THIRD PERSON POV:
Masayang nag kukwentuhan at kulitan sila Elysia, hanggang sa puntahan sila ng M.C para sunduin si Elysia dahil kakanta na ulit ang dalaga.
"Excuse me Sir, can I take Ms. Elysia for the last song?" tanong ng M.C tumango naman si Arone, ngunit si Tyler ay hindi sang-ayon dahil sa pag pigil nito sa dalaga.
"Tyler, last song na ito ni Yaya okay? Later na lang ulit" wala nang nagawa si Tyler kaya binitawan na ni Tyler ang kamay ni Elysia.
"Whoa, what's wrong with this kid?" bulong na tanong ni Justine, ngunit narinig ito ni Theron kahit mahina ang pag kakasabi ni Justine.
"Ask him" ngising sagot ni Theron at tumayo, binuhat nya naman si Tyler para pumunta sa table nila Lyra.
Nag umpisa nang tumugtog ang Sagittarius Band, kaya ang lahat ay nag sitahimikan at hinihintay ang liriko.
"Why do you build me up (build me up) Buttercup, baby
Just to let me down (let me down) and mess me around
And then worst of all (worst of all) you never call, baby
When you say you will (say you will) but I love you still
I need you (I need you) more than anyone, darlin'
You know that I have from the start
So build me up Buttercup
Don't break my heart" napapalakpak ang lahat at nababasabay sa gitara at beat ng kanta.
May ibang sinasayaw na parang nasa dance floor sila, yung tipong sayaw nung kabataan pa nila. O mas tinatawag na yugyugang liwaliw ng mga binata't dalaga noong araw.
"I'll be over at ten" you told me time and again
But you're late, I wait around and then
I went to the door, I can't take any more say
It's not you, you let me down again
(Hey, hey, hey) baby, baby try to find
(Hey, hey, hey) A little time and I'll make you mine
I'll be home
I'll be beside the phone waiting for you
Ooo-oo-ooo, ooo-oo-ooo" habang kinakanta ng Sagittarius band ang liriko, may mga tao namang ginagawa ang plano nila para sirain ang party.
Walang nakakapansin sa mga ginagawa ng kalaban dahil, nakatutok ang lahat sa pag kanta ng banda.
Habang kumakanta si Elysia ay nakaramdam sya ng malakas na kabog sa dibdib nya, alam nyang hindi maganda ito ngunit pinag patuloy nya.
Habang kinakanta ni Shenna ang liriko ay pasimpleng lumingon-lingon si Elysia sa mga tao, ngunit wala syang napapansin na kahina-hinala.
Busy ang lahat sa pakikinig ng kanta, lahat ay nakatutok ngunit sa lingid nilang kaalaman ay napasok na sila ng mga masasamang tao o sabihin nang kalaban ng Villanueva Company at Mafia.
Sa hindi inaasan may isang waiter ang pumunta sa C.R, papasok na sana ng C.R ang waiter ng mapansin nyang nakabukas ang Danger Room of High Voltage.
Napatigil ang waiter sa pag lapit ng may maramdaman syang matulis at malamig na bakal sa kanyang leeg.
"Lakad" utos ng lalaki sa waiter, patungo sila sa loob ng Danger Room of High Voltage. "Buksan mo" dagdag ng lalaki ng makalapit sila.
"W-wag n-nyo po a-akong patayin" nauutal na saad ng waiter, ngunit ang lalaki ay pawang walang naririnig.
Malapit na matapos ang kanta ng biglang mamatay ang mga ilaw, dahilan ng pag dilim. Nag panic ang mga tao sa loob, at may sumisigaw din.
Mga ilang minuto at ay nag bukas ang ilaw kaya agad na tiningnan ng mga body guard lang lahat, hanggang sa....
"Let me go bastar--!!" agad na bumaba ng stage si Elysia at pumunta sa back stage nakita ni Elysia si tyler na dala ng mga armadong lalaki. Kinuha ni Elysia ang cellphone at tinawagan si Theron, tumulo na ang luha ni Elysia habang hinahabol sila Tyler.
"H-hello, sundan mo kami ni Tyler sa parking lot. Kinuha nila si Tyler!" Agad na pinatay ni Elysia ang tawag, at tumakbo ng tumakbo.
Tinanggal nya na ang heels na suot nya at itinapon nalang kung saan, hindi na napigilan ni Elysia ang umiyak.
Habang sa loob ay nag kakagulo dahil sa sigaw ni Theron na kinaha daw si Tyler, kaya dali-daling lumabas ang anim.
Agad na sumakay si Theron sa kotse nya ng makarating sya parking lot, nakita ni Theron ang heels ni Alexandra at ang mga tela na pinunit ni Alexandra para masundan sila.
Pinaharurot ni Lysander ang kotse nya patungo sa mansyon ng Villanueva , pinaharurot din ni Orion at Christian ang kotse nila patungo sa Underground Empire.
Habang sila Justine at Clark ay tinitingnan kung ayos ang lahat, dumating naman si Evander upang masigurong walang armadong makakapanakit ng bisita.
Malayo-layo na ang narating ni Elysia ngunit hindi parin sya naabutan ni Theron, malulutong namura ang pinakawalan ni Theron habang nag mamaneho.
Nakaramdam na ng pagod si Elysia, ngunit hindi nya ito ininda para mailigtas si Tyler. Tuluyan nang napagod si Elysia kakahabol sa mga armadong lalaki, lalong lumakas ang buhos ng luha nya ng makitang nakasakay na sa itim na Van ang mga armadong lalaki at si Tyler.
Kahit na tuluyan nang nakaramdam ng pagod si Elysia ay patuloy pa rin ang pag takbo nya hanggang sa naabutan sya ni Theron.
Agad na pumasok si Elysia sa harap ng kotse ng huminto ito sa tapat nya, agad nyang tinuro ang daan kung saan patungo ang Van.
Mabuti lamang at waterproof ang make up na nilagay sa kanya, naririnig ni Theron ang mahinang hikbi ni Elysia at malulutong na mura lang ang nailalabas ng bibig ni Theron.
"This is my fault" humihikbing saad ni Elysia, kaya agad na tumingin si Theron kay Elysia.
"No, this is not your fault. It's my fault"
"I'm sorry, I lost him. Hindi ko sya nakuha"
"No, no mahahanap din natin sila" hindi na alam nila Theron kung saan nag tungo ang Van, kaya naisipan na bumalik na sa Company.
Ang lahat ng bisita ay ipinahatid ni Evander sa mga tauhan na kasama nya, bago paan makadating sila Theron ay umalis na si Evander patungo sa Underground Empire.
Ang naiwan nalang sa Company sila Justine at Clark kasama na ang mag-asawang Villanueva.
Bumaba si Alexandra na umiiyak at ayaw pumasok, dahil sa natatakot syang humarap sa pamilya ni Theron.
"Don't worry" saad ni Theron at inalalayan si Elysia.
"Oh jusko!" agad na salubong ni Lyra kay Elysia. "Where's my grandson?" tanong ni Lyra na naluluha.
"Hindi namin naabutan" tuluyan nang napaluha si Lyra at walang ginawa si Elysia kundi ang umiyak na lamang dahil wala syang nagawa para mailigtas si Tyler sa mga armadong lalaki.
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
ActionA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...