THERON'S POV:
Tahimik kong pinapanood ang mga nag na-night swimming ngayon, ano ba pwede kong gawin para pansinin ako ni El?
"Theron, balita ko nandito daw ang anak na lalaki ng Presidente." Pukaw ni Orion, kanina ko pa pala kasama ang lalaking ito.
"Anak?" Takang tanong ko, sa pag kaka-alam ko walang anak ang Presidente na lalaki, puro babae ang alam ko.
"Oo, totoo nayan..."
"Nayan...?" Binitin pa.
"Nakausap na ni Elysia, ang anak ng Presidente. Si Jasper Dua." Nilingon ko si Orion na salubong ang kilay at tinuro ang tinitingnan nya.
Nag salubong ang kilay ko ng makita ko si El, na kasama ang anak ng Presidente. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Panay ang layo ni El pag lumalapit masyado si Jasper.
"See, hindi lang kausap ni Elysia kasama pa."
"Hm, inaantok na ako matutulog na muna ako." Sambit ko at tumalikod na, pag dating ko sa Hotel agad kong hinanap ang kwarto namin ni Orion.
‘ Hm, hindi naman siguro problema yung Jasper na iyon? ’
Pipikit ko na sana ang mata ko ng may kumatok ng sunod-sunod.
‘ Sino naman kaya itong istorbo? ’
Tamad akong tumayo at lumapit sa pinto, kung si Orion ito papasok lang iyon kung naka loack naman may susi iyon.
Pag bukas ko, bumungad sa akin ang isang babaeng lasing hindi ko sya kilala kung sino ito.
"M-miss, na mal—hm.." naputol ang sasabihin ko ng hinalikan nya ako, agad ko naman syang tinulak.
Kinabahan ako ng makita ko si El at Orion na nakatingin sa gawi namin ng babae habang papalapit.
Mas kinabahan ako ng biglang tumalikod si El, at masama akong tiningnan ni Oriom. Shit. Agad kong iniwan ang babae at sinundan si El.
Wala na akong pake-alam sa babae basta ang gusto ko lang ay makapag paliwanag kay Sy na hindi sinasadya iyong nakita nya.
"El, ma—"
"Elysia!" Agad akong napatigil ng biglang yakapin ni El si Jasper..
‘ Mukhang huli na ako... ’
Nanlulumo akong tumalikod at nag lakad pabalik sa hotel kung saan ang kwarto namin ni Oriom, naabutan ko naman silang anim na seryoso at masama ang tingin.
Hindi ko na hinanap ang babae, wala naman akong pake-alam sa kanya, dahil sa kanya bakantuluyan na akong hindi pansinin ni Sy.
"Ano na balak mo?" Seryosong tanong ni Evander.
"Gusto kong mag paliwanag sa kanya, pero mukhang hindi ko na magagawa." Mapaklang sagot ko sa kanya at naupo.
"Ano ba ang nangyari? Bakit may babae kaming naabutan dito? Ayaw naman sagutin ni Oriom ang tanong ko." Gian.
"Matutulog na sana ako, pero may kumatok pinag buksan ko hindi ko naman alam na babae iyon. Kaya sasabihan ko sana na namali sya ng pintong pinag katukan, kaso bigla nya ak—"
"At yung oras na yun ang nakita namin ni Elysia." Putol ni Oriom. "Alam mo bang naki-usap sa akin si Elysia na mag palit kami ng roommate, kaya sinamahan ko sya papunta dito kaso ang na-abutan namin ay may halikan na naganap." Dugtong ni Oriom.
‘ Shit, bakit ba kasi sumulpot ang babaeng iyon!? ’
"Bukas, mag usap kayong dalawa. I'm sure na nasaktan ang kapatid ko sa nakita nya." Malamig na usal ni Evander at umalis na, sunod-sunod na silang umalis at naiwan lang si Oriom.
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
AçãoA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...