THERON'S POV:
Tatlong araw akong hindi umuuwi sa mansion, dahil busy ako sa pag hahanap sa anak ko.
Ganito pala ang pakiramdam, pag nawala ang anak. Nakakapang lumo, nakakawalang gana, nakakawala ng kulay sa buhay ngayon ko lang naramdaman ang ganito.
"Theron, your Mom" nilingon ko si Orion na inaabot ang cellphone.
"Hello, Mom?"
“Theron, si Elysia. Nawawala"
“What!?” agad akong tumayo at umalis sa Hideout.
Hindi pwedeng mawala si Elysia, sya ang hahanapin ni Tyler pag nakabalik na sya.
Kahit sarili ko, ayaw ko syang mawala. Aaminin ko sa sarili ko, totoo na ang nararamdaman ko. May gusto na ako kay Elysia.
Pag dating ko sa mansion ay agad akong pumunta sa kwarto nya, hindi ko na pinansin sila Mom.
Nandito lahat ng gamit nya sa kwarto, pero wala sya. Saan kaya sya nag punta? Ginala ko ang paningin ko at may nakita akong note.
‘ I'm sorry, kung umalis ako ng walang paalam. Hindi ko na kasi kaya, gusto ko nang bumalik si Tyler. Sana hayaan nyo akong tumulong sa pag hahanap sa kanya oras na makita ko sya at maibalik sana wag nyo na akong hanapin pa. Thank you.
- ELYSIA ’
Napahilamos ako sa mukha ko ng mabasa ko ang sulat, hahanapin ka pa rin namin ni tyler kung sakaling makabalik sya.
‘Elysia, kung aamin ako sayo na gusto kita. Babalik ka ba?’
Tumayo na ako at akmang mag lalakad ng may mahulog na isang pocket notebook, kaya pinulot ko ito at binasa ang naka-sulat. Binuklat ko ito at bumungad sa akin ang mga sulat kamay nya, inilipat ko sa ibang page hanggang sa may naka-agaw ng atensyon ko sa sulat.
‘ Boss, bakit ang manhid mo? Hindi mo man lang nararamdaman na may crush ako sayo — mali pala. Hindi mo man lang nararamdaman na gusto kita. ’
Nakaramdam ako ng kakaibang saya, pero lamang parin ang lungkot ko. Inilipat ko ulit sa ibang page at binasa.
‘ Tyler, sana naging anak na lang kita. Ang cute-cute mo, pero masakit lang isipin na kahit kailan ay hinding-hindi mangyayari na maging anak kita. Dahil isa lang naman akong YAYA MO ’
Gusto nya maging anak si Aaron? Elysia gustong-gusto ka din nya maging Mommy. Inilipat ko ulit sa ibang page — no this is the last page.
‘ Sorry, handa akong ipalit ang buhay ko kapalit ng pag balik ni Tyler. I'm really sorry, I love him so much I need to do something to save him. Sana maging masaya kayo oras na makabalik si Tyler, wag nyo akong alalahanin magiging okay lang ako. ’
Nabitawan ko ang pocket notebook at agad na tinawagan si Elysia, nag ring ang phone nya pero nandito sa loob ng kwarto.
‘Fuck! Parehas kayong mahalaga sa akin, pero sino ang pipiliin ko?’
Damn it Theron! I need to do something to save them, I don't wanna lose my beloved. Fuck! Fuck!
"F*ck!!" gigil na anas ko at napahilamos na lang ang kamay ko sa mukha, ramdam ko na unti-unting tumutulo ang butil ng luha ko.
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa Hideout, hindi ko na pinansin ang tawag nila Mom.
Aminin ko hulog na hulog na ako kay Elysi, pero bakit kung kailang gusto ko na sya nag karoon ng problema.
Kung kailang gusto kong matupad ang gusto ni tyler na maging Mommy sya, saka sumingit ang p*t*ng*n*ng problema na yan!
Oo masama akong tao dahil pinapa-patay ko ang mga taong mandurugas sa gobyerno dahilan ng pag hihirap ng mga tao!!
Pero ginagawa ko lang yun para matulungan ang mga taong tinatapak-tapakan ng mga sakim na gobyerno!
Ang gusto ko lang naman ay maging malinis ang bansa at maging pantay-pantay ang mga tao! Walang mahirap! Yun lang ang ginagawa ng orginasasyon ko!
Napahigpit ang hawak ko sa manobela at walang pasabing pinag hahampas hanggang sa maramdaman kong sumasakit na ang kamay ko. Nang makarating na ako sa Hideout, agad akong bumaba ng kotse at pumasok.
"May balita na ba?" malamig kong tanong kay Clark na patuloy paring tinatrack si Tyler. "Evan, catch" binato ko kay Alvin ang pocket notebook ni Elysia kay Evan.
"Wala paring balita, hindi ko na mapasok ang access nila kung saan pa pwedeng mag tago" sagot ni Clark, nakita ko naman na nag lilinis ng baril si Lysander at Orion seryoso silang nag lilinis.
"This is the right time to introduce the Hidden Empire" napalingon kaming lahat kay Evan. "Since nasa panganib ang kapatid ko makikipag tulungan na ang orginasasyon ni Mom sa orginasasyon mo Villanueva" Nilingon naman ako ni Evan, tumango na lang ako sa kanya.
"Okay" anas ko at naupo sa tabi nya.
"Okay, Albert aalis na tayo ngayon sa Underground ng Empire ni Mom" utos ni Evan at tumayo na. "Tara na" saad nya at naunang pumunta sa sasakyan, sumunod na lang kami sa kanya.
Nakarating kami sa tagong lugar ng gubat, nag lakad pa kami ng ilang minuto at may biglang bumukas na gate.
Ano ito hunted mansion? May mansion na pinapaligiran ng puno at ginapangang ugat.
"Welcome to Camora Empire"
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
AksiA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...