Curt Gino's POV
" Alam ko naman na hindi mo magagawa 'yon sa anak namin, Rob kaya hindi ako naniniwala sa mga nalaman ko. Napaka-maldita talaga ni Stella. Hindi ko alam na ganoon ang babae na 'yon. " Ramdam ko ang inis ni Mama pero sabi hayaan nalang siya.
" I'm so sorry po tita, hindi na po mauulit ang bagay na 'to. " Giit ni Rob kay Mama at lumapit si Mama kay Rob para yakapin ito. Sinagot naman ni Rob ang yakap ni Mama.
" Mabuti pa at kumain na kayo. Baka lumamig ang pagkain. "
" Ma, nasaan po pala si Tatay? Umuwi na ba? " Nakita kong nagbago ang reaksyon ni Mama.
" Hindi pa anak, dalawang linggo na syang hindi umuuwi pero nagpapadala naman. " Paliwanag ni Mama kaya tumango nalang ako. Hindi ko na rin kasi nakakausap si Tatay dahil busy sa trabaho niya.
" Kahit anong gawin ko naiisip ko pa rin ang ginawa ni Stella sayo. Wala syang puso, halos ipapatay kana. Ang pinag-tataka ko lang kung sino yung lalaki na pamilyar sayo. Paano nila nagagawa yung bagay na ito hindi ba sila natatakot sa itaas? " Huminga ako nang malalim.
" Curt, wala kabang nakita na palatandaan like tattoo, birthmark or hair color? " Humiling ako.
" Wala Rob, pero sigurado ako na nakita kona yung mga mata niya. Naamoy kona rin yung scent na bumabalot sa katawan niya. Hindi ko alam kung perfume ba 'yon or detergent. " Mahabang paliwanag ko habang pilit ko na alalahanin lahat.
" Pwedi natin hindi ipakulong si Stella but we can do something sa tatlong gago na bumaboy sayo, Curt. " Tumango ako. Pero kahit gusto man natin ipakulong yung tatlong lalaki, hindi namin sila kilala. Wala akong malinaw na description tungkol sakanila.
" Tao po! " Tatayo na sana ako pero sabi ni Mama siya nalang daw.
" Good afternoon po, ano po ang maitutulong ko sainyo? " Narinig kong tanong ni Mama.
" May update na po kami tungkol doon sa sunog na nangyari sa bahay niyo. Sinasadya talaga ang sunog. " Kapwa kami nagka-tinginan ni Rob at sabay na tumayo para pumunta sa sala.
Pag-punta namin doon naka-upo na ang mga pulis maging si Mama.
Nakita kong nag-iba ang mukha ni Rob dahil nandito ang Daddy niya na pulis kasama yung detective. Mukhang hindi talaga sila okay ng tatay niya. Kapwa sila nanatiling professional at nag-focus sa balita.
" Upon checking po sa buong bahay niyo, there are things na naiwan ng nag-sunog sa bahay niyo. " Inilapag ng pulis ang wallet na naka-loob sa plastic ziplock.
" The finger print here and the finger print sa galon na pinaniniwalahan namin na pinag-lagyan ng gas para sunugin ang bahay ay match. Kaya binuksan po namin ang wallet na 'yan at panigurado ang ID na laman nyan ay siya rin ang nag-sunog sa bahay niyo dahil match nga ang finger prints. " Mahabang linya ng pulis. Sana mali ang iniisip ko. Sana hindi siya.
Mabilis kong inilabas ang wallet sa plastic at kaagad ko itong binuksan. Halos mabitawan ko ang wallet nang makita ko ang pagmumukha ng kaibigan ko sa ID at ang pangalan niya.
Nagsimula ang pagtulo ng luha ko hanggang sa nanginig na ako. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko dahul hindi ko inaasahan na si Stella din ang nag-sunog ng bahay namin. Ang galing niya sa pag-arte dahil pumunta pa siya saakin at nag-bigay ng mga appliances.
" Wait, Curt, I just remembered, before your house burned down, Stella's wallet was missing from the classroom. That damn girl actually left an evidence. " Muling nag-flashback ang nangyari noon sa classroom.
Flashback...
" Where is my wallet? " Halos mapuno ni Stella ang buong room dahil sa lakas ng sigaw niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/366653522-288-k631124.jpg)
BINABASA MO ANG
BAD EDUCATOR
Teen FictionBAD EDUCATOR Mr. Rob John Owenturner ( BL story ) Aboutfictionx Curt Gino Franco is an education student na ang tanging layunin niya ay makapag tapos ng pag-aaral at Grade 3 palang siya ay gusto na n'yang maging teacher dahil idolo niya ang kanyan d...