SOMEONE'S POV:
"You need to find her, bago maunahan ng ibang Imperyo. Sa isang Imperyo lang sya dapat natatangi!" sigaw ko sa mga tauhan ko. Hindi ko na alam kung ano na ang itsura nya, sa tagal na panahon nakalimutan ko na sya. Isa lang ang meron akong bagay na mag papatunay na sya ang hinahanap ko. Ang kwintas.
"Boss, may nabalitaan ako binabantaan ng kalaban na Empire ang kinabibilangan nating Imperyo" nakayukong pag babalita ng kanang kamay ko.
"Mag padala ka ng mag babantay sa mansion nila King, maging sa school ng anak ni King" utos ko at uminom ng wine.
"Masusunod Boss"at umalis na sya.
Napahinga ako ng malalim, ano ba kasalanan ng Imperyo namin sa Imperyo nyo Mr. Aragushi? Oo umalis ako sa Imperyo pero hindi ibig sabihin noon tuluyan ko nang kinalimutan ang Imperyo na kinabibilangan namin ni Papa.
Misyon ko ang bumuo ng bagong orginasasyon pero kabilang pa rin ito sa Imperyo na kinabibilangan ko, kung baga kami ang second choice o option lang.
Ang orginasasyon na binuo ko ay tinatawag na HIDDEN EMPIRE ng kinabibilangan kong Imperyo. Dadaan muna sa amin ang isang problema at kung kaya namin resolbahin, hindi na kailangan resolbahin ng Imperyong kinabibilangan ko.
Pag hindi namin kaya, ay hihingi na kami ng tulong sa COSA NOSTRA EMPIRE, ang Imperyong inaakala nilang iniwan ko ngunit hindi naman totoo.
Ngayon pinapahanap ko ang Reyna at ang kapatid kong nawala 10 years ago, tama si Mama kailangan kong protektahan ang kapatid ko noon. Pero sana hindi pa huli ang lahat.
"Hey what's up, Thunder" biglang lumabas si Acrone sa bintana suot ang exclusive na pang ninja nila ni King.
"Wag mo nga akong magulat-gulat diyan Acrone!" inis kong anas sa kanya at sinalinan sya ng wine.
"Be ready, darating na si Sniper bukas. Kasama natin si King na susundo sa ugok na yun" sabay inom ng wine.
"Si sniper pa lang ba ang uuwi? Kailan pa uuwi ang tatlo?"
"Si Shooter sa friday, si Dark at Damon same lang next week. " hays saturday pa lang ngayon.
"Bakit ba nag si-uwian ang mga ugok nating kaibigan?"
"May nakakalimutan ka ata?"
"Alin ang nakalimutan ko?"
"Gago, papalit na si King na CEO sa company ni Emperor" oo nga pala sya nga pala ang next na CEO.
"Kaya pala nag si-uwian ang mga yun, paano ba yan kayo ba ni King ready na sa pag dating ng mga yun?"
"Ako oo, ewan lang si King baka mabanas"
"Halata naman na ready ka na Acrone, excited na makatikim ulit ng babae. Tsk tsk"
"Ganon talaga Thunder pag isang taong hindi nakatikim, ikaw for sure mang hihila ka na naman"
"Malamang sa malamang, alam mo namang ako si Pullboy pag dating sa bar" nakangising banggit ko sa kanya.
Halos kaming pito nila King mag kakasundo sa lahat ng bagay, pero pag dating sa bar o pang babae anim laban sa isa. TALO NA KAMING ANIM. Walang iba kundi si King ang killjoy pag dating sa babae.
"Hahaha" natawa kami sa pa pinag sasabi naming dalawa, nag kwentuhan kami ng nag kwentuhan.
"Asan nga pala si King ngayon?"
"Nag bobonding sila ng anak nya, kasama ang yaya ng anak nya"
"Wow, thats some kind of unexpected?"
"Yeah, alam mo namang walang time si King pag dating sa buhay pamilya. Pero napapansin ko laging maaga natatapos ni King ang mga dapat tapusin, mas lalong naging energetic sya sa trabaho unlike last year"
"Sa tingin mo ano pa ang dahilan?" napalingon naman sya sa akin at binalik sa garden sa baba.
"I don't know, but parang bukod sa gusto nyang makita ang anak nya at makasama. Paran--"
"Boss!" natatarantang pasok ng kaliwa kong kamay na tauhan kaya napatayo kami ni Acrone.
"King need's help, he need back up!" anunsyo nya kaya dali-daling nilabas ni Acrone ang phone nya at trinack sila King, malulutong na mura ang lumabas sa bibig ni Acrone.
"Sa mall!" agad na tumakbo si Acrone sa may bintana.
"Papuntahin sa mall ang grupo ni Almo!" sigaw ko at napaupo, hindi ako pwede lumabas para tulungan sila dahil utos ni King yun, na wag ako mag papakita tanging sa kanila lang anim.
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
AzioneA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...