ELYSIA'S POV:
Hay makakapag pahinga na rin ako sa wakas, katatapos ko lang patulugin si Tyler kaya ngayon nakahiga na ako sa kama. Pinikit ko muna ang mata ko.
~Anak ko, Mahal kita~
Napamulat ako ng may kasamang luha dahil ang salitang lumitaw sa isip ko ay ang huling sinabi ni Mom.
Binaon ko na sa limot ang lahat, pinatay ko na ang dati kong katauhan pero bakit? Bakit unti-unti na namang nabubuhay?
I know my parents are part of an organization but I don't know the name of Empire. Isa lang ang naalala ko, ang Empire kung saan ako sinama ni Dad bago kami atakihin ng mga kalaban.
Doon ko din nakilala si Ace, ang kauna-unahang lalaki na lumapit sa akin that time, kamusta na kaya sya? Kilala nya pa kaya ako? Ano kaya itsura nya?
"Yung kwintas" bulong ko at tumayo para hanapin ang kwintas, it's a gold necklace with initial name TAV.
Tinitigan ko ang kwintas na at nag iisip kung anong sagot sa tanong ko na sya lang ang makakasagot.
"Magiging Queen ba ako ng Empire mo Ace?" bulong ko sa sarili ko, imposible na maging Queen nya ako sa Empire nya. Napakahina kong babae.
'PINIKIT ANG MATA'
"My daughter, if I die please don't listen to your mind" aniya ni Dad sa akin, napakunot ako ng noo sa sinabi nya.
"What do you mean Dad?"
"My daughter, this is not the right time. You're just 8 years old hindi mo pa alam ang mga sinasabi ko"
"Dad, can I ask you a question?"
"What is it?"
"Dad, I heard kuya Evan"
"What do you mean, my daughter?"
"Dad, kuya evan said na sya at ako ay may dugong maharlika. It's true Dad?"
"My daughter, sa ibang tao hindi kayo dugong maharlika. Pero pag nasa loob na kayo ng imperyo, may dugong maharlika kayo........ that's a lie my daughter, because I'm a prince" hindi ko na narinig ang mga huling sinabi ni Dad.
"Ano ba ang totoo? May dugong maharlika ba kami o wala?" bulong ko.
Tiningnan ko ang orasan 12:34 am na pala, hindi pa rin ako inaantok. Naisipan kong lumabas muna ng kwarto at bumaba, pumunta ako sa pool area at nilubig ang paa ko sa tubig.
"Nasaan ka na kuya evan? Hinahanap mo ba ako? Naalala mo pa ba ako?" napayuko at pinabayaan ang luha ko na bumuhos ngayon ko na lang ulit siya naiyakan ng ganito.
Naramdaman kong may umupo sa gilid ko kaya palihim kong pinunasan ang luha ko, kagaya ko nilubog nya dinsa tubig ang paa nya. Amoy palang kilala ko na, si Boss.
"Napuno ata ng luha mo ang swimming pool?" napatawa ako ng mahina sa sinabi ni Boss.
"Oo nga Boss, napuno ko ata" napahagikhik naman sya ng mahina at maya-maya pa'y tumahimik na, ginalaw galaw ko ang paa ko na nakalubog sa tubig.
"Why are you crying?" napayuko ako sa tanong nya, narinig nya kaya?
"May inaalala lang"
"Oh, your kuya? I'm sorry I heard everything you said earlier"
"Opo, kinakamusta ko lang sya sa isip minsan sa panaginip"
"Don't worry hiss missing you too, maybe" nilingon ko si Boss na nakatingin sa akin, seryoso ang ekspresyon ng mukha nya. Parang sigurado sya.
"Bakit Boss parang sigurado kang nami-miss nya din ako?"
"I don't know, but I felt it"
"Sana lang Boss na nami-miss nya din ako" ani ko at tumingin sa langit, ang ganda lang tingnan ng langit puno ng bituin na mahirap abutin kagaya na lang ng katabi ko.
Aaminin ko sa sarili ko humanga ako kay Boss kahit na medyo may sama ang ugali, pero nakakatakot na baka ang pag hanga ko sa kanya ay mapunta sa pag kagusto.
Kailangan kong iwasan mangyari yun, lalo na may pamilya si Boss baka ako pa ang makasira. Sapat na sa akin ang ganitong sitwasyon ang hangaan sya ng palihim, kahit na gustong-gusto kong sabihin sa kanya na hinahangaan ko sya.
Napapitlag ako ng maramdaman kong may sumaboy na tubig sa katawan ko, tiningnan ko kung ano yun si Boss naka ngiti sa akin habang nakalubog ang katawan sa swimming pool.
Ang ganda ng ngiti nya, bagay sa perpektong mukha nya. Hindi ko maipapagkaila na gwapo sya talaga sya, mas lalo na ngayon na basa sya.
"Tulala ka, bagay yan sayo" ani ni Boss at sinabayan ng pag saboy ng tubig galing sa pool, aba't bunabasa ako ni Boss. Kaya bumaba ako at sinabuyan sya ng tubig.
Para kaming bata na nag lalaro sa swimming pool ngayong gabi, ang saya lang na makita si Boss na nag e-enjoy dahil ngayon ko lang sya nakitang ganito. Ang ngiti at tawa nya na abot sa mga mata, wala ang maskara nya.
Sa mukha nyang seryoso na ginagamit nya araw-araw, ngayon ay wala. Ibang-iba sya ngayon, pero bakit? Bakit kailangan nyang mag suot ng seryosong mukha.
'malamang Elysia! CEO sya!'
Ano connect ng CEO doon?
'malamang kailangan syang katakutan!'
Bakit naman kailangan katakutan?
'para hindi nila matal-'
"Tulala ka na naman, bagay lang yan sayo" ani ni Boss at hinila ako palubog sa swimming pool, aba't balak ata akong lunurin ng bwesit na lalaking ito!
Wala akong nakagawa kaya binasa ko sya kahit ba na kami, nag tawanan lang kami at nag kwentuhan tungkol sa kabataan namin.
Napatitig ako kay Boss na tumatawa habang lumalangoy, ang gwapo nya lalo ko syang hinahangaan ngayon. Kakaiba ang gabing ito Boss alam mo ba yun? Kakaiba ito. Inaamain ko na sa sarili ko na crush kita.
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
AcciónA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...