Chapter 20:

1.1K 27 0
                                    

Curt's POV

" Hindi niyo ba talaga pwedeng alisin ang piring na nasa mata ko? " Tanong ko kay Stella at Hazel na katabi ko ngayon sa kotse ni Dale.

" No, we can't. Stay ka lang sa pwesto mo and you don't need to worry. " Giit ni Hazel.

" Anong you don't need to worry ka dyan, eh hindi konga alam saan niyo ako dadalhin, eh. " Pilit kong tinatanggal ang blind fold sa mata ko.

" Safe ka naman sa pupuntahan natin, Curt. Kumalma ka lang. " Hindi na ako nagsalita pa at maya-maya naramdaman kong huminto ang sasakyan.

Inalis na rin ni Stella ang blind fold ko. " Sa wakas. " Kinusot ko ang mata ko at napansin kong nass simbahan kami. Nandito kami sa simabahan sa Angeles City, Pampanga. Pamilyar ako dito dahil madalas kaming mag-simba ni Mama dito.

Pagbaba ko sa sasakyan, narinig ko ang ingay ng mga bata at busina ng sasakyan. Isabay mopa ang bell mula sa nagtitinda ng ice cream.

Inikot ko ang mata ko at talagang napa-ganda ng simbahan kahit nasa labas ka palang idagdag mopa ang cultural stall at mga coffee shop.

" Pwede niyo naman akong papuntahin ng maayos dito kahit hindi ako mag-blind fold, eh. "

" Huwag kanang magreklamo Curt, pumasok nalang tayo. " Saad ni Hazel.

Maya-maya bago kami makalapit sa saradong pinto, ibinigay ni Dale saakin ang isang bridal flower. Gusto kong magtanong kung bakit pero bigla nilang binuksan ang pinto ng simbahan.

Dahan-dahan akong tumingin sa bumukas na pinto at nakita ko si Rob na nakatayo sa dulo.

Walang father pero parang dama-dama ko ang paglalakad ko sa aisle, nakita ko naman sila Stella, Dale, Hazel at ang iba kong kaklase na pumunta sa harapan at lahat sila ay naghihintay sa pag-punta ko sa harapan.

While walking in the aisle, biglang tumugtog ang take all the love by Arthur nery kaya damang-dama ko ang lyrics nito.

" Rob, " giit ko nang makalapit ako kay Rob na nay malapad na ngiti.

" We will make it realistic. Magdadasal tayo sa altar. " Inalok ni Rob ang kamay niya at kumapit ako sakanya. Lumapit kami sa altar at lumuhod. Tinignan ko si Rob at nakita ko syang pumikit at ganon rin ako.

Pagkatapos kong nag-dasal nakatingin na pala si Rob saakin. Maya-maya umubo si Rob at tumayo si Stella.

Pagbalik ni Stella, yakap-yakap niya ang human size teddy bear at ibinigay ito kay Rob.

" This is for you, Curt. I hope you like it. " Hindi ko alam paano ko bubuhatin ito kaya ini-upo ko nalang ito.

" Rob, anong nagawa ko para maranasan ko ang mga bagay na 'to? " Feeling ko tutulo ang luha ko any time.

" You are a very kind person and you have a pure heart. You are also very good at understanding people. " Giit ni Rob kaya napayuko ako at tuluyan nangang tumulo ang luha ko.

" Salamat Rob kasi nandyan ka, salamat kasi dumating ka. Dati napapanood kolang ang mga ito tapos sa babae lang nangyayari. " Humikbi na ako at hindi ko na talaga mapipigilan pa. Niyakap ako ni Rob at hinaplos-haplos ang likuran ko.

" Rob, you may now kiss him! " Sigaw ni Hazel kaya nag-echo ang boses niya sa buong simbahan kaya nakatanggap ito ng malakas na hampas kay Stella. Nakita ko rin na tumayo si Dale at umalis.

Tulad ng sabi ni Hazel, hinalikan ako ni Rob pero hindi rin 'yon nag-tagal dahil biglang lumapit si Stella at mag-picture daw kami.

" Let's have some cake and coffee. " Anunsyo ni Rob sa lahat. " My treat. " Dahilan para magsigawan ang mga kaklase ko. Binawalan naman sila ni Hazel kaya nanahimik naman ang mga 'to.

BAD EDUCATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon