ELYSIA'S POV:
"Iha, mag pahinga ka na bukas ang discharged mo." Lyra, tumango ako at nahiga umakyat naman si Tyler sa hospital bed at tumabi sa akin habang hawak si Stitch na medyo may kalakihan.
"Yaya Calli, good night. I love you!" Hindi naman nya maiwasang mapangiti ng sabihin iyon ni Tyler at yumakap sa kanya.
"I love you too, Baby boy." Hinalikan nya ito at tumingin kay Lyra na nakangiti sa kanila.
«« KINABUKASAN »»
Palabas na sila ng hospital, hinihintay lang namin si Theo na dala ang Van na sasakyan namin.
"Finally you're here, Hon. Let's go inside." Pumasok na kami at agad na kumandong si Tyler sa akin na inaantok pa, Hahaha ang cute nya.
Tahimik kami sa byahe, sinabihan nga pala ako ni Kuya na next week mag papakilala na ako at sisimulan na ang tunay na gyera ng mafia.
Tiningnan ko si Tyler na masarap ang tulog, habang naka hilig ang ulo sa dibdib ko. Napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang itsura nya ngayon ko lang sya natitigan ng mabuti at ganito kalapit, bukod sa kamukha nya ang ama nya parang may isa pang mukha akong naalala sa kanya.
Kamukha nya si... Ace.
' Ace? '
Yung kwintas nga pala, hanapin ko na lang pag dating ko sa mansion. Sa Linggo na ang birthday ni Tyler at yung necklace ni Ace ang ireregalo ko, mahalaga sa akin yung necklace pero mahalaga din naman sa akin si Tyler.
Pareho silang mahalaga kaya pag sasamahin ko na, para sabay kong mapoprotektahan.
Pag ka dating namin sa mansion sinalubong kami ng maid at nila Orion at Boss, napa arko ang kilay ko ng makita ko si Boss na iba ang tingin nya sa akin.
' What's the matter? His eyes... '
Lumapit si Boss na salubong ang kilay at kinuha si Tyler na karga dahil tulog pa. "Pahinga ka na sa kwarto mo." Malamig na dambit ni Boss at tumalikod na, bakit parang bumalik sya sa dati? Ang lamig, hindi kagaya noon na sakto lang o mas madaling sabihin na sweet tone.
Pinilig ko ang ulo ko at pumasok na sa kwarto, agad kong hinanap ang kwintas. Hinalughog ko na ang closet pero wala, hinalughog ko ang study table pero wala, hinalughog ko ang sala wala at last na hinalughog ko at ang bed pero wala talaga.
' Nasaan na yun? Dito lang kita iniwan sa bed simula ng iwan ko ang kwartong ito. '
Naupo ako sa bed at nahiga, inaalala ko kung saan ko pinatong yun. Maybe. Bukas ko na lang sila tatanungin, balita ko day off nila.
Pinilit kong makatulog pero, hindi ako makatulog lalo na nung maalala ko yung tingin ni Boss na kakaiba.
"Yaya Calli *crying* Yaya Calli!" Mabilis kong binuksan ang pinto at naabutan si Tyler na umiiyak habang pinapatahan ni Boss.
"What happened to you? Why are you crying? Sinong nag pa iyak sayo? "
"He woke up then he just cried." Malamig na sagot ni Boss sa akin inabot niya sakin si tyler na umiiyak parin.
"Bumaba na kayo kakain na." Malamig na dugtong ni Boss at tinignan sya ng what look.
' Nag bago ba sya? Parang kaylan lang ang sweet nya. '
Agad na sumunod kami ni Tyler habang pinapatahan ko, nakarating na kami sa dining at muling nag tama ang mata namin ni Boss na malamig.
Tahimik din kaming kumakain as in walang nag sasalita, tanging kubyertos lang ang nag iingay.
Lumipas ang limang araw na walang imikan, wala sila Lyra may business trip sila ni theo sa Batanggas at 5 days sila kanina lang sila umalis.
Sa limang araw na lumipas sa kwarto ko natutulog si Tyler, minsan sumama matulog si Boss nung ayain sya ni Tyler na matulog sa kwarto ko.
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
ActionA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...