ELYSIA POV:
"ELYSIA!!"sigaw ni Tita Angelie, kaya dali dali akong pumunta sa kinaroroonan nya at nag handa na dahil sermon na naman ang aabutin ko.
"Diba sinabi ko!! Mag luto ka muna bago ka mag laba!! Kahit kailan talaga napaka tamad mong babae ka!!"sigaw nya sa mukha ko ay hinila hila ang baraso ko. "Nang dahil sayo hindi kami na kakain ng Tito mo!! Kaya ang dapat sayo lumayas kang babae ka!!"dagdag nya sabay hila sa akin palabas at si Tito naman ay nilalabas ang damit ko.
"Tita, parang awa mo na po wag mo po akong paalisin nakikiusap po ako!"paiyak na pakikiusap ko sa kanya, wala na akong pupuntahan, wala na akong pamilya, hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Okay lang sana kung may trabaho na akong nakuha.
"Pwes, wala akong pake alam kaya lumayas kang babae ka!! Layas!!"sigaw nya at pinag saraduhan na ako ng pinto. Marami nang tao ang nakatingin sa akin at alam kong naawa sila sa akin, simula ng kunin ako ng Tita ko kinaawaan agad nila ako.
'naku talaga itong si Angelie napaka salbahe sa pamangkin, kawawa tuloy si Elysia'
'mareng Beth tama lang na palayasin si para narin maging malaya at hindi na mag kapasa ang magandang mukha ni Elysia'
'agree ako sayo mareng Inday, palibhasa kasi lalakero ang Tiya ni Elysia, hays kawawa talaga si Elysia kung may espasyo pa sa bahay ko papatuluyin ko sya'
'ako din mare'
Rinig kong bulungan nila Nanay Inday, sila ang mga chismosa sa baranggay namin pero hindi ako nagagalit na ako ang pinag uusapan nila dahil sila ang tumutulong sa akin. Sila ang nag bibigay minsan ng pag kain sa akin bago pumasok, minsan pinag babaon nila ako. Tinuturing nila akong anak kahit ganoon sila sa baranggay.
======================================
Nag lalakad ako ngayon at nag hahanap ng bahay na uupahan o pag tatrabahuan, napapagod at nagugutom na ako. Gusto konang mag pahinga, gusto ko nang mahiga sa kahit kalsada pa ito. Gutom, pagod at hilo dahil sa init ng araw.
Hindi ko na kaya, dahil sa hilo at pagod napaupo ako sa kalsada, hindi ko na kaya ang pagod at gutom maging ang hilo dala ng init ng araw.
Bumagsak na ako at pinikit ang aking mata pero bago ako mawalan ng malay ay may narinig pa akong busina at boses.
"Oh my god!! Kunin nyo sya, Roland let's go to hospital faster!!"yan ang boses nahuling narinig ko at tuluyan nang nawalan ng malay.
Nagising ako, at alam kong nasa hospital ako dahil amoy na amoy ko. Dahan dahan akong tumayo at kinusot kusot ang aking mata.
"You're awake, thanks god!!"nagulat ako ng biglang may mag salita kaya lumingon ako sa kanan, at nakita ko ang may katandaang babae ngunit bakas parin ang ganda. Halatang mayaman din sya dahil sa suot palang ay mga bodyguard na nasa tabi nya.
"Are you okay? May masakit ba Iha? Tell me?"nag aalalang tanong nya habang lumalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Okay lang po ako, wala po salamat po"nakayuko kong sabi at napaiyak ng palihim dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pang bayad sa hospital dahil hindi pa ako nakakahanap ng trabaho ko.
"What's wrong Iha?"tanong nya at itinaas ang chin ko.
"Wala p--"
"Don't worry, bayad na ang lahat ng babayaran sa hospital. Iha saan ka nga pala nakatira? ihahatid ka na namin"napayuko ako sa huling sinabi nya dahil wala naman talaga akong tirahan na pag hahatidan sakin.
"P-pasensya na p-po naka abala pa po ako, salamat po sa tulong nyo pero ano po ba ang pwede kong ipa--"
"Iha, no need ihaha--"
"P-pero, Ma'am nakakahiya po at i-isa p-pa po n-nag hahanap pa po ako ng tirahan at t-trabaho"nakayuko at nahihiya kong anas sa kaniya.
"Iha, gusto mo ba ng trabaho?"napatingin ako sa sinabi nya, kaya tumango agad ako. "Ipapasok kita bilang taga pag alaga ng apo ko, kailangan nya ng maid. Okay lang ba sayo yun Iha?"dagdag nya kaya naman nag liwanag ang aking mukha. Sa wakas mag kakatrabaho na ako after one year nakahanap din ng trabaho.
"S-sigurado ka po ba Ma'am?"paninigurado ko, tumango naman sya ng may ngiti sa labi. Napayakap naman ako sa kanya dahil sa tuwa.
"Pasensya na po, masyado lang po akong natuwa"pag hingi ko ng pasensya sa kanya, ngumiti naman sya at kinuha ang prutas na orange.
"Ito, kainin mo ng lumakas ka at ng maisama na kita sa Manila dun ka mag tatrabho"napatango naman ako sa sinabi ni Ma'am at ngumiti. "Call me, Lyra not Ma'am okay?"command nya at ngumiti.
"Yes, po Lyra I'm Elysia po"pag papakilala ko at ngumiti sa kanya.
Kinain ko na ang binigay nyang orange, masaya ako dahil may trabaho na ako at the same time kabado baka ayaw sa akin ng aalagaan ko.
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
AksiA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...