Curt's POV
Nagising ako dahil sa tunog na nagmumula sa isang device at naramdaman ko rin ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Kinusot ko ang mata ko gamit ang unan na katabi ko. Pero bakit matigas ang unan na 'to? Pagmulat ng mga mata ko. Hindi ko inaasahan ang nakita ko dahil nakahiga ako sa braso ni Rob. Wala itong damit at ang tanging tumatakit sa ibaba niya ay ang kumot.
Gusto kong sumigaw ngayon pero ayokong makita ako ni Rob. Bago ako umalis sa kama, napansin ko ang tattoo sa tagiliran niya na baybayin. Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin nito pero hindi ako marunong magbasa ng baybayin.
Napatingin ako sa paligid at wala akong nagawa kung hindi takpan ang bibig ko dahil ngayon lang pumasok sa isip ko na dito ako natulog ng buong gabi katabi si Rob!
" Yung movie analysis. " Bulong ko sa sarili ko kaya chineck ko ang laptop na nakapatong sa study table ni Rob tsaka ko pinatay ang music na tumutunog kanina kaya nagising ako.
" Naipasa na rin niya. Wala akong naitulong. " Nasampal ko ang noo ko dahil sa nangyari. Ngayon lang nangyari ito dahil sa labis na kapaguran.
Inikot ko ang mga mata ko sa paligid at napahinto kay Rob.
" Grabe pati pagtulog ang gwapo ni homophobic. " Bagay na bagay sakanya ang magulo ang buhok tsaka kitang-kita ang ilong niya na matangos. Ang ganda rin ng labi niya. Pero bakit ko ba naiisip ang mga bagay na 'to? Hindi dapat ako naga-gwapuhan sa homophic na katulad ni Rob. Kung hindi niya gusto ang mga bading, dapat hindi ko rin siya gusto.
Muli kong iginala ang mata ko at hinanap ng mga mata ko ang banyo ni Rob. Kailangan kong maghilamos bago tumakas dito, bahala na kung hindi ako makauwi agad at kung maligaw man ako.
Because, I don't want to stay on Rob's arm.
Pagpasok ko sa banyo, agad kong kinalkal ang drawer ni Rob kung may extra itong toothbrush pero mukhang wala. Hindi ko rin talaga alam kung saan ito nakalagay kaya ang ginawa ko kumuha nalang ako ng mouth wash ni Rob tsaka ako naghilamos gamit ang face wash na for sure kay Rob din ito.
" Nasaan ang twalya? " Pabulong na tanong ko sa sarili ko. Gusto kong maging maingat sa galaw ko dahil anytime pwedeng magising si Rob. Nako po, naaalala ko na naman ang mslaking katawan ni Rob. Grabe ang pagkaputi ng lalaki na 'yon. Para syang singkamas.
Huminga ako ng malalim. " Hindi ko dapat iniisip 'yon dahil kung sakali mahihiya lang talaga ako kay Rob. " Muli kong nasampal ang noo ko tsaka ko kinuha ang twalya para ipunas sa mukha ko.
Ang bango naman ng twalya ni Rob, pangmayaman ang amoy. Pag-alis ko ng twalya sa mukha ko, doon ko nakita ang buong pangangatawan ni Rob na ngayon ay nakatayo sa pinto ng banyo.
" Rob tumalikod ka! " Sigaw ko kaya mabilis niya itong sinunod.
" Why? Anong nangyari? " Naguguluhan na tanong nito. Naka-boxer shorts lang kasi siya tsaka tila ba may sundalo na nakatayo doon.
" Wala kang damit Rob. " Kapwa kami nakatalikod ngayon. Nakaharap siya sa kwarto niya ako naman sa wall dito sa banyo.
" And? Bading ka nga talaga and I don't need to ask you permission before I enter. " Tuluyan itong pumasok sa banyo. May kinuha siya na kung ano doon sa drawer at ibinigay sa'kin ang isang pouch na puno ng kung anu-ano. Tooth brush, maliit na sabon, conditioner, shampoo, sunscreen, lipblam at kung anu-ano pa.
" Hindi ka pa rin nagpaalam pumasok. " Bulong ko dahil hindi ako sanay na may biglang tao na nakatayo sa banyo at ngayon ay kasama kona dito. Hindi ako sanay.
" Narinig kita. You fell asleep in my arms without even asking permission, and when you hugged me, it seemed like you had your partner. " Naka-ngisi ito at tila ba nang-aasar kaya mas lalo akong nahiya. Muli kong nasampal ang noo ko.

BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...