Chapter #42

53 3 0
                                    

ELYSIA'S POV:

Araw ngayon ng sabado, nandito kami nila Boss sa Mall bibili kasi ako ng ingredients na kailangan para bukas. 

Syempre, mga prizes din dahil may palaro para sa mga bata, payag naman si Boss na invited ang mga classmates ni Tyler at iba pang kakilala ni Tyler na schoolmates nya.

"Tyler, let's buy toys for prizes. Cal, ikaw na bumili ng ingredients mo." Tumango ako at ngumit at saka ko tinap ang ulo ni Ttler.

"No, sama ako kay Ya—"

"Tyler, sumama ka na sa Dad mo ikaw ang mamimili." Sumimangot si tyler at tumango.

Nag lakad na sila papasok ng boutique na puno ng laruan, kaya lumakad na ako papunta sa groceries.

Habang nag hahanap ako ng beef hindi ko namalayan na may na bangga na pala akong pushcart.

"Sorry, I'm sorry Ma'am." sabi ko sa babaeng nakabangga ko at pinulot ang ibang nalaglag na pinamili nya.

Pag angat ko ng tingin napa tuod ako, sya lang naman kasi ang biological mother ni Tyler. Si Selene Fuenterez.

Nakita kong hirap syang kunin ang purse nyang nahulog nang makita ako, kaya agad kong pinulot yun at inabot sa kanya.

"I'm sorry, hindi ko napansin ang push cart mo." Tipid na ngiting sambit ko sa kanya, ngumiti naman sya at hinawakan ang tiyan, kaya napatingin ako doon.

"Sorry, hindi ko kasi kayang yumuko ng bahagya maselan kasi you know. By the way thank you, you're Elysia right?"

"Ohm, It's okay, I understand naman." Ngiting sambit ko sa kanya at hinawakan ang kamay nyang nasa tiyan.

"H-hey"

"You're pregnant dapat hindi ka namimili ng mag isa, anyway busy ka ba bukas?" Tanong ko sa kanya at binitawan na ang kamay nya.

"I'm not busy tomorrow, why? Thanks for your concern pero walang tutulong sakin mag isa lang naman ako."

"Alam mo naman ang subdivision ng Villanueva right? I'll invite you. It's Tyler's birthday party. Can you? Don't worry, ako na bahala nasa likod mo ako tutulungan kita para mag kasundo kayo ni Tyler. That's your chance to be with your son." Nakaawang ang labi nya sa sinabi mo.

‘ Tama lang ang gagawin ko, ayokong magalit si Tyler sa tunay nya na ina. ’

"B-but wha—"

"Please, pumunta ka. Mapapanatag ang loob mo, I know nasaktan nung last na nag kita tayo dahil sa sinabi sayo ni Tyler. "

"S-sige, p-pero baka malat—"

"Sunduin na lang kita, sige na mukang tapos na na mamili. Pahinga kana pag kauwi mo." Tumango ito sa kanya at umalis na, may tinawag naman akong staff ng groceries sakto na kasama ang manager na lalaki.

"I'm the manag—"

"Pwede except muna si kuya, gusto ko lang na utusan sya na tulungan nya ang babaeng iyon at ihatid."

"Sure Ma'am, Castillo paki tulungan yung babae na yun at ihatid mo sa bahay nila." Utos ng manager sumunod naman si Castillo.

Nakita ko naman si Javier na papunta sa akin..

"Javier, kilala mo naman si Selene Fuenterez right?"

"Yes, Elysia bakit?"

"Javier sundan mo sya, gusto ko safe syang makakauwi ng bahay nya and one more thing mag sama ng limang bantay para bantayan sya sa bahay."

Babysitting the Billioner's SonWhere stories live. Discover now