Chapter 19:

1.1K 35 8
                                    

Warning: Not appropriate for young readers or those with delicate minds. For mature readers only; contains explicit language, graphic sex scenes, and mature content.

Curt's POV

" Ikaw ang una at pangalawang nagbigay saakin ng bulaklak. I'd like to get flowers just from you. " Giit ko habang inaamoy ang bouquet na ibinigay ni Rob ngayon. Naka-ngiti ito habang kinukuhanan niya ako ng litrato gamit ang cellphone niya.

" I'll spoil you with flowers and gifts. " Naka-ngiting turan ni Rob. Alam kong alam na ni Rob na receiving gifts at physical touch ang love language ko. While Rob's love language is physical touch.

" And, I will spoil you with kisses and hugs. " Naka-ngiting turan ko kaya hinawakan ni Rob ang kamay ko na naka-patong ngayon sa mesa dito sa restaurant.

This is our second date at pinag-paalam ako ni Rob about dito at kinausap na niya ang parents ko about sa panliligaw niya. Naiyak pa si Mama dahil hindi daw niya inaasahan na may manliligaw saakin dahil raw bihira lang ang taong magkakagusto sa kagaya ko.

Tama naman si Mama, kaya napaka-swerte ko kay Rob.

" Baby- I mean, Curt. Nagugutom kana ba? Hintayin lang natin ng bahagya yung order. Oh, ayan na pala. "

" Baby ka dyan, ikaw kapag narinig ka ng parents mo at mga classmates natin ay nako. " Giit ko at ngumiti lang naman itong si Rob ng pilit.

Dumating ang waiter at inilapag ang order namin sa mesa tsaka na umalis.

" Oo nga pala, Rob. Nasabi mo saakin yung nangyari sa dad at mama mo? I'm so sorry but I would like to ask kung okay ito sa mama mo? " Hinihintay kong sumagot si Rob. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa mata ko. Nakikita ko sa mata niya na gustong-gusto nyang sabihin sa Mama niya pero mukhang hindi okay.

" I'll try my best na sabihin kay Mommy, but I think hindi, you know, magagalit 'yon panigurado. " Hinawakan ko ang mukha ni Rob at hinaplos ito.

" We don't need to rush it, okay lang. Maaga pa naman, nililigawan mo palang ako 'di ba? " Natawa ako sa sinabi ko dahil masyado akong nag-feeling babae sa part na 'yon.

" Yes, ofcourse liligawan kita. Anyway, may ibibigay pa pala ako sayo. " May kung anong dinukot siya sa bulsa niya na maliit na kahon. Binuksan niya ito at inabangan ko kung ano ang laman ng kahon.

It's sparkling silver bracelet at naka-encrave ang nickname ko na "Gino. " Ngayon ko lang din napansin na suot na rin pala niya yung bracelet niya na may nickname din niya.

" Ang ganda Rob. " Ayan nalang ang nasabi ko habang tinitignan ang bracelet na pinapa-suot saakin ngayon ni Rob. Lalong gumaganda ito kapag tumatama ito sa ilaw mula sa kisame ng restaurant.

" Do you like it? "

" I do Rob, basta galing sayo. " Giit ko. Hindi mawala ang tingin ko sa bracelet na nasa wrist ko. Ang galing pumili ni Rob. He's good at choosing gifts.

" Anyway, after our dinner would you like to watch some movies? "

" Makaka-hindi pa ba ako sayo? " Kaya napa-ngiti si Rob. Muli kong nakita ang mapuputi nyang ngipin dahil sa malapad na ngiti siya. Kaninang pag-pasok namin sa restaurant pinag-titinginan si Rob ng mga babae pero wala itong pakielam.

Napakasarap ng pagkain dito, malinis din ang buong lugar especially yung mga banyo. Tapos mabilis ang service which makes this restaurant ten over ten for me.

" Daan tayo sa cake shop Rob, ibibili ko sila mama ng cake. " Giit ko at tumango naman si Rob habang pinupinasan niya ang bibig niya.

" Sure. Are you going to buy anything else besides cake? " Tanong ni Rob habang sina-swipe niya ang card siya sa device ng restaurant para sa payment.

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon