " Humiling ako dahil wala naman talaga maliban nalang sa birthday ni Stella.

" You know what, kinausap ko rin si Stella at tinanong kung anong kasalanan ang nagawa mo para gawin niya sayo 'yon pero hindi naman siya sumasagot. Actually, sinugod siya ni Rochelle at Junelle. " Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dale. Pumunta pala sina Rochelle at Junelle doon. Akala ko chill lang sila noong nag-kwento ako.

Huminto ang sasakyan sa parking lot ng mall at pinag-buksan ako ng pinto ni Dale. Hinawakan din niya ang ulo ko bilang protection para hindi ako mauntog kapag tatayo ako.

" Here, " in-offer niya ang braso. " Sige na, hirap na hirap kapa sa paglalakad kaya kumapit ka saakin. " Wala na akong nagawa kung hindi nalang kumapit sakanya.

Pag-pasok namin sa mall, hindi maiwasan mapatingin ng mga tao saakin dahil sa bagal nang lakad ko. Pilitin ko man tumayo nang maayos pero masakit talaga ang mga tuhod ko dahil pinalo ito ng kahoy noong nasa yate ako.

" Sabihin mo lang kapag kailangan na kitang buhatin. Ayokong nahihirapan ka. " Giit ni Dale na sinasabayan ako sa paglalakad.

" Oo nga pala, would you like some icecream? Alam mo ba Curt, kapag marami akong iniisip na bagay-bagay, icecream is my theraphy. parang nawawala yung mga iniisip ko. " Hindi pa ako nakakasagot pero itinuro na agad ni Dale ang icecream corner sa mall at doon kami patungo ngayon.

Pag-dating namin doon, mabuti nalang walang taong nakapila kaya mabilis lang na nakapag-order si Dale at mabilis lang din itong naibigay saamin.

Ibinigay ni Dale ang Icecream saakin at inaya niya akong umupo sa mga seats na nasa tapatn Icecream corner.

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon