THERON'S POV:
1 WEEK LATER....
"Boss, may bagong problema ang Empire"nilingon ko si Orion na nakatingin sa computer.
"Continue" usal ko at pinakinggan ko na sya.
"Nag padala sya ng e-mail, nakalagay sa e-mail ‘Get ready, the war is coming’ hindi na matrack ng grupo ni Christian ang nag padala ng e-mail"
"Then, get ready"
"Are you serious?"
"Yes, I'm dead serious"
"Okay, ipapatipon ko ang lahat sa underground"
"Okay, ako na ang mag sasalita"
"W-what? Boss hindi pwe--"
"Ako na ang mag sasalita, gagamit na lang ako ng voice changer"
"O-okay" tinanguan ko lang sya at pinanood ang mga bagong salta sa CN Empire.
*Cringgg*cringg*cringgg*
I pick up my phone and it's my Mom..
"Hello Mom"
“Son, pumunta ka dito sa hospit--”
"What happened to her Mom!?"
“Theron, it's not her si Tyler. Pumunta kana dito, nag wawala si Tyler”
"I'll be there in 30 minutes"binaba ko na ang tawag ni Mom at kinuha ang coat ko.
"Bos-"
"I'm going to hospital" agad na akong umalis ng office at sumakay sa elevator.
Nasa 5 floor na ako ng mag bukas ang pinto at sumakay ang kinaiinisan kong babae.
‘ What the hell is she doing here? ’
Pumasok na sya, kaya naisipan kong lumabas at gumamit na lang ng hagdan ayokong makasama ang babaeng ito. Akmang lalabas na ako ng pigilan nya ako.
"Theron, can we talk?"tanong nya sa akin, kukulitin nya lang ako. Damn it I'm in a rush, ngayon pa sya sumingit.
"5 minutes" at bumalik sa pwesto ko.
It's her, my son's mother. Selene Fuenterez.
"Talk"
"Theron, pwede ko bang makita ang anak ko?"
"No" malamig na sagot ko.
"Theron, please kahit isang araw lang please?"
"No"
"Ther--"
"Wala ka nang karapatan sa anak mo, simula ng sabihin mo na wala kanang pake-alam sa anak mo"
"May karapatan ako! Ako ang ina!"
"Ako ang ama, at ako ang masusunod ngayon dahil naiayos na ang papel ni Tyler"
"Ako ang nag luwal sa kanya kaya may karapata--"
"Inabandonado mo si Tyler sa akin dahil wala ka nang pake-alam at isang pag kakamali lang sya sayo di ba? Now tell me kailan mo pa sya tinuring na anak kung ang tingin mo sa kanya ay isang pag kakamali lang na ikaw ang gumawa at hindi ako!?" nag uumapaw ang galit ko ngayon, ang kapal ng mukha nya para sabihin na may karapatan sya kay Tyler.
Oo sya ang tunay na ina, oo sya ang nag luwal pero mali ang inabandona niya si Tyler ng ganon-ganon lang.
Sya ang dahilan kung bakit naging bunga si Tyler.
"Mahal kita kaya ko ginawa yun! Akala ko pag may nangyari sa atin at mabuntis mo ako mamahalin mo ako! Pero mali ako kaya inabandonado ko sya sayo! Binabawi ko na ang sinabi kong wala na akong pake-alam sa kanya kaya please let me"
"Alam mong simula't sa una palang, sinabi ko na sayo na kaibigan lang kita at hanggan doon lang iyon! Hindi kita papayagan na makita mo sya"
"Sya pa rin ba!? Sya pa rin ba ang laman ng puso mo!? Kaya ba hindi mo ako minahal dahil sya pa rin ang nasa puso mo!?"
"Oo sya lang at wala nang iba, bibigyan kita ng isang araw para makasama sya tawagan mo na lang si Orion kung kailan mo gustong makita" malamig kong anas at saktong nag bukas ang elevator kaya lumabas na ako.
Agad akong nag drive papunta sa hospital, pag kadating doon nakita kong gulo-gulo ang loob ng private room ni Elysia.
Nakita ko din si Tyler na umiiyak habang hawak ang kamay ni Elysia, naka-alalay naman si Mom kay Tyler at si Dad ay inaayos ang kalat.
"Mom, Dad. How is she? What happened?
"Son, she's still in comatose. Hindi nagustuhan ni Tyler ang pag kain kaya nag wala sya at pinag tatapon lahat ng mahawakan nya" sagot ni Dad at tumango naman si Mom.
Tinulungan kong mag linis si Dad at mabilis din namin natapos, si Mom naman ay pinapatulog si Tyler sa tabi ni Elysia ayaw umalis ni Tyler kaya doon na lang pinatulog sa katabing hospital bed na nasa tabi ni Elysia.
"Mom, Dad. Gustong makita ni Selene si Tyler"
"What!?" sabay na sambit nilang dalawa.
"Pumayag ako kahit isang araw lang"
"Why?" tanong ni Dad.
"Nadala lang ako, kaya pumayag ako" sagot ko kay Dad.
"Ginamit nya ba si El?" tumango ako sa tanong ni Mom, niyakap naman ako ni Mom.
"It's okay Son, mahahanap din natin si El" tumango na lang ako kay Mom, tinapik ni Dad ang balikat ko.
Alam kong mali ang ginagawa ko, si El lang ang gugustuhin ko pero may nagustuhan akong iba at si Elysia iyon.
Mali ang ginagawa ko, pero hindi ko mapigilan na gustuhin si Elysia. Kung hindi ko na mahanap si El handa na akong kalimutan sya at si Elysia na ang aking mamahalin... Kung sakaling hindi ko na sya mahanap pa.
‘ I'm so sorry Elysia ’
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
AcciónA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...