Chapter #27

53 1 0
                                    

ELYSIA'S POV:

Dalawang araw na hindi pumasok si Boss, at si Tyler patuloy pa rin ang pag aaral dito sa bahay.

At ngayon na ang hinihintay ng mga empleyado ng Villanueva, ang event to welcome the new C.E.O of Villanueva Company.

Ngayon nandito ako sa kwarto ko, kasama ko si Lyra dahil inaayusan kami ng mga kinuhang make-up artist.

Naunang matapos sila Lyra, bagay na bagay sa kanya bumata ang itsura nya at mas lalong lumabas ang ganda nya kahit may edad na sya.

Inaayusan pa rin ako, katatapos lang ng sa mukha ko ngayon ay ang buhok ko na ang inaasikaso nila.

Pumasok na si Lyra sa C.R para mag palit ng susuotin nya, ilang minuto pa ay lumabas sya at napa nganga ako sa ganda nya. 

Wearing white long sleeve gown, may design na bulalak malapit sa laylayan ng gown nya sa bawat bulaklak ay may pakinang na talagang nag padagdag ng ganda sa gown. Ang simple pero elegante kung titingnan, hindi na ako mag tataka kung bakit ganoon kagwapo si Boss at tyler dahil ang ganda ni Lyra.

"Wow Lyra, you're so gorgeous lady" puri ko sa kagandahan nya, ngumiti naman sya at tiningnan na ako ng mabuti. 

"No, you're more gorgeous" puna nya at natawa ako sa sinabi nya.

Natapos na ayusin ang buhok ko na pina messy bun, nilagyan ng mga bulaklak at clip na may bato na pag tumapat ka sa ilaw at kikinang.

Pumasok ako sa C.R at sinuot ang black fitted long sleeve gown, may design na diamond sa laylayan open ang harap ng gown kaya kita ang binti ko. Sinuot ko na din ang 3 inches heels na silver, ang heels na ito ay pa-cross na tali hanggang kalahati ng binti ko.

Lumabas na ako at agad akong nakarinig ng mahinang tili at hagikhik kaya tiningnan ko kung sino yun, mga make up artist lang pala at sila Boss...

Napayuko naman ako dahil sa hiya, yung tingin ni Boss nakakailang. Hindi ko nakita si Lyra, I'm sure papunta na yun sa company.

"Wow, Yaya Calli you're so beautiful. Right Dad?"

"Y-yeah right, shall we go now?" tumango ako at lumapit sila ni Tyler sa akin.

Pinapagitnaan ako ng dalawa, tiningnan ko si Tyler ang gwapo nya lagi naman. Sumulyap ako kay Boss habang pababa ng hagdan, ang gwapo nya —mali pala, mas lumabas ang kagwapuhan nya.

Biglang tumingin si Boss kaya umiwas agad ako, narinig ko pa ang mahinang tawa ni Boss I'm sure namumula nako ngayon.

Naabutan namin ang lima na nag hihintay sa amin, nakita kong napatulala ang lima na pinag taka ko.

"Ehem, ano ito family party?" nakakalokong ngisi ni Clark, nakita kong umiwas ng tingin si Lysander at Orion na parehas na namumula ang tainga nila.

"Yes, Tito's this is a family party" napabuga ng tubig si Justine at nakangangang tumingin kay Tyler.

"What's with this kid?" rinig kong bulong ni Christian kay Lysander.

"Let's go, we're gonna be late" agad na tumayo ang tatlo at nag silabasan na, kahit naka-alalay sa akin si Boss ay inaalalayan pa rin ako ni Lysander. Si Tyler naman ay hawak ni Orion, nag bibiruan pa sila.

Ilang minuto kaming bumyahe at nakarating na kami, pag kababa ko sa parking lot ay agad akong nag paalam para pumunta na sa banda.

Nakita kong nakaayos na sila Shenna, kaya pumwesto na ako sa pwesto ko. Nakatakip kami ng tela muna. A million dreams ang napiling kanta, base on Orion isa daw sa pangarap na marating ni  Boss ang maging C.E.O ng Company ng pamilya nila.

Babysitting the Billioner's SonWhere stories live. Discover now