Curt's POV
" Seryoso ba talaga si Sir? May swimming class tayo? Nakakapagod naman. I mean, future PE teacher ako pero hindi kasi ako marunong lumangoy. " Atungal ni Stella habang busy kami dito sa library na magpa-aircon at may binabasa naman akong book na related sa pag-gawa ng rubrics kapag nagpapagawa nang activity sa mga students. Bigla kolang naisip 'to dahil naalala ko yung sinabi ni Lola na teacher rin, kailangan daw may rubrics lagi ang mga activity na pinapagawa mapa-essay, role playing, slogan at kung anu-ano pa. Kapag daw walang rubrics, parang walang basehan ang paglalagay mo ng score sa activity.
" Stella ang dami mong reklamo. Mag-attend ka nalang kahit ako hindi naman ako marunong. " Giit ko dito tsaka siya huminga ng malalim.
" Curt! "
" Ano? " Matipid na sagot ko dito dahil siya ang ang nagsasalita dito sa library kapag talaga pinalabas kami dito masasakal ko yung babae na 'to.
" Diba magkatabi kayo ni Rob? Hindi kayo nag-away? Tumitingin ako sa likuran mukhang tahimik lang kayo. " Babae na 'to pati si Rob itatanong pa, wala naman ako pakielam sa lalaki na 'yon. " Si Rob no parang may lahi na foreigner, ang tangkad at ang laki ng katawan niya. Ang layo niya sa mga ibang kaklase natin na lalaki. Mukha nga syang professor e kung hindi lang siya naka-uniform. "
" Hindi ako makapag-focus sa'yo Stella. Hindi kona maintindihan yung binabasa ko. Nagpa-sorry si Rob. Okay? " Supladong sagot ko dito.
" He did? Wow, for the first time. Sa dami nyang binully sa school. Nakahanap siya ng katapat niya at ikaw 'yon. Kahit payat at hindi ka katangkaran nagawa mong magpa-sorry si Rob. " Tsaka siya natawa na parang baliw.
" Tulungan mo ako Stella, after class magtitinda ako. Alam mo naman na yung kita ko ay mapupunta sa pambayad namin ng ilaw at tubig. Si Mama kasi walang sideline ngayon tapos si Tatay nagta-tricycle medyo mahina daw. " Tumango naman itong si Stella.
Naging routine kona kasi na after class or basta kapag wala akong ginagawa, nagbebenta ako ng shake tsaka school supplies. Kukuha ako ng order tapos bukas ko dadalhin.
" Oo naman, kuha ako ng choco kisses yung 30 pesos. " Giit ni Stella.
" Noted, thank you Stella! "
" You're always welcome, ikamusta mo ako kila Tita at Tito. Ang tagal ko na rin hindi bumibisita sa bahay niyo. " Ngumiti ako sakanya at tumango. Nakaka-amaze talaga itong si Stella, kahit maliit ang bahay namin at hindi kagandahan nagagawa pa rin nyang pumunta. Hindi ko siya nakitaan ng kahit anong kaartehan sa katawan. Aminin natin na may mga kaklase tayo na parang nagdadalawang isip tayo na papuntahin sila sa bahay. In my perspective, I don't want to hear anything from them kung sakali na papuntahin ko sila sa bahay.
" Curt oras na. Tara na! " Hinila na naman ako ni Stella. Hindi man lang niya ako binigyan ng chance para tignan ang sarili ko sa salamin.
Halos magkatabi lang ang room namin sa library kaya mabilis lang kaming nakapunta. Pagpasok namin nakahanda na ang projector ni sir at nakaupo na rin ang mga kaklase ko. Hindi na naman kami magkatabi ni Stella dahil ayaw niya sa likuran malabo daw ang mata niya. Ako naman gusto ko sa likuran kasi ayokong tumitingin si sir saakin. Ugali na kasi nyang makipag-eye contact kapag nag di-discuss siya.
May vacant seat sa upuan ko kaya inilagay ko ang bag ko sa bakanteng upuan dahil mukhang kumpleto na kami.
Si sir naman ay sinimulan na ang pagtuturo at unang slide palang ay may activity na agad. Sana hindi ako antukin dahil ala-singko na ng hapon at 9:00 ng gabi pa ang labas namin dito.
" Good afternoon everyone! I'll be quick as much as I can, may seminar kami kaya kailangan kong mag-iwan ng activity sainyo na kailangan-late ka na naman? " Ang kaninang energetic na boses ni sir biglang nawala dahil kay Rob na walang pakielam sa professor basta lang siya pumunta dito sa tabi ko. Mabilis ko naman na inalis ang bag ko para makaupo siya. Wala talagamg respeto 'to. Hindi man lang nag-excuse.
BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...