ELYSIA'S POV
"Mom, I want ice cream please?" Napalingon ako kay Tyker na katabi ko lang, tatayo na sana ako ng sumulpot si Manang.
"Iha, alis muna ako mag go-groceries muna ak—"
"Manang, kami na lang ni tyler may bibilhin din namn kami ni Tyler." Tumango-tango naman sya..
"Sige-sige, lilinisin ko na lang yung refrigerator."
Tumayo na ako at binuhat si Tyler para makapag ayos ng sarili, trenta minutos na ang lumipas ng lumabas si Tyler sa banyo nya kaya ako naman ang pumasok.
Ayaw nya na mag paayos, big boy na daw sya. Nag ayos na ako matapos kong maligo, ilang minuto pa ay bumaba na kami ni Tyler na nag lalaro ng Ipad nya.
"Manang alis na kami."
"Sige Iha, ingat kayo."
Sumakay na kami sa ordinaryong Van, mahirap na baka may mangyari na naman na hindi maganda.
"Mom, punta tayo kay Dad please?"
"No, busy ang Dad mo." Sagot ko sa kanya at kinuha ang folder na binabasa ko.
‘ Siguradong dadating sila kung ipapa-alam na may kasalan na magaganap sa isang linggo. ’
"Mom, please?" With matching puppy eyes, paano ko ba tatanggihan ang natang ito? Ang cute-cute nya.
"Hay, fine. Havier, sa Double T Villa muna."
"Copy that, Cal."
Nag tagal pa kami sa byahe dahil ang traffic, sa tagal na pag hihintay namin sa daan sa wakas nakarating na kami sa Double T Villa.
"Mom, I want that!" Tiningnan ko ang tinuturo ni Tyler, cotton candy ang tinuturo nya. May nahagilap naman ako kaya tumingin ako kay Havier.
‘ Nathalie Buisa, anong ginagawa nya dito? ’
"Havier, paki samahan sya na bumili ng tinuturo nya. Mauuna na ako."
"Copy that, Cal."
Nag lakad na ako sa pwesto ni Nathalie na nakatingin sa gawi namin, tumango sya ng makalapit na ako sa kanya.
"Yo, binalitaan ko na si Bossing tungkol sa mortal na kaaway ng Empire." Nathalia.
"Hm, bigyan mo na lang ako ng report mamaya." Tumango sya at sumakay na sa kotse nya.
Lumakad na ako papasok ng building nakita ko naman sila Tyler na kumakain sa gilid ng receptionist.
Sumakay na ako ng elevator at nag hintay na lang pataas kung saan ang office ni Boss. Lumabas na ako ng elevator at nag lakad na papunta sa dulo, narinig ko naman silang may pinah uusapan kaya nakinig muna ako.
"Ano naman yung sa bad?" Rinig kong tanong ni Christian.
" Nakatakas sa kulungan si Daniello Fe Buerez, malaking gulo ang mangyayari sa Mafia World at Mafia world Outside ." Rinig kong sagot ni Boss.
"So, ito na ang simula ng tunay na gyera ng Mafia at Mafia World Outside. Don't worr—" Pasimple akong pumasok at saka tinuloy ang naputol na salita ni Kuya.
"Don't worry, hindi madadamay ang outside world ng Mafia. Ang delikado ay ang Mafia World, paki basa na lang ng plano." Seryoso kong dugtong.
Masama ko namang tiningnan si Boss, naiinis pa rin ako sa kanya. Sinadya ko talagang maging seryoso sa kanilang lahat, basta naiinis at natutuwa ako kay Boss.
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
ActionA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...