Chapter 5:

2.1K 53 9
                                        

Curt's POV

Isang linggo simula noong nangyari yung sleepover na hindi ko intensyon na gawin. One week na rin akong inaasar ni Stella at gusto pa niya talagang descriptive ang pagku-kwento ko.

Isa pa itong si Rob na tahimik lang at panay pa rin ang pang-aasar saakin doon sa pagyakap ko sakanya. Inaasar rin siya ng kaibigan niya na si Dale kaya nababadtrip din siya katulad ko.

Inaasar pa nga si Rob na baka nililigawan na daw niya ako dahilan para pagtawanan siya ng mga kaklase ko maging ang kaibigan niya. Ayan yung nakikita kong reason kung bakit ang mga straight na lalaki ay natatakot na makipag-relasyon sa kapwa nito lalaki dahil sa magiging reaction at sasabihin ng mga ibang tao.

" Baka gusto mo ulit matulog sa kwarto ko. " Tsaka siya tumawa nang nakakasar.

" Ang sabihin mo gusto molang magpayakap. " Pang-aasar ko dito. Ibinalik kolang sakanya.

" Hindi ko ginusto 'yon. I would never want to sleep with a gay. " Hindi ko alam pero bigla akong napatayo dahilan para magtapat kami ni Rob. Kapwa kaming nakatayo ngayon habang ang mga kaklase ko ay tinitignan kami. " Ang gusto ng mga bading na kagaya mo ay ang something na nasa pagitan ng mga legs ng mga lalaki. Is that correct? " Awtomatikong dumapo ang palad ko sa mukha niya dahilan para magulat ang mga kaklase ko.

" That is not correct! Ganyan mo ba talaga pag-isipan ang mga tao Rob? Anong ginawa namin sa'yo para sabihin ang mga bagay na 'yan? " Sinisikap ko na hindi marinig ng kabilang classroom ang sinasabi ko.

Natahimik ang klase at lahat sila nakatingin lang saamin. Pinapakalma ako ni Stella pero hindi ko siya pinapansin.

" Homosexuals destroy families. " Sagot ni Rob, sapat na 'yon para marinig ko pero hindi ko maintindihan bakit nasabi niya 'yon. " My dad left us because he was gay. He is having an affair with a gay while my mother's intention is pure. "

" Homophobics destroy humanity. " Madiin ko na sagot sakanya at napasinghap ako.

" Naiintindihan ko Rob pero hindi sapat na rason 'yan para maging ganyan ka sa tulad ko. Nakikiusap ako, ituring mo naman ako bilang isang tao. Kapag magkakasama kayo ng mga kaibigan mo feeling ko kakaiba ako. You know what Rob, future educator tayo dapat mas nauuna tayong maintindihan yung mga bagay na 'yan. Anong sense ng Gender and Society na subject kung hindi mo rin i-aapply. Ganyan ba ang ituturo mo sa mga stude- " hindi na niya aki pinatapos dahil bigla itong nagsalita.

" Yes, ituturo ko sa mga future students ko na huwag maging bading at huwag manira ng pamilya. " Malamig na paliwanag niya. Naka-ngiti ito ng nakakaloko dahilan para talikuran ko siya. Hindi kona kayang makipag-talo pa sakanya.

" Kung ako magiging estudyante mo magpapalipat ako. Ayoko ng teacher na homophobic. Hindi kona kayang makipag-argue pa sa isang straight na tulad mo. Lawakan mo ang isip mo sa mga bagay-bagay. " Tsaka na ako tuluyan na pumunta sa banyo ng school. Hindi ko namalayan na nakasunod pala sa'kin si Stella.

" Hoy bakit ang lala naman ng away niyo ni Rob? Grabe ang intense, kita mo naman nanahimik ang mga kaklase natin. Pero kawawa siya no, iniwan pala ng daddy niya because of third party. " Hindi ko sinagot ko si Stella, parang naubos ang energy ko kay homophobic.

" Ang tapang mo kanina. Dahil hindi ko natatakot kay Rob. What I mean, ikaw yung hindi takot na makipag-sagutan sa lalaki na 'yon knowing na pag-aari nila itong school. " Tinignan ko si Stella.

" Stella, minsan okay lang na ipag-tanggol ang sarili. We should speak. " Paliwanag ko dito tsaka nakami nag-ayos para sa swimming class mamaya.

" Sabagay mali nga naman talaga si Rob sa mga sinasabi niya sayo. Ewan ko ba sa lalaki na 'yon bakit ang init ng ulo, minsan naman ang ayos ng pakikitungo niya sayo. Naguguluhan na rin ako. " Mahabang paliwanag ni Stella habang ako busy sa pag-aayos ng sarili ko.

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon